Chapter 4

652 13 0
                                    

|Chapter|4|Baril|

Kagaya nalang ng araw araw na eksena. Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis na makaabot ako sa classroom namin, nasa gate pa ako kanina ng marinig ko ang pagtunog ng bell, kahit kailan talaga. Tsk.

Kahit ayaw kong huminto ay napahinto ako dahil kapag nagpatuloy ako ay magtatagpo kami ng landas ng guidance counselor namin. Nataranta ako kaagad pero ng may nakita akong pwede kong taguan ay agad akong nagtago doon. Pigil hininga akong nagtago sa likod ng haliging di kayang  maitago ang kabuuan ng katawan ko dahil kalahati lang ng katawan ko ang lapad neto. Ng malapit na akong daaanan ng guidance counselor ay may bigla nalang tumakip sa bibig ko sabay hila sa akin sa kung saan.

Gusto kong manapak ngayon o kayay sipain ang humila sa akin pero di ko ginawa lalo pat kilala ko kung sino ang taong ito. Hinila niya ako papasok sa isang classroom na walang katao-tao.

"L-late na ako." Halos pabulong kong sabi.

Napatingin naman sya sa akin, at di parin inaalis ang pagkakahawak sa aking pulsuhan. "Ako ang magtuturo sa inyo ngayon."


Naiilang na tumango ako. Nauna akong pumasok sa room namin, at gaya ng dati walang nakapansin sa pagdating ko. Umupo na ako sa upuan ko, ilang sandali pa ay pumasok na si Kuya rogue. Saglit niya akong tiningnan habang naglalakad papuntang harapan.

"Goodmorning class..." agaw ng pansin ni kuya rogue sa mga kaklase kong di napansin ang pagdating niya.

Agad na nag-ayos ng upo ang mga kaklase ko, halos sabay sabay pa kaming tumayo para bumati din. "Goodmorning kuya rogue!"

Sinenyasan niya kaming umupo na, na agad naman naming sinunod. "Beadle."

Kinikilig na lumapit si shane kay kuya rogue. "Dalawa po ang absent, kuya rogue."

Tumango lang si kjya rogue at pumirma. Di ko napigilanh kunutan ng noo, bat di niya sinabing late ako? Saglit na nagtama ang mga mata namin, pero sya din ang unanh nag-iwas ng tingin. Napa-iling nalang ako.

Nagbigay sya ng Ten item na quiz, Hindi naman ganoon kahirap ang mga Tanong kaya nasagutan ko ang lahat.

"Pass your paper when your done."

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong busy sya sa pagbabasa sa kaniyang libro. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nireview ang mga sagot ko, nang makita kong wala naman sigurong mali sa mga sagot ko ay tumayo na ako para  ipasa ang papel ko.

"Tapos na ko, k-kuya rogue." Tsk. Im not really comfortable calling him kuya.

"Akin na." Sabi niya at inilahad ang kamay sa harap ko, inabot ko sa kaniya .

Pinanood ko syang i-check ang mga sagot ko, minsan kumukunot ang noo niya habang seryosong nakatingin sa papel ko, minsan ay bahagya syang tumatango. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ng makitang parang di sya sang-ayon sa naging sagot ko sa huli, essay kasi iyon.

"Beauty.."

"A-ano yun, k-kuya rogue?" Shit, bat ba ako nauutal?!

Gamit ang ballpen ay tinuro niya ang sinulat ko sa papel, nangunot ang noo ko. Rooftop? Mukhang alam niyang di ko nagets ang gusto niyang ipahiwatig kaya may tinuron sya ulit, Lunch?

Rooftop. Lunch.

Napaawang ang mga labi ko ng makuha ko ang ibig niyang sabihin, ng tingnan ko sya ay nakatingin na sya sa akin, tumango ako sa kaniya.

"You got a perfect score, great job beauty."

Agad akong bumalik sa upuan ko at ipinatong ang  bag ko sa mesa para matakpan ang Namumula kong mukha. Napansin kong napatingin sa akin ang grupo nila shane, pero di ko sila nilingon. Wala naman sigurong masama diba?

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now