Chapter 1

344 5 0
                                    

Napatampal ko ang sa aking pisngi ng maalala kong may trabaho pala ako. Napasarap ang tulog ko sa may  library. Hindi ko tuloy namalayan ang oras. Hindi ako magigising kung hindi ako ginising ni tiya Helen kanina. Kainis talaga. Kaya ngayon ay mabilis akong naglalakad papunta sa bar. Lakad takbo lang ang ginawa ko. Hindi na ako nag-abala pa na sumakay ng taxi. Gastos na naman yon.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa bar. Nginitian ako ng isang bouncer sa labas. Pagkapasok ko ay agad na sumalubong sa akin ang hiyawan ng mga tao. Naipit pa ako nung dumaan ako. Kahit sa gilid ay may marami paring mga tao. May nagpapalitan ng mukha. Err, you know what I mean. Nagtuloy tuloy lang ako sa pag-lalakad hanggang makaabot ako sa kusina. Sinara ko ang pinto para hindi ko marinig ang ingay sa labas.

Kinuha ko ang apron saka sinuot ito para hindi madumihan. Sinabunan ko na ang mga pinggan. Madali lang naman to kaya lang masyadong madami. Ako lang kasi ang taga hugas nila dito. Kapag may nag-aapply ng trabaho dito bilang taga hugas ng pinggan ay hindi sila nakakatagal kahit ilang gabi lang. Masyado kasing lubog sa mga hugasan. Hindi ito matapos tapos. May nadadag-dag na naman kapag malapit nang matapos. Kaya walang nakakatagal dito na mga kasamahan ko. Ako lang. Paano ako makakakuha ng pang araw araw kung hindi ko ito sisikmurain. Kaysa naman magsayaw ako sa harapan ng mga  lalaking walang ibang ginawa kung hindi makatikim palagi nang langit.

Kahit kailan ay hindi ko iyon gagawin kahit maglugmok ako sa putikan ay hinding-hindi ko iyon gagawin. Para saan pa iyong pinag-aaralan ko kung hindi ko naman iyon gagamitin sa matinong bagay. Kaya ganito, nagtitiis ako sa ganitong trabaho. Mabuti narin ito kaysa dun sa mga gutom na lobo. Mag-isa lang ako na nagtra-trabaho dito sa kusina. May mga tagaluto pero nasa kabilang kusina sila. Malaki ang bar na ito.

Iyong boss namin ay mabait naman sa aming lahat na mga empleyado. Lalo na sa amin na mga working student. Karamihan sa amin ay mga working student.

Pinunasan ko ang aking pisngi gamit ang aking braso ng may dumaloy na pawis. Huminto muna ako saglit. Napabuntong hininga ako ng may naglagay ng panibagong kabundok na mga pinggan. Hindi ako pwesdeng magreklamo. Ginusto ko to e. Kailangan pagtyagaan. Nagpatuloy ulit ako sa paghuhugas.

Nagpahinga muna ako saglit pagkatapos kung hugasan ang dinalang pinggan kanina. Hihintayin ko munang dumami ulit para sabay sabay  ko iyon hugasan. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag. Tinignan ko kung anong oras na. Alas onse palang. Maaga pa naman. Kinuha ko din ang libro ko. Magbabasa lang muna ako. Kahit malapit ng matapos ang first semester ay mayroon pa ring mga instructor na mahilig mag surprise quiz.

Na engrossed ako sa pagbabasa ng may tumikhim. Nag angat ako ng tingin. Ngumiti ako ng lumapit si nanay Genda. Siya ang cook dito sa bar. Isa siyang chef pero hindi siya pinalad na gumaan ang buhay dahil masyadong mainit ang kapalaran sa kanya. May walong mga anak. Tatlo ang nakapag-asawa kaagad. Walang mga trabaho at sa kanya nakatira. Iyong iba ay nag-aaral pa. Syempre sa bahay niya nakatira ang mga anak niya. Kaya pasan niya ang responsibilidad. Patay na rin ang asawa niya.

May inilapag siyang tray sa mesa na may lamang pagkain. Lumapad ang aking ngiti at lumapit sa kanya.

"Marami pa a." Turo niya sa mga hugasan. Nagsimula akong kumain sa dala niya. "Oh dahan dahan lang, itong batang ito oh. Hindi ka naman ba kumain kaagad?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Wala po akong oras. Late na po akong pumunta dito."

"Bakit ka nahuli?"

"Nakatulog ho ako sa may library. Di ko namalayan ang oras." Sabi ko.

Malaki ang subo ko. Si nanay Genda ang palaging nagdadala ng pagkain sa akin dito. Libre naman ang hapunan dito. Kaya nakaka-pagtipid din ako.

"May pasok ka ba bukas?" Si nanay Genda.

FADE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon