Chapter 2

265 7 0
                                    

Naamoy ko ang sariwang hangin. Tinatangay ang lahat na mga dahon sa mga puno. Noong nakaraang linggo lang ay halos hindi na ako makapag tuyo ng mga damit dahil ilang araw ding umuulan. Kahapon at ngayon lang sumikat ng matiwasay ang araw. Ewan ko lang bukas kung uulan. Hindi naman natin alam ang takbo ng panahon. Minsan ay nagkakamali din ang weather update sa TV.

Kaya kanina ay todo laba ako atsaka pagpatuyo ng mga damit ko. Baka umulan na naman bukas. Pagkatapos kong maglaba ay pumunta ako dito sa Pansky Park. Ngayong araw ay may Christmas party kami pero hindi ako dumalo. Ang boring dun. Wala naman akong ka-close dun. Nakaupo lang ako dito sa may benches habang nakatanaw lang sa mga bata na naglalaro.

I used to be like them. Like, playing happily with some friends. Bigla kong inumpog ang aking ulo. Dati yun. Hindi na ngayon. Sumilip ako sa dala kung phone kung anong oras na. Five thirty. Simula ngayong gabi ay ang huli ko ng pagtrabaho sa bar na pinapasukan ko. Magreresign na rin ako para makapag focus na ako ngayong second sem. Sabi ni tiya Helen ay kailangan ko daw makapag-pahinga ng maayos. Siya na daw ang bahala sa kalahating babayarin ko ngayong susunod na semester.

Tutal ay naglalabada naman ako tuwing weekends. Sakto na yon. Kapag makatapos ako ay agad akong mag-aapply sa mga flower shops dito. Tapos pagmaka ipon ako ay magtatayo ako ng sarili kong shop. Malapit ng magdilim. Nakabukas narin ang mga street lights. Nakauwi na ang mga mag-anak sa kani-kanilang mga bahay. Nagpasya narin akong umuwi.

Naglakad ako pauwi. Twelve minutes lang naman ang layo ng park tungo sa apartment ko. May mga kakilala akong nakakasalamuha ko sa daan, ngumingiti lang ako ng pilit sa kanila. Napadaan ako sa grocery store. May bibilhin nga pala ako.

Kumuha ako ng ilang mga pagkain. Magiimbak na ako dahil malapit na ang pasko. Sure ako na mapupuno na naman lahat ang mga convenience store. Ano na ngayon? Seventeen or eighteen? Basta malapit na yung araw ng pasko. Marami akong binili ngayon kaya medyo na tagalan pa ako sa store. Pero mabuti nalang at hindi masyadong matao ngayon. Sabi ko nga, ang swerte ko ngayong... gabi.

Pumunta ako sa may counter para makapag-bayad na. Bago ako tuluyang makalapit doon ay may nauna sa akin. Napakkunot noo ako. Well, it's okay. Wala namang rule dito sa store na kung sino ang may maraming nabili ay siya ang mauuna. Naghintay nalang ako. Mahigit pitong minuto na ang nakakalipas pero ang tagal paring umalis ng lalaki sa harapan ko. Tumingin ulit ako sa phone ko. Maaga pa naman pero nagugutom na ako. Tumingin ako sa likod. May dalawa nang nakasunod sa akin.

Ang bagal naman. Hindi na ako mapakali dahil kumukulo na ang tiyan ko dahil sa gutom. May trabaho pa din ako. Kaya hindi na ako nakatiis, sumilip ako kung ano na ang ginagawa ng cashier. Baka kung ano ang nangyari. Gumilid ako ng pwesto. Kahit medyo payat ang nasa harapan ko ay hindi ko talaga makikita ang nasa unahan dahil masyadong matangkad ang taong to. Napataas ang kilay ko ng makita ko ang ginagawa ng cashier. Holy...! Really? Nakatunga tunga lang naman ang malandi sa harap ng lalaki. Nakatungkod pa ang kamay sa baba at yung isang kamay ay pinaglalaruan lang ang mga pinamili ng lalaki. Kitang kita pa ang dibdib. Halos makita na nga ang kanyang itim na bra. Eww. As if naman branded yan. Nangangalaiti na ako. Kaya hindi na ako nakapagpigil at hinampas ko ng malakas ang palad ko sa counter mismo. Pampagising lang naman sa kanya.

"Hoyyy! Kanina ka pa ha!baka naman ako naman ang sunod! Marami pa kami o." Turo ko sa likod ko. Agad naman umayos ang cashier.

"Umayos ka ha. Ilang minuto na kaming naghihintay dito! Hay naku! Bilisan mo nga! Kibagal bagal e." Reklamo ko. Namutla ang babae. Ganyan, kulang lang sa pasabi e. Umangat naman ako ng tingin sa lalaki na nasa unahan ko. Psh! Ano ba naman to. Akala ko gwapo to. Yun pala mukhang....

Pasensya na. I know I'm grumpy and short-tempered. Pinanganak akong ganito e. May magagawa ba ako?

Iyong lalaki na nasa unahan ay pagtingin tingin sa akin. Pinandilatan ko siya. Subukan mong tumingin sa akin. Sunog ka. Pangiti ngiti pa ng pilit.

FADE Where stories live. Discover now