Chapter 7

569 11 0
                                    

|Chapter |7|Exam|

Bumuntong hininga ako bago tuluyang lumabas sa kotse, kakaapak ko palang sa lupa ng magsalita si paul.

"Sigurado ka bang papasok ka talaga ng ganyan ang itsura?" Tanong ni paul na nasa driver's seat, nakatagilid ito para makaharap ako.

I gritted my teeth and tried hard to stop myself from rolling my eyes at him. "Sigurado ako, Paul. And besides, I need to be present today dahil periodical test namin ngayon, and you know i hate special tests.."

Bumaba ang tingin niya sa mga kamao kong may bandage at sa mga paa kong may bandage din. Ang totoo niyan, siya ang naglagay ng mga ito sa katawan ko, i dont want to wrap those bruises i got dahil hindi naman masyadong halata, but he insisted, at wala akong nagawa dahil sa namamaga na rin ang mga sugat ko.

"Just be careful, ty." There's a hint of care and concern on his voice, kaya di ko maiwasang mapakunot ng noo.

Umayos ako sa pagkakaharap sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Why the hell are you concern, paul?"

Nag-iwas sya ng tingin. "What's wrong with that?"

"Do you like me?" Diretso kong tanong.

Nakita ko naman syang lumunok at bahagyang namutla, natawa nalang ako at hinawakan na ang pinto ng van, tiningnan ko sya at ganoon nalang nanlaki ang mga mata niya ng nagtama ang nga paningin namin. The almighty paul is nervous, hmm.

"I am warning you, paul, may gusto akong iba." Sabi ko bago ko tuluyang sinara ang pinto ng van.

Paul is handsome, tall and sexy. Sa totoo lang si paul ang kanuna-unahang lalaking hinahangaan ko pagdating sa panlabas na anyo maliban sa mga kapatid kong lalaki, he is a skilled fighter, he can be a wild lion and a silent-obedient kitten at the same time. He is also smart, ilang beses pa nga akong natempt na basagin ang bungo niya dahil sa galing niya sa chess, math at science, he can also be manipulative, he is a great hacker and his loyalty is never questionable to us. But he is like my brother, and I am sure if kuya would know this, he'll be indanger, I heard that They both had a deal.

Huminga ako ng malalim habang nagpapatuloy parin ako sa paglalakad, my legs hurt so much, na sa bawat paghakbang ko ay parang may nakakabit na bakal, sa bawat galaw ng muscles sa mga benti ko ay para na akong matutumba. But I need to attend today's class, dahil totoong may exam kami ngayon, sana lang di pa ako masyadong late.

Saktong pagdating ko sa pinto ng classroom namin ay syang pagtunog ng bell. Napamura ako sa isip ng makitang mukhang may na-miss akong isang subject. Halos lahat ng mga kaklase ko ay napatingin sa akin, or more like napatingin sa kamao at mga paa ko.

"I'm sorry, I'm late." Malamig kong sabi habang diretsong nakatingin sa aming adviser na si ma'am Rhea.

Mabait na ngumiti si ma'am rhea sa akin at sinenyasan na akong pumasok at umupo. Ng maka-upo na ako sa upuan ko ay saka pa ako nakahinga ng maluwag, i tried to stretch my legs but it hurts kaya napadaing ako ng mahina, may naramdaman akong nakatitig sa akin kaya napatingin ako sa may pinto.

"Kuya rogue is here!"

"He is so handsome talaga!"

"Tiyak na perfect nanaman yan sa lahat ng subjects. "

And there I saw Rogue holding test papers while looking at me with worry and concern in his eyes, bumaba ang tingin niya sa mga paa ko kaya agad kong tinago ang mga paa ko, ng magtama ang mga mata namin ay agad akong nag-iwas ng tingin. For some reason, I felt guilty.

"Rogue, ito na ba ang lahat?" Frustrated na tanong ni ma'am Rhea kay kuya Rogue.

"Yes ma'am, kulang po yan ng Limang test papers,  nakulangan daw po kasi ng bond paper si sir." Paliwanag niya.

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now