Chapter 27

498 16 1
                                    

|Chapter|27|Traitor|


Fifty minutes later...

"You jerk!" Sigaw ko at malakas na sinampal si Rogue.

Everyone's eyes are on us, but I don't have time to care. Lumapit ako sa kaniya at kinwelyuhan siya, I can see guilt on his eyes but that won't change a thing. He tried to kill one of the most Important person in my life. How dare he?


"How dare you lie to me?! How dare you to pretend?!" Nanggigil kong sambit habang pinipigilan ang sarili na mas saktan pa siya.


"He deserves it. He deserves to die."


At dahil sa sinabi niya ay naputol na ang manipis na pagtitimpi ko. Sinuntok ko siya ng malakas dahilan para matumba siya sa sahig, napahawak siya sa gilid ng kaniyang labi na ngayoy dumudugo na. Nagtagis ang bagang ko ng bigla nalang siyang ngumisi.

"Wrong move, baby." Pagkasabi niya ay may biglang humawak sa magkabilang braso ko. "Kunin niyo na yan, Kapag nagmatigas" tiningnan niya ako. "Patayin niyo."


Umiling ako habang nakatingin sa kaniya, May hinihintay akong emosyong dumaan sa mga mata niya pero wala. Tiningnan ko ang paligid at nakitang lahat pala ng mga kostumer ay mga tauhan ni Rogue, pati ang mga nagpapanggap na mga nagtratrabaho, mabuti nalang at hindi ko naisipang kumain at baka may lason.


Ng makalabas na kami sa restaurant ay tumambad sa akin ang duguang si Paul na ngayoy hawak ng dalawang malalaking lalaki, wala itong malay, gusto kong tawagin siya, gisingin pero nanunuyo ang lalamunan ko, hindi ko alam ang sasabihin ko, kung ano ang gagawin ko. Ng ipasok nila ako sa van ay pigil na pigil ako na huwag umiyak, Ano na ang mangyayari sa akin? Sa amin ni Paul? Ang anak ko, si mama, si papa, si kuya, si Light.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingin nalang sa ibaba.

"Umiyak ka nalang miss, paniguradong hindi ka na makakaiyak mamaya." Natatawang sabi pa ng katabi ko.

"Oo nga, pero sayang tu, makinis oh." Sabi ng isa ko pang katabi at hinaplos pa ang pisnge ko, nagtawanan naman sila.

May tumunog na cellphone, at sa palagay koy cellphone ito ng nasa likod ko. "Roger, wag mo daw hahawakan yan sabi ni boss Rogue."


"Tsk, bakit naman? May balak ba siyang tirahin ito mamaya?" Sagot ng roger na ikinatawa ng driver at ng iba pa, maliban sa sumagot ng tawag.


"Roger..." nanginginig na tawag sa kaniya ng katabi ko kaya napatingin din ako sa kaniya.


"Ano?"

"S-Sa gilid mo." Kinakabahan netong sabi at tinuro pa ang direksyon na sinasabi niya. Dahan dahan ko namang nilingon ang Roger, na ngayoy nakadilat na ang nga mata at kinakapos na ng hininga dahil sa kutsilyong nakatarak sa leeg neto.


"Walang gagalaw sa kaniya, yan ang sabi ni Boss." Seryosong saad ng lalaking nasa likod at hinugot ang kutsilyong nasa leeg ng nambastos sa akin. At ng magtama ang mga mata namin ay bahagya siyang tumango. One.


Natahimik ang buong van, walang nagsalita, halos di narin ako tingnan ng katabi ko, what are you really planning, Rogue? Ng makarating kami sa isang lumang ware house ay saka pa nila nikagyan ng piring ang mga mata ko, saka lang din nila ako tinalian.

"Hihigpitan ko maam." Bulong ng isang pamilyar na boses, tumango lang ako.


Mga yapak lang ng paa namin ang naririnig ko, panay ang lingon ko kahit saan kahit pa wala akong nakikita, nararamdaman kong maraming mga mata ang nakatingin sa akin, hindi na ako nagulat ng itulak ako paluhod ng taong may hawak sa akin, di nagtagal ay may mga yapak nang papalapit sa akin at mabagal na palakpak.


Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now