Chapter 22

104 3 0
                                    

Maganda ang sikat ng araw ngayon. Kumikintab ang sinag ng araw na bumabaon sa lupa. Masarap sa pakiramdam ang hangin na dumadampi sa balat ko. Kung ganito lang sana kasarap sa mata ang mga tanawin dito sa Crill masaya sana akong naglalakad na mag-isa.

Pero hindi ako makakilos ng maayos dahil si Edge ay palaging nakasunod sa akin na parang asong-ulol. Ngayon ay naiirita na ako sa kakulitan niya. Kung minsan ay kinukuha niya ang bag ko at siya na ang magdadala. Nakakahiya kaya sa mga tao na nadadaanan namin. Ang magaling na lalaki naman ay wala lang pakialam.

"Edge bitaw nga sabi eh. Ba't ba ang kulit mo?" Ito at pinag-aagawan namin ang bag ko.

Nandito kami sa library at aalis na sana ako para sa huli kong klase ay bigla nalang niya kinuha ang bag ko. Siya na daw ang magdadala.

"Bakit din ang kulit mo? Ako na sabi ang magdadala nito para hindi ka na mabigatan." Mabibigatan ba ako sa bag na dala ko? Eh isang notebook at dalawang pen, cellphone, wallet at ang tumbler lang ang dala ko.

"Hindi mabigat ang bag ko dahil kaunti lang ang nakasilid dito. At saka sanay naman ako sa bigat ah."

"Well ako hindi sanay na may dala ka. Kaya ako na ang magdadala ng bag mo."

Sa huli ay siya ang nanalo. Nanhihina akong lumabas ng library. Si tiya Helen ay ngising-ngisi lang na nakatingin sa amin. Alam na pala niya na palaging sumusunod si Edge sa akin. Pinagtutulakan nga niya ako sa lalaking yun eh. Hindi ko alam kung panliligaw na ba ito ni Edge. May alam naman ako sa mga panliligaw na yan. Ang dami ko ng napapanood sa tv at nababasa sa mga novel.

"Diba huli mo na itong subject? Mamaya paglabas mo ay pwede na ba tayong lumabas?" At alam na niya ang schedule ng subject ko.

"Nasa labas naman tayo ah." Walang buhay kong sagot.

"I mean, pwede ba tayong gumala."

Lumingon ako sa kanya. "At tinuturuan mo na akong gumala ngayon?"

"Hindi naman. Gusto mo bang kumain tayo sa labas? O kung ayaw mo ay pwede naman ako--"

"Kung magluluto ka naman ba sa apartment? Diba ang sabi ko sayo ay hindi ka na pwedeng pumunta doon?"

Nagpakamot siya sa kanyang ulo.

"Ikaw talaga, hindi mo ako pinapatapos sa pagsasalita. Ang sabi ko ay oorder nalang ako ng pagkain para sayo para hindi kana magluto. Para makapagpahinga ka ng maayos."

Sige nga kung gawin niya talaga yun.

"Akin na ang bag ko para makaalis na ako." Bago pa siya makapagreact ay naagaw ko na sa kanya ang bag ko.

Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa susunod kong klase. Sumunod lang siya sa akin hanggang sa pinto ng classroom ko.

"Papasok na ako kaya umalis kana. Pumunta ka na sa susunod na klase mo."

"Sige ha, mamaya. Pupunta ako ngayon sa pamilihan para bumili ng kakailanganan ko sa pagpuluto pero babalik ako dito pagkatapos ng klase mo. Susunduin kita ng mga alas tres."

"Bahala ka sa buhay mo."

Nakangiti siya habang lumakad paalis. Tuluyan na akong pumasok sa loob at umupo sa pwesto ko.

Natapos ang huling klase ko at nauna akong lumabas papunta sa labas. Nag-over time ang teacher namin sa huli naming klase kaya alas tres y media na kami naka-dismiss. Hindi ako umaasa kay Edge na maghihintay siya sa akin dahil baka may klase pa siya.

Nagmamadali akong lumabas dahil naiihi na ako. Pakiramdam ko nga ay malapit ng lumabas. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko para makapunta sa cr ng mga babae.

FADE Where stories live. Discover now