Chapter 7

170 3 0
                                    

Binabad ko ang aking sarili sa pag-aaral ng bagong notes na kanina ko lang sinulat bago dumating ang instructor namin. Bago kasi siya magsimula ng lesson ay magpapanotes muna siya. Kanina ay nahuli ako kaya late ko narin naisulat ang lesson ngayong araw.

Kahit patingin-tingin ako sa pisara ay hindi ko mai-focus ang buong attention sa guro. Gusto ko ng matapos ang oras na ito para makaalis na ako. Marami pa akong gagawin bukod sa pag-aaral. Kailangan ko pang pumunta sa bahay ni tiya Helen at kunin ang iniwan niyang pera para sa allowance ko. Tapos ay pupunta pa ako sa bookstore para bumili ng bagong libro para sa mga halaman.

"Questions." Si Mrs. Cloon. "None? Then class dismiss."

Hindi na ako nagtagal pa sa loob ng classroom at mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko. Mabilis din akong tumayo palabas. Paglabas ko ay nakita ko pa si green eyes na nasa harap ng classroom namin at may kausap na tatlong babae. Hindi niya ako napansin kaya laking pasalamat ko nalang na hindi niya ako maiistorbo.

Paliko na ako sa hallway ng may nakabangga ako. Hay naku! Nahulog pa sa sahig ang mga libro na hawak niya. Seriously? Ang laki ng bag niya tapos ay hindi mailagay ang mga gamit niya doon. Tanga talaga ang tao nato.

Imbis na bulyawan ay tinulungan ko nalang siya sa pagpulot ng mga gamit niya. Inabot ko sa kanya ang mga ito. Nanlaki naman ang mga mata niya sa ginawa ko.

"Oh, may nakakagulat ba?" Maangas kong sambit sa kanya.

Kaagad siyang umiling at nanginginig ang mga kamay na kinuha ang gamit niya mula sa akin. Umabante na ako para makaalis. Siya naman ay nakaharang sa akin. Sa kabila na ulit ako dumaan pero humarang din siya. Napakunot ang noo ko. Parang wala siya sa sarili kaya hinawakan ko siya sa braso. Sa bigla niya ay napaatras siya. Pero sa pag-atras niya ay hindi niya namalayang naapakan niya ang kanyang isang paa kaya natumba siya.

Clumsy. Napairap ako sa hangin.

Inabot ko nalang ang kamay ko para tulungan siyang maitayo pero napatunganga lang siya sa harap ko. Ano ba naman ang taong ito. Tutunganga nalang ba siya diyan at hintayin na sumapit ang gabi?

"Ano, wala ka bang balak na tumayo diyan?"

Yumuko ako para sana tulungan siya kaya lang ay naunahan niya ako. Tumayo siya bigla at kipkip ang mga gamit niya ay agaran siyang umalis na walang sabi.

Napahinto ako. Balit naman siya magsasabi na aalis siya? Pakialam ko ba?

Napailing-iling nalang ako saka tuluyan ng umalis. Mabilis akong lumakad palabas. Nagpara ako ng taxi para mapabilis ang pagpunta ko sa bahay ni tiya. Wala siya ngayon sa trabaho niya dahil kaagad siyang umalis papunta sa conference yata yon. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya noong una dahil sa pagmamadali niya.

Basta ang alam ko lang ay pumunta nalang ako sa bahay niya para kunin ang pera para sa allowance ko. Binilin niya ang pera sa isang working student niya na doon tumitira sa bahay niya. Mapapagkatiwalaan naman ang bata na iyon dahil apat na taon na siyang working student ni tiya. Mabuti nalang at kinuha ni tiya ang bata na iyon. Interesado pa namang mag-aral. Kaya walang pag-aalinlanga si tiya na kunin ang bata para gawing working student niya.

Sa bahay lang naman siya at taga-alaga sa dalawang ampon ni tiya Helen. Ang bata na iyon ay may apat pang mga kapatid. Pangungulikta ng mga kariton at bote ang tanging hanap-buhay ng mga magulang niya. Siya pa ang panganay na anak. Naawa si tiya sa kanya dahil lumuhod pa sa kanyang harapan ang bata na iyon para lang gawing working student. Sa ngayon ay nasa unang taon na ang bata na iyon sa kolehiyo. Ayos nga dahil nakaabot na sa college.

At least, malapit na siyang makatulong sa mga magulang niya at sa iba pa niyang mga kapatid.

Pagdating ko sa bahay ni tiya ay sinalubong kaagad ako ng working student niya. Inabot niya sa akin ang pera.

FADE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon