Chapter 34

613 14 0
                                    

|Chapter|34|Love|

Tulalang nakatingin ako sa pinto ng Operating Room. Kanina pa tumutulo ang luha ko pero wala akong lakas para iangat ang kamay ko at punasan ang mga luha ko. I never wished to be saved by him. Oo naisip kong ano sa pakiramdam ang may sumalo ng bala para sayo, pero ni minsan di ko hiniling na gawin niya iyon.


At gaya kanina, pinahiran ng katabi ko ang pisnge ko gamit ang panyo niya, he then placed my head on his hard chest and place small kisses on my temple. "He'll be fine."

Gusto kong sumang-ayon pero walang lumalabas na boses galing sa akin, tumulo ulit ang luha ko.

"Ty... come on, pull yourself together. " sabi ni kuya sabay upo sa tabi kong upuan at tapik sa balikat ko. "Ty this is not your fault. Ang he'll survive, you know him." Saad ni kuya pero halata namang hindi siya sigurado sa mga sinasabi.

Imbes na sagutin siya ay napadpad kay mama ang mga mata ko, gaya ko ay tulala din siya habang nakatingin sa pinto ng Operating Room. Gusto ko siyang lapitan, pero nahihiya ako, Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako na baka galit siya, Gusto ko siyang kausapin pero paano?

Awtomatikong napatayo ako ng may lumabas na doktor mula sa Operating Room. Ganoon din si kuya at iba pa. Nang maglakad ako papalapit sa kay Doktora Lyean ay hinayaan lang nila ako, nilakasan ko ang loob ko at pinilit ang sarili na magsalita.

"H-how's he?" Nanginginig kong sabi.

She smiled warmly. "Hes fine now, may malay na din siya   and he wanted to talk to you." Malumanay niyang sabi sa akin.

Nilingon ko si mama na ngayoy nakatingin sa akin, she smiled at me, mas naiyak ako. Tumango ako sa kaniya at  binalingan muna ng tingin si Rogue at Kuya, bago pumasok sa loob. Pinunasan ko ang mukha ko bago ko binilisan ang paglalakad patungo sa kaniya. Maraming nakakabit ng kung ano-ano sa kaniya but When he saw me, he smiled, kaya naman nagunahan sa paglabas ang mga pinigilan kong luha, at wala sa sariling tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya.

"Papa.." humihikbi kong sabi.

"Beauty Lin Ashley. Of course I know your name, anak kita eh." Namamaos niyang sabi.

Lumayo ako sa kaniya at hinila ang upuan sa gilid, ng maka-upo ako at ng harapin ko siya ay agad niyang sinapo ang aking pisnge.

"Papa, I'm sorry... for being childish, For being unreasonable, for being nonsense-"

"Shhh." He smiled. "It should be me saying those. I'm sorry for making you feel that way. Ang totoo niyan ay hindi ko lang alam kung papaano ka i-handle. Your my princess, my only princess. Hindi ako sanay na mag-alaga ng babaeng anak dahil lalaki ang una kong naalagaan at iyon ang kuya mo, I thought treating you just like how I treat your kuya is fine, nakalimutan kong prinsesa kita at hindi prinsepe."

Bahagya pa kaming natawa.

"Anak. Don't ever think that you can die. Walang sino man sa atin ang pwedeng mamatay. You don't have to always take the bullets my  beauty." Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ito. "At gusto ko ring malaman mo, na handa si papa na saluin ang balang tatama sayo, kasi anak kita, at mahal na mahal kita, anak."

I burst into tears. How I wish To hear those words. At tama nga ako, ang sarap pakinggan ng mga katagang iyon. "Mahal na mahal din kita papa. And you don't have to take the bullets for me, dahil iilag ako bago pa man ako matamaan." Nagtawanan kami.


Ilang minuto pa kaming nag-usap patungkol sa paano niya ako tratuhin noon, I also explained to him about Me and Rogue, sinabi ko sa kaniya ang mga dahilan ni Rogue, he warned me, na kapag daw sinaktan ako ni Rogue ay baka di na niya mapigilan ang sarili at mapatay niya ito, I assured him that Rogue will not. Sinabi ko din sa kaniyang ikakasal na kami, Pinakita ko sa kaniya ang singsing na bigay sa akin Rogue, ang singsing na sinabi niyang susuotin ko daw. Biniro pa ako ni papa na pwede ko daw'ng isangla ang singsing ko dahil totoong diamond ito, papa became a joker all of sudden, at ito ang side niya na hindi ko nakita noon, ang side niya na di ko alam na mayroon.

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now