Chapter 39

127 3 0
                                    

Pinaliguan naming dalawa ni Edge si Chinie. Pagkinabukasan ay dinala namin siya sa vet para matignan kung maayos ba ang kanyang kalusugan. Medyo okay naman siya nang matignan siya. Walang galos o pasa. Ang problema lang ay payat si Chinie. Nagpa-sched din kami para sa deworming ni Chinie.

Hindi na pala ako pumasok sa flower shop na trinatrabahuan ko dahil nakapagdesisyon na ako na hindi nalang ako makapag focus rin ako sa gagawin kong shop sa Consolacion. Pero ang una ko munang gagawin ay sabihin iyon kay Edge. Ilang beses na akong nagpabalik balik sa sasabihin ko pero hindi ko alam kung paano ako makakahanap ng tyempo.

Huminga muna ako ng malalim at naglakad sa likod ng bahay. Gabi na at madilim na ang buong paligid. Si Edge ay nasa likod ng bahay at nakikipaglaro sa mga alaga niya. Tapos na kaming kumain ng hapunan. Nakalock narin ang mga bintana at ang pintuan sa harap.

Narinig ko ang halakhak ni Edge sa likod. Paglabas ko ay nakita ko siya na pinaglalaruan ang tuta. Nasa kandungan niya ito at si Chinie naman ay nakanganga lang sa kanyang harap. Mabilis ang paghinga ni Chinie. Siguro ay pinaglaruan na naman ito ni Edge. Napailing nalang ako. Si Edge talaga.

Umupo ako sa kanyang tabi. Nang malaman niya siguro na tumabi ako sa kanya ay nginitian niya ako. Hinuli niya ang kamay ko. Pagkatabi ko sa kanya ay bumalik na sa kanyang pwesto si Chinie. May nilatag si Edge na kahon sa tabi ng kahoy na bench. Pansamantala lang naman yun. Kapag makabili na ng kahoy si Edge ay gagawa siya ng maayos na higaan para kay Chinie at Gimil (Ang pangalan ng tuta).

"Hindi ka pa ba inaantok?" Narinig kong bulong niya sa akin. Humilig ako sa kanyang balikat. Umiling ako sa kanya.

"Hindi pa. Nakatulog ako kanina eh." Tumingala siya sa langit.

"Ang dami namang mga bituin sa langit. Maganda siguro ang panahon bukas."

"Hmm...hindi lahat ng maganda ay maganda din ang kinakalabasan. Anong malay mo? Baka umulan bukas." Sabi ko.

Siya naman ang umiling. "Hindi yan. Maganda ang panahon bukas. Kahit hindi ka maniwala sa akin, basta hindi uulan bukas."

"Ewan ko sayo. Basta kapag umulan bukas ay ikaw ang maglilinis ng buong bahay."

"Sige. Kapag hindi umulan ay tutulungan mo akong gawan ng higaan si Chinie, okay ba yun?"

Humiwalay ako sa pagkasandal ko sa kanya.

"Okay." Saad ko lang.

Tapos ay naging tahimik na naman kami. Tanging ang huni lang ng gangis ang aming naririnig. Napatingin ako sa mga puno. Madilim ang parte na yun lalo na sa may gazebo. Hindi na binubuksan ni Edge ang ilaw doon dahil hindi naman namin na nagagamit ang gazebo.

Tumingala din ako sa langit gaya ng ginagawa ni Edge. Marami nga ang mga bituin. Biniro ko lang naman siya kanina tungkol dun sa ulan. Hindi ako manhuhula na kayang hulaan ang mga bagay na nakikita ko. I think this is the right time para malaman niya ang plano ko. Saglit akong natigilan bago nagsalita.

"Edge?"

"Hmm?" Humarap siya sa akin.

"May sasabihin sana ako sayo. Pero kapag malaman mo kung ano ang sasabihin ko, huwag kang magalit ha?" Saad ko.

Humarap na siya sa akin.

"Amh... may plano kasi akong bilhin ang lupa sa Consolacion. Diba nabanggit ko sayo dati na gusto kong magkaroon ng sariling flower shop. At kailangan ko rin ng sariling plantation para hindi na ako mahirapan pa sa pag-order ng mga bulaklak."

Pikit-mata kong sabi. Napagmasdan ko ang reaksyon niya. Wala siyang pinapakita sa akin na kahit anong reaksyon. Ang kanyang mga mata ay walang kabuhay-buhay. Hindi ko alam kung paano ko ito malulutasan. Paano kung magalit siya sa akin? Hindi na naman ba kami magpapansinan? Babalik ba kami sa dati na parang mga hangin lang?

FADE Where stories live. Discover now