Chapter 21

521 14 1
                                    

Chapter|21|Sacrifice|

Ng makarating kami ng davao, sa Romblon's Haven Resort, ay agad kaming dinaluhan ng mga tauhan, doctor at dalawang nurses na pinadala ni kuya, light at papa. The Resort is closed for any tourist kaya kami-kami lang, napansin ko din na ang mga bell-boy, janitor, life guards, receptionist at iba pa ay mga tauhan na din namin. They disguised themselves to make it less obvious, and I know this is Light's plan.

At dahil walang katao-tao angg resort maliban sa amin ay ang pinaka-unang kwarto ng hotel ang ginamit namin para kay Rogue, malapit lang din kasi ang unang kwarto sa fire exit. When everything is settled, I called papa to let him know what happened and the plan kuya, light and I made, tinawagan ko na rin maging si Glow, I told her to stay with Light para di siya madaling lapitan ni Joy. Kuya Grey told me he'll be visiting me after two days at isasama niya si nic. Mama still doesn't know about this, pero alam kong hindi magawa ni Grey na magsinungaling sa asawang si mes kaya di malabong alam na neto.

"Take a nap first, ty." Sabi ni paul ng makapasok ako sa kwarto ni Rogue.

Naka-upo siya sa upuang di kalayuan sa kamang hinihigaan ni Rogue, habang kaharap ang laptop at halatang seryoso siya sa ginagawa.

Umiling ako at tuluyan ng pumasok sa kwarto. "I can still manage." Sabi ko at isinara na ang pinto. "Ikaw ang magpahinga, galing ka pang spain, tapos ganito pa ang gagawin mo pagdating, take a  rest, Paul."

Huminto si Paul sa ginagawa at nilagay ang laptop sa gilid niya mula sa kandungan at tiningnan ako. "Sanay akong magpuyat. And having no rest For Forty-eight hours is not new to me, ty. Ikaw ang dapat magpahinga." Bumaba ang tingin niya sa tyan ko. "Its not good for you." May bahid na pait niyang sabi.

Huminga ako ng malalim at nilingon ang natutulog na Rogue, hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito ng may kalakasan, but still, no response from him. "I'll be sleeping now, Rogue... sana bukas, gising ka na." Ngumiti ako ng matamis habang di mapigilang pangilidan ng luha, agad akong tumayo at yumuko para bigyan siya ng mabilis na halik sa labi. "We'll be resting, now."

Tinitigan ko pa ng ilang segundo ang mukha niya bago ko nilingon si Paul na nakatiim bagang na nakatingin sa gawi ko.

"I swear to kill him once he made the same thing Thirteen years ago, ty." Seryoso niyang sabi.

Mapait akong ngumiti. "Please don't. Mawawalan ng ama ang anak ko."

Nag-iwas siya ng tingin habang nakakuyom ang mga kamao. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang nakakuyom niyang kamao. Natigilan siya at ilang segudno pa bago niya ako hinarap, hindi siya nakangiti, seryoso siyang nakatingin sa akin, may bahid na lungkot at sakit sa mga mata niya at nasasaktan din ako para sa kaniya.

"Im sorry, paul..."

"Will you be mine if I accept your apology?" Sarkastik niyang tanong.

"Your a good man and a god friend, paul. Ikaw ang nasa tabi ko ng bumagsak ako, You gave me hope when I have none, You make me see the importance of many things when I see nothing. And trust me, Sinubukan kong mahalin ka, and yes, I love you, as my bestfriend and brother. You don't deserve me, You deserve someone else who can love you more than you can love her."

Bigla ay nawala ang lahat ng kulay sa mukha niya, parang kinirot ang puso ko ng makita ko ang pangingilid at pagtulo ng luha niya, pinisil ko ang kamay niyang unti-unting nawawalan ng lakas, ramdam ko ang sakit na dinulot ko sa kaniya habang pabilis ng pabilis ang pagpatak ng luha niya. Yumuko siya at hinayaan ko siyang ipatong niya ang ulo niya sa aking balikat. Hinagod ko ang likod niya at ipinagwalang bahala ang pagkabasa ng damit ko.

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now