Chapter 35

124 4 0
                                    

Dahan-dahan kaming naglakad ni Edge papunta sa puntod ng lola. Nakaakbay siya sa akin ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa isang bouquet ng puting rosas.

Tatlong oras ang ibinayahe namin papunta dito sa libingan kung saan nakahimlay din ang lola ko. Ang dating mga kabahayan na malapit sa sementeryo ay naging libingan na rin. Sa mga nalaman ko noon rito ay binili na daw ng gobyerno ang lupa na iyon para mapalawak ang sementeryo. Mabuti nalang at ginawa nalang libingan. Ang dumi-dumi kasi ng kapaligiran dahil sa mga tao na nakatira rito.

Mabuti nga at hindi sila dinadalaw ng mga kaluluwa dito. Di joke lang. Kung saan man nakatira ang mga dating naninirahan sa gilid ng sementeryo ay sana maayos lang sila. Lalo na ngayon na uso na ang mga sakit.

"Napagod ka ba sa byahe natin, hmm?" Pukaw sa akin ni Edge.

Oo nga pala. Syempre nakakapagod din ang tatlong oras na byahe. Lalo na sa kotse lang. Kung bus ay wala namang problema sa akin.

Tumango ako kay Edge. "Oo naman. Sino ba ang hindi mapapagod sa byahe na yon. Tatlong oras kaya tayong nakaupo lang sa kotse."

"Gusto mo bang masahiin ko ang pwet mo ha?" Masama ang tingin na naipukol ko sa kanya. Nakataas lang ang gilid ng kanyang labi at pati ang mata niya ay nanunudyo din.

Inamba ko sa kanya ang kamao ko. "Ito gusto mo?"

Kunwaring umilag siya at medyo umatras siya ng kunti pagkatapos ay nakangising umakbay na naman sa akin. Nakasimangot akong tumingin sa iba. May iilan din ang mga nandito. Siguro ay dinadalaw din nila ang mga mahal nila sa buhay.

Nagtungo na kami sa libingan ni lola. Napangiti ako ng makita ang pangalan niya sa lapida. Agad akong lumuhod sa harap. Hinimas ko ito at sinapo ang mga nahulog na dahon mula mismo sa puno. Lumuhod din si Edge at linagay ang isang bouquet ng roses sa gilid ng lapida. Tapos ay tinapik niya ang balikat ko at binulingan niya ako.

"Bibili muna ako ng tubig sa may tindahan ha. Diba nauuhaw ka na? Bili muna ako." Tipid akong ngumiti sa kanya at tumayo na siya.

Hinatiran ko muna siya ng isang sulyap at tuluyan na siyang nakaalis. Binalik ko ulit ang tingin ko sa puntod ng lola. Nanginginig pa ang kamay ko sa pagpulot ng mga lanta na dahon paalis sa puntod nito.

"Lola. Kumusta ka na kaya? Maayos ba ang lagay mo? Kung nag-aalala ka sa sitwasyon ko ngayon. Huwag ka ng mag-alala sa akin ha. Nasa mabuting mga kamay na ho ako. Hindi niyo po kailangang mag-alala dahil nakatapos na po sa pag-aaral at maghahanap na po ako ng trabaho. Sana gabayan niyo po ako sa paghahanap ng trabaho. Para sa susunod na makabisita po ako dito sayo ay may iba naman akong ibabalita sayo."

Napahinto ako saglit. May bumara sa aking lalamunan na siyang nakapagpatigil sa akin sa pagsasalita. Ang hirap lumunok basta may ganito. Napabuntong hininga ako. Alam kong mahirap makipag-usap sa patay na dahil hindi natin alam kung nakikinig ba talaga sila o hindi. Kung naririnig man ako ni lola ay sana hindi na siya mag-alala pa sa akin.

Binunot ko ang mga damo na nasa tabi na ng puntod niya.

"Kung nakikinig ka sa akin la. Sana maintindihan mo po ako kapag hindi ako nakakadalaw sa iyo. Alam mo naman na mas magiging busy na ako. At saka hindi mo na kailangan pang mag-isip diyan kung sino ang nag-aalaga sa akin. May tagabantay na po ako lola."

Ngumiti lang ako saglit at saka huminga ng mas malalim. Inayos ko ang mga bulaklak na dala namin ni Edge. Kaya ko naman tumayo sa sarili kong mga paa. At hindi lahat ng oras ay may tutulong sa akin. Syempre kailangan ko ring magsumikap.

Lumingon ako sa likod ko nang marinig ko ang yabag ni Edge papalapit sa akin. May dala na siyang isang bote ng soda. Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod.

FADE Where stories live. Discover now