Chapter 1

1.8K 24 0
                                    

|Chapter| 1|Teacher|

Hingal na hingal akong dumating sa classroom namin, I am five minutes late! Nalate kasi ako ng gising dahil sa may ginawa kami kagabi ng nga kapatid ko, damn. Everyone did not notice my presence. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng classroom, everyone is busy with their own businesses, may nagchichikahan, may naglalandian, may nagbabasa, at iba pa. Wala pa rin kasi pala ang aming guro, and thank god for that.

Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob ng classroom namin. I sat on my assigned chair at saktong pagka-upo ko ang syang pagpasok ng magtuturo sa amin. Mabilis na nag-ayos ng upo ang mga kaklase ko lalong lalo na ang mga babae.

"Goodmorning. " saad ni Rogue Fraser Untal habang nakatingin sa akin, Tinaas ko ang isang kilay ko sa kaniya, iniwas niya ang tingin niya sa akin at inilibot ito sa buong classroom.

Rogue Fraser Untal the Grade ten's top one, sya ang  Inuutusan ni sir Erald ang aming science teacher sa tuwing may lakad sya. Kaya naman nasasanay narin kami dahil halos once a week lang nagtuturo si sir Erald sa amin. And this Rogue guy here is annoying. I dont like him. Hindi ko alam bakit, pero di ko talaga gusto ang presensya niya.

He is handsome, he is smart, he got the height and the body but i dont really like him. And that's my problem, wala naman syang ginawa sa akin, in fact he is not that snob naman dahil kapag inaaproach mo sya he will entertain you, pero kapag hindi wala din syan pakialam sayo, sadyang di lang talaga sya friendly i think, but i just dont like him. His presence alwats bothers me, at sa tuwing napupunta sa akin ang mga mata niya ay naiilang ako.

"Beadle?" Sabi niya gamit ang maawtoridad na boses at hinintay na ibigay ni shane ang aming beadle ang beadle book sa kaniya.

Ngiting ngiti si shane habang nakatingin kay Rogue na nakatingin lang sa hawak na notebook. Di na ako nagulat ng tingnan niya ako.

"Mark Miss Ashley Late." Sabi niya dahilan para mapanganga ako. Now i know why i dont like him. Bwesit!

"Yes kuya Rogue. " kinikilig na saad ni shane.

I move my eye balls heavenwards. Akala ko pa naman makakalusot na ako! Akala ko ay di niya ako nakita kanina sa gate! Arghh!

"Now bring out your Science nine book, and turn it on page 256." Utos niya sa amin na agad naman naming sinunod.

Nilabas ko ang libro ko at binuklat na sa sinabi niyang pahina. May kumalabit sa aking balikat kaya napatigil ako sa ginagawa at hinarap si Frenx, and aming top one.

"D-do you ahm... c-can we share-"

"Mister Degaldo, if you dont have book you can ask me, dahil may dala akong extra." Sabi ni rogue habang matalim na nakatingin sa kay frenx.

"Y-yes.. kuya rogue." Nahihiyang  tiningnan niya ako. "Sorry nga pala-"

"Catch." Biglang sabi ni rogue este kuya rogue at binato... yes, binato kay frenx ang libro, buti nalang at nasalo ito ni frenx. "Walang tatayo at walang makikipag-usap. Kung may balak kayong gawin ang mga binawal ko ay lumabas na kayo."

Natahimik ang lahat at nakinig nalang sa kaniya. Panay sulyap niya sa akin kaya naiilang talaga ako. Damn it.

Matapos niyang eexplain sa amin ang nakapaloob sa module namin ay nagbigay sya ng ten item quiz. Ten item na three points each! Ang hirap hirap pa! Halos makalbo ako dahil sa pagsasabunot ko sa sarili sa tuwing di ko alam ang sagot. I really need kuya grey! Sa amin kasin magkakapatid si kuya Grey ang pinakamatalino! At ako? Jusko saan ba ako nagmana ng pagiging tamad mag-aral? Matalino ako, oo! Kapag nakapag study nga lang.

