Chapter 5

591 13 0
                                    

|Chapter|5|Trust|

Habang nagsasalita ang aming guro sa harapan ay wala akong ibang iniisip kundi kung ano ang sasabihin ko kay kuya rogue mamaya? Kung matutuloy pa ba kami mamaya? Kung ganoon parin ba ang turing niya sa akin o hindi na? Paano nalang kung-

"Miss Ashley?" Tawag sa akin ng aming guro na si ma'am Roxan.

Tumingin ako sa kaniya at saglit na sinilip ang white board sa likuran niya bago tumayo. "Yes, ma'am?"


"Nakikinig ka ba?" Naiinsultong sabi niya.

Marahan akong umiling. "No ma'am. "


Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko, habang si ma'am roxane ay halos di na maipinta ang mukha dahil sa inis. Nangunot ang noo ko ng taliman niya ako ng tingin.

"Miss Ashley,  hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagsagot mo, sana ay magkaroon ka ng respeto sa katawan kahit pa napaka-imposssible dahil pare-pareho lang kayo ng mga kapatid mo at ng pamilya mo!"


Nagtagis ang bagang ko. "Sana bago mo ako pangaralan, naapply mo na sa sarili mo yang sinasabi mo. Magkaroon ka rin sana ng takot sa katawan, ma'am." Malamig kong sabi saka umupo.


Natahimik ang lahat ng mga kaklase ko maging ang amin guro, pinilit kong maibalik sa dati ang expresyon sa mukha ko pero di ko talaga nagustuhan ang sinabi niya, kaya nanatiling malamig at madilim ang expresyon ko sa buong  klase. Halos di na ako matingnan ni ma'am, ang mga kaklase ko naman ay parang napapaso sa tuwing tumitingin sa akin, ok lang naman sa akin ang insultuhin ako, pero wag mong isali ang kahit na sino sa pamilya ko, yun ang hindi ko pinapalampas.


Teachers here knew about my Family's business, kaya nga di sila makapalag sa lahat ng mga ginagawa namin. Pero pinