Rogue and Beauty

737 18 1
                                    


I want to be a lawyer. The question is why?

Simple lang ang sagot ko. Dahil gusto kong mabigyan ng hustisya ang lahat ng biktima, makatulong at na maparusahan ng batas ang lahat ng mga Kriminal.



I used to believe that everything can be done right if you'll go with the law, If you follow the rules, If you apply equality to everyone. If what you did is wrong then you need to be punished, by law of course. Bata pa lang ako ay ayaw ko na sa mga kriminal, sa tuwing may napapanood akong balita patungkol sa mga krimen ay mas nadadagdagan ang kagustuhan kong maging isang abogado, Sa nakikita ko kasi, ay parang nalilihis na sa landas ang halos lahat ng mga nagtratrabaho sa batas, hindi rin ako masisi ng mga pinag-iisipan kong taksil sa gobyerno dahil halata naman.



Gaya nalang ng nangyaring pagpatay sa tatlong businessman, may witness na nagsabing mga pulis ang bumaril sa mga ito pero walang nakinig sa witness, bagkus ay siya pa ang inakusahang may sala. Bias.



Nakapatong sa mesa ang isa kong siko habang nakapatong ang baba ko sa aking palad na nakikinig sa aming guro. Tahimik ang lahat at tanging ang aming guro lang ang nagsasalita sa harapan kaya naman nakaramdam ako ng pagka-antok, pero imbes na ipikit ang mga mata ay itinuon ko nalang ito sa aming guro na palakad-lakad habang nagsasalita.



"We have two major parts of our nervous system. The first one is Central Nervous System or the CNS, it serves as the main processing center for the entire nervous system . The second part is Peripheral Nervous System or the PNS, it connects the CNS to the organs and limbs-"



"Excuse me sir."



Lahat kami ay napatingin sa babaeng nasa pinto may dala dala siyang mga libro, her hair is uncombed like the usual, she looks good with our uniform, bagay din sa kaniya ang suot niyang kulay rosas na headband mas nagmukha siyang manika, nawala ang antok ko kanina at nakaramdam ako ng tuwa, pero nangibabaw ang inis ko ng makitang hindi lang ako ang nagising ang diwa kundi halis lahat ng kaklase kong lalaki. Tsk.



"Yes, beauty? Pasok ka muna dito." Nakangiting tanong ni sir sa kaniya.



She forced a smile before stepping in, dire-diretso ang lakad at tingin niya kay sir, ni hindi man lang ako nilingon. Pero bakit nga ba niya ako lilingunin? "Sir, ito daw po ang mga libro na kailangan mo sabi ni ma'am Ivet." Magalang niyang sabi sabay lahad ng mga librong hawak niya.



"Ganoon ba, Salamat." Sabi naman ni sir at tinanggap na ang mga libro.




Nagpilit ulit ng ngiti si beauty. "Aalis na po ako." Pagpapaalam niya at umalis na, di man lang hinintay ang sasabihin ni sir.



She's rude but why the hell am I smiling?



Hindi lang ako ang humahanga sa kaniya, There's a lot of us, A lot it means only 10% of the male population in this campus is not interested on her the rest got a crush on her, and that pisses me off. Pero kahit pa ganoon, kahit pa napakaraming nagkakagusto sa kaniya ay walang ni isang nakakalapit.




Her brothers are over protective over her, kung titingnan mo kapag magkasama sila ay parang balewala lang sa mga kapatid neto ang mga humahangang pagtingin ng mga kalalakihan, but once they're not wih Beauty they will throw you daggers, at kahit sa tingin pa lang nila ay para ka ng lalagutan ng hininga. Well that's not a bad thing though, walang makakalapit sa kaniya, ibig sabihin ay wala akong pagseselosan.



"Class on leave ako for the whole month, may reunion kasi kami sa samal at family vacation narin, ok naman na kayong grade ten dahil advance kayo ng dalawang module kaya wala kayong dapat ikabahala." Biglang ngumuwi si sir, halatang problemado. "Pero ang grade nine ay kabaliktaran sa inyo, late sila ng dalawang module para sa third quarter, kaya hihingi sana ako ng tulong sa inyo." Sambit ni sir habang nakatingin sa akin.



Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now