The bell rang hudyat para sa recess namin. Nag goodbye kami sa kay rogue at nagsitayuan na para mag recess. I looked at my classmates who is with their friends, nagtilian pa sila bago sila tuluyang lumabas. I bet its all because of rogue,again. Friends... i wish to have one, but i can't.

Isinabit konsa balikat ko ang  bag ko at akmang lalabas na ng magsalita si rogue.

"Miss Ashley. "

Kinuyom ko ang kamao ko at hinanda ang peke kong ngiti bago sya hinarap. "Yes? May kailangan ka po kuya rogue?"

Tinitigan niya ako saglit. "Saan ka pupunta? Bat dala mo ang bag mo? You have classes after this break time right? Dont tell me magcucutting  ka nanaman?"

Di ko mapigilang mapa-irap dahil sa sunod sunod niyang tanong. "Mawalang galang na po kuya Rogue.  Pero wala ka na pong pakialam sa mga gagawin ko po."

Inirapan ko sya bago ako tuluyang lumabas. And that's the thing! Lagi niya nalang pinapakialaman ang buhay ko! But i know its not the reason why I dont like him, pakiramdam ko ay iba ang rason ko kung bakit. And i have a bad feeling about it. Nasa kalagitnaan ako ng hall ng harangan ako ng grupo ng mga kalalakihan.

"Nandito na ang ating munting prinsisa." Sarkastik na sabi ni dugoy na mukhang unggoy, ang leader ng mapangahas gang. Tsk.

"Ano bang kailangan mong dugoy ka?" Bored kong sabi.

Tumawa sya ng malakas, pinaypay ko ang kamay ko sa harap ng ilong ko dahil totoong mabaho ang hininga niya. "Abat, ang yabang mo talaga! Ganyan ka lang naman dahil sa pamilya mo! Pamilya mong kriminal-"

Hindi ko na sya pinatapos dahil agad ko syang sinapak sa mukha, natumba sya sa sahig at agad na inalalayan ng mga kasamahan niyang unggoy din.

"One more word about my family and you'll be under your grave." Malamig kong sabi.

Nanginginig na nagsitakbuhan sila palayo sa akin, tumalon pa sila mula sa gate namin. This is why i cant have friends. They will surely end up like those jerks. My family is not just a normal family. We run dirty business, we are a family of syndicate. At maliban sa baka maging kaaway ko ang mga magiging kaibigan ko sana ay baka traydurin nila ako, madamay pa ang mga kapatid at magulang ko. I cant take that.

Inayos ko ang suot kong bag at nagpatuloy na sa paglalakad. Ng makarating ako sa paroroonan ko ay Hinubad ko ang sapatos ko at medyas bago umakyat sa puno ng mangga. Ng makaupo na ako sa pwesto ko ay inilabas ko ang lunch box ko ay kinuha doon ang sandwich na gawa ni mama. I swayed my legs as i ate my food and while watching the field, where students were laughing as they talk to their friends.

Envious. I wanted that too. Pero gaya ng Kuya Grey ko wala akong kaibigan. Si Light naman ay mayroon pero isa lang. He is lucky though, dahil kahit papaano ay may kaibigan sya. I closed my eyes as i let the air swayed my hair.

At saktong pagkabukas ng mga mata ko ay nagtama ang mga mata namin ng isang lalaking nakatayo sa rooftop, nakapanghimulsa ito habang diretsong nakatingin sa akin.

"Rogue..."

________________________________________

Avisala, This is lady_assasin2004 and thank you for reading this chapter ,i hope you didnt get bored at sana hintayin niyo pa ang iba pang chapters hanggang sa matapos ang story na tu ,sana wag kayong mapagod sa kakahintay nang update ...heheheh

Dont forget to :
✔Vote
✔Share
✔Comment and;
Follow

[Edited]

Itutuloy pa ba?

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Kde žijí příběhy. Začni objevovat