Chapter 11

127 2 0
                                    

Tsk. Kung ako lang ang lalaki ay hindi muna ako magmamahal kaagad. Pag-aaralan ko muna ang sarili ko kung pwede na ba akong magmahal o di kaya ay kung handa na ba ako. Kaya nga ang daming naghihiawalay ngayon eh. Marami ang mga hindi nagtatagal na mga pares. Bakit kasi...kulang na kulang kasi sila sa tiwala sa isa't-isa.

Psh. Kailan pa ako naging ganito?

Umalis na ako sa bench. Naglakad ako papunta sa coffee shop na malapit dito sa campus. Hindi yung naging tagpuan namin noon ni mama. Hindi ito kasing-mahal ng coffee shop na nasa tapat nito. Kaya maraming pumupunta dito na mga students kasi masarap pa ang mga pagkain dito at hindi pa mahal. Affordable ang mga coffee at mga pagkain.

Pumasok na ako sa loob. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kaunti lang ang mga estudyante na nandito. Sa pinakadulo ako pumwesto. As usual naman na dito ako uupo. Saan pa ba ako uupo kung hindi dito sa hindi ako makikita. Binaba ko muna ang bag ko sa upuan dahil bibili muna ako ng coffee.

Isang coffee lang ang binili ko. Pampalipas lang naman ng oras ang  pagpunta ko dito. Sa apartment ay sasakit lang ang likod ko sa kakahiga. Sasakit lang ang ulo ko sa init. Dito ay magrerelax lang ako at magbabasa na naman ako ng libro na hiniram ko kay tiya.

Sumimsim muna ako ng kape na binili ko bago ako magsimulang magbasa. Tungkol lang naman sa mga halaman ang binabasa ko. Mahilig naman ako magbasa ng mga novels kaya lang ay hindi pa ako nakakahanap ng panibagong libro. Paulit-ulit nalang ang mga novels na nasa bookstore. Kaya hindi ako bumibili eh. Atsaka wala akong budget para sa mga yun.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkatuwa sa binabasa ko nang may lumapit sa akin. Akala ko ay ang tindera dito. Nagbayad naman ako. Tumingala ako para tignan ang taong lumapit sa akin. Nasa harap ko si Deagan. Napahawak siya sa kanyang batok bago magsimulang magsalita.

"Ahm...pwede ba akong maki share ng table sayo?" Tanong niya.

Napakunot noo naman ako. "Bakit?"

"Eh...wala na k-kasing ibang pwesto."

Nagtaka ako. Pinagluluko ba ako ng lalaking ito? Hindi naman marami ang mga tao dito. Kaya lumingon ako sa ibang pwesto para malaman kung wala na nga.

Napaatras ang mukha ko sa pagkataka. Really? Ganun kabilis? Bakit ang dami na kaagad?

Binalik ko ulit ang tingin ko kay Deagan.

"Sige. Maupo ka." Dadagdagan ko na sana ang sasabihin ko kaya lang ay baka ma-offend siya. Makasakit pa ako ng damdamin.

Umupo na siya sa harap ko. Bali sa nakaharap siya sa may entrance ng coffee shop. Pero nasa dulo kami. Ako naman ay nakatalikod sa mga tao. Sinadya ko ang ganitong pwesto dahil ayaw kong bumaling sa iba ang tingin ko kapag nagbabasa ako.

Nagsimula na ulit ako sa pagbabasa. Siya ay tumayo muna at iniwan ang bag niya para bumili.

Pagbalik niya ay hindi na ako nag-angat ng tingin. Engross na engross ako sa pagbabasa nang inilapag siya sa harap ko. Katabi ng libro ko. Napatingin ako sa kanya.

"Ahm...binilhan kita ulit ng bago...baka gusto mo." Namumula niyang sabi.

I tilted my head and looked at him with amusement. Pero hindi niya nakita ang amuse kong mukha dahil nakayuko na siya habang pinaglalaruan ang kutsara na nasa tasa. Namumula pa ang kanyang leeg pati narin ang kanyang mukha. Uminom nalang ulit ako ng kape na binili niya para itago ang ngisi sa aking mukha. Atsaka sayang naman ito kapag hindi ko manlang natikman.

Hindi na siya tumingin sa akin pagkatapos niya akong bigyan ng coffee. Kaya nagbasa nalang ulit ako para hindi maubos ang oras ko para dito. Siya naman ay kumain muna bago magbasa. Sa itsura niya ay gutom na gutom siya. Ang yaman-yaman niya tapos ay hindi nakakakain ng maayos. Dapat palaging busog siya. Culinary pa naman ang kinuha niyang kurso pagkatapos ay para siyang aso na gutom na gutom.

FADE Where stories live. Discover now