Chapter 31

114 1 0
                                    

Kada tulo ng mga pawis ko sa noo ay pinupunasan ng bruhong nasa tabi ko. Palagi akong pumapalag sa kanya pero hindi hindi rin siya nagpapatalo.

Pagkagising ko kaninang mga alas nuebe ay alam kong late na ako sa klase kaya hindi na ako pumasok. Hindi na rin pumasok pa si Edge dahil ang rason niya ay wala daw akong kasama dito sa bahay niya. Baka daw matakot ako. Lame.

Naglinis ako ng isang guest room. Pero nang maganahan ako sa paglilinis ay tatlong guest room na ang lininisan ko. Tumutulong naman si Edge at hindi siya nagrereklamo. Kapag magreklamo kasi ay susumbatan ko siya kung bakit ba siya tumulong sa akin. Siya naman ang tumulong sa akin eh.

Kinuha ko sa kanya ang face towel at pinunasan ko ang kanyang leeg. Busy siya sa paglalagay ng mga luma niyang mga gamit sa kahon para mailagay doon sa warehouse.

"Hindi ka pa ba tapos diyan? Gusto mo bang ipagtimpla kita ng juice?" Tanong ko sa kanya habang busy parin siya sa pagliligpit.

Tumingin siya sa akin. "Yes please." Ngumisi ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat.

Bumaba ako papunta sa kusina at hinalukay ang cupboard niya. Nagtimpla ako ng lime juice para sa kanya dahil maarte ang lalaking yun. Sa akin naman ay raspberry juice. Ito ang gusto kong flavor dahil mabango ko pa ito.

Pagkatapos kong magtimpla ay umakyat ulit ako. Pagkapasok ko ulit sa loob ng isang guest room ay saktong tapos na siya sa trabaho niya.

"Tapos ka na ba? Ibababa mo na ba yan?" Binigay ko sa kanya ang juice.

Lumagok muna siya ng juice at inubos ang laman ng baso. Napailing-iling nalang ako. Grabe talaga ang lalaking ito.

Pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang likod ng kanyang kamay at binigay sa akin ang baso. Naubos niya talaga. Hindi ko pa nga naiinom ang juice ko. "Okay na siguro ito. Yung ibang mga gamit ay nagagamit pa naman kaya pwedeng sa susunod na mga araw na lang ang mga yun."

"Ikaw ang bahala." Uminom na ako ng juice. Binaba ko muna ang baso sa ibabaw ng nightstand at ipinalibot ang buong kwarto. It looks like an old kid's room. May mga sticker pa kasi sa wall na mga cartoon characters at saka may mga teddy bears sa ibabaw ng aparador.

Naglakad ako papunta sa aparador. Binuksan ko ito at nakitang walang laman ito.

"Kaninong kwarto ito?" Nakadungaw kong tanong sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay na tila hindi niya naintindihan ang tanong ko.

"Kaninong ba ito?" Tanong ko ulit.

"Ah ito ba? Sakin." Nakangiti niyang sagot.

Lumapit siya sa akin at gaya ko ay pinalibot niya rin ang kanyang tingin sa kabuuan ng kwarto.

"Nursery room ko ito noong maliit pa lang ako. At kapag magka-anak din tayo ay dito natin sila ilalagay. Ngayon palang ay aayusin ko na ito para ready na." Pilyo niyang sabi.

"Magka-anak? Malas mo lang dahil dahil wala pa akong plano nun no." Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Ako naman ang ngumusi sa kanya.

"Okay lang. May sunod pa naman diba? Kapag makagraduate tayo. Maghanda ka nalang dahil magpapakasal tayo kaagad at dapat ngayong taon ay magka-anak agad tayo." Nakataas ang gilid ng kanyang labi sa akin at nanunuyang ngiti ang isinukli sa akin.

"Magtigil ka Edge. Kung hindi ay walang anak at kasal ang magaganap sa buhay mo."

Inirapan ko siya pero nakangiti parin ang gago. Hindi alintana ang inis ko. Lumabas na ako sa nursery room na iyon at pumunta sa isang guest room na pinili ko. Pero kaagad din akong lumabas dahil pumunta pa ako sa kwarto ni Edge para kunin ang luggage ko.

FADE Where stories live. Discover now