Chapter 23

92 2 0
                                    

Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Katatapos lang ng klase ko ngayon araw at dumiritso ako sa banyo dito sa third floor malapit sa building ng mga Agri business. Hindi na ako pumunta sa banyo doon sa baba dahil doon kami nag-away ni Edge. Hanggang ngayon ay sariwa parin sa akin ang mga nangyari doon.

Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang lumabas. Mabuti dito sa banyo na ito dahil hindi masyadong marami ang mga babaeng tumatambay. Sa susunod ay dito na talaga ako gagamit. Hindi na ako pupunta pa sa baba o kahit saan. Mas tahimik dito at hindi makalat. Doon sa baba ay minsan makalat dahil marami ang gumagamit.

Inayos ko ang back pack ko bago ko isukbit ito sa aking likod. Ito na ang ginagamit ko ngayon dahil nasira ang shoulder bag ko sa kakatapon ko nito kay Edge. Kaya ngayon ay back pack nalang ang dala. Hindi ito mabigat dahil dadalawa lang ang notebook na nakasilid dito at isang pen. Hindi ako kagaya ni Edge na pati locker niya ay sinilid na rin sa kanyang bag. Of course hindi totoo yun.

Paglabas ko ay muntik na akong mapabalik sa loob ng makita ko si Edge na nasa harap ko. Wag niyang sabihin sa akin na magsi-cr din siya. May cr naman silang mga lalaki kaya bakit nandito siya?

Hindi ko na nakayanan na magsalita. "Oh, may cr kayong mga lalaki kaya bakit nandito ka? Hindi ka nababagay dito." Asik ko sa kanya.

"Haven" Nagsusumamo ang kanyang mukha sa akin.

Tinulak ko siya. "Tabi!"

Pero hinawakan niya ako at dinala ako sa isang lumang classroom na katabi lang ng cr. Hindi na inukupahan pa ang classroom na ito dahil katabi lang ito ng banyo. Hindi na ako mapalagay dahil kaming dalawa lang ang nandito at hindi ito dinadaanan ng mga tao. Sa pinakadulo kasi nito ay wala na. Dead end. Ginawang ambakan ng mga sirang chairs ang classroom na ito kaya walang tao. Sino ba naman ang tatambay dito hindi ba?

"Bitawan mo nga ako. Kung hindi mo ako bibitawan ay sisigaw ako dito." Pinilit kong makawala sa kanya pero ang higpit talaga ng kapit niya sa akin.

"Hindi tayo aalis dito hangga't hindi tayo nagkakaayos." Ah ganun? Nanghihingi na siya ng tawad ngayon dahil may kasalana siya?

Winaksi ko ang kamay ko para makawala sa kanya. Nakawala naman ako pero hinawakan niya ulit ang isa kong kamay.

Winaksi ko ulit yun. "Ano ba! Kung hindi mo ako bibitawan ay hindi ako makikipag-usap sayo." Nangangalaiti kong banta sa kanya.

Kaagad naman niyang binaba ang kamay ko. Lumakad siya paharap sa may pintuan at sinara niya ito. No scratch that! Nilock niya pa!

"Bakit mo nilock?" Asik ko sa kanya. Humakbang ako papunta sa pinto pero pinigilan niya ako.

"Haven. Please, I'm sorry. Hindi ko sinasadya na mag-react ng ganun. Nadala lang ako sa nakita ko. Sorry, kung alam mo kung gaano ako nagsisi na hinusgahan agad kita sa nakita ko. Sorry."

Mali talaga ang maghusga kaagad. Alam naman niya na madali akong magalit. Hindi ko makontrol ang sarili ko kapag galit ako. Lumalayo ako at mas hindi lumalapit sa mga tao. Sa isang linggo na umiiwas ako sa kanya ay ngayon lang niya ako na tyempuhan. Kada paglalapit niya sa akin ay aalis naman ako. Pasalamat siya at sincere siya na humihingi sa akin ng patawad. Kung hindi ay baka abutan kami ng taon bago magkausap ng matino.

Umupo ako sa isang matinong upuan na natumba pa nga nung masagi ng paa ko sa kakapiglas ko sa kanya. Hindi ako tumingin sa kanya nung lumapit pa siya sa akin. Nawala tuloy ang antok ko nung lumipat siya sa akin at lumuhod sa harap ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa mga hita ko. Nakakunot noo ako. Hindi ako tumitingin sa kanya kahit sobrang dikit ang mga balat namin. I don't know what I would to him.

FADE Where stories live. Discover now