Chapter 2

917 17 0
                                    

|Chapter |2|Dead|

"Ano ba! Light!" Galit na sigaw ko kay light na hinahatak ako pababa ng hagdan.

"Ate sumama ka na kasi!" Sabi niya habang patuloy parin sa paghatak sa akin.

"Sabi ng ayaw ko eh! I have so many assignments to work! Marami din akong babasahing-"

"Gagawin ko lahat ng assignments mo, just please, sumama ka na."

"Come on! Im grade nine na and your what? Grade five!"

"Im Grade six! At Alam ko kung paano kunin ang value ni x, ang square root ng one thousand, ang value ng pie and all! Ate naman, please sumama ka na!"

Marahas kong inagaw ang braso ko ng makarating na kami sa baba, sinuntok ko sya sa tyan kaya napadaing sya ng malakas.

"I didn't ask, kung ano ang mga alam mo! Ang sa akin ay ayaw ko, at kapag sinabi kong ayaw ko! Ayaw ko!" Nanggigil kong sabi at tinalikuran sya, nagsisimula na akong humakbang sa hagdan ng magsalita si kuya grey.

"Ty, get changed. May pupuntahan tayo." Kalmadong sabi ni kuya.

Nagpapadyak na nilingon ko sya. "Kuya, i have so many-"

"I'll help you once we got home."

"Kuya naman.." parang bata kong sabi.

Umayos naman ng pagkakatayo si light at kumapit kay kuya. I rolled my eyes as i know what will happen.

"Kuya, sinuntok ako ng amozonang iyan." Parang batang sumbong ni light at tinuro ako.

Bumuntong hininga lang si kuya at may binulong kay light. Nagmamaktol na umalis si light, bumilat pa ito ng makarating sya ng pinto. Umasta naman akong susuntokin sya kaya mabilis syang tumakbo palabas. I crossed my arms as i look at kuya who's looking at me calmly.

"Kuya, gusto ko lang malaman mong, labag sa kalooban kong sumama, at kapag labag sa kalooban kong gawin ang isang bagay ay alam mo na ang mangyayari." Banta ko.

Tumango lang sya at tiningnan ang suot ko. "Wear something black." Sabi niya bago ako tinalikuran.

Black? He's wearing black, and light is also wearing black, tapos ako din? San ba kasi kami pupunta? Then i look at the window and saw papa talking with mama seriously,  they were also wearing black. Where are we going? Or should i ask, what is happening? May namatay ba?

I shrug before going upstairs. At gaya ng sinabi ni kuya, i wore a black dress, nag cycling na din ako in-case na may mangyari, I also put a gun on my thighh holster. Having a gun, shooting people is not new to me. For us, for Ashley's its legal. We can kill without being in-prison. We can kill without being blamed.

Ng makalabas na ako ng bahay ay agad akong pinagbuksan ng van ni paul, ang aming personal bodyguard slash friend slash driver slash protector. His dad is my father's friend, namatay ang mga magulang niya when he was five, so my father took the responsibility as his father died in order to protect my father. He is older than kuya grey, mga three years yata. We're not close, we seldom talk. Hindi kasi talaga ako madaldal sa mga taong di ako komportable lalo na sa mga lalaki.

"Where are we going?" Agad kong tanong kay kuya ng makapasok ako sa loob ng van, inirapan ko si light na naka-upo sa likuran ngumuso naman ito sa akin, tumabi ako kay kuya grey at agad na nilagay ang aking ulo sa kaniyang balikat. "Kuya?"

"Its a secret." Kaswal niyang sabi.

Napa-tsk ako at tumingin nalang sa labas. I saw papa talking to his men before entering his car. Hindi kasi kami pinapasabay ni mama at papa sa kanila dahil  mas delikado. I understand naman, last time kasi na nasa iisang kotse kami lahat ay may naglagay ng bomba sa sasakyan namin. Buti nalang at napansin ni paul ang bombang nakadikit sa compartment ng kotse.

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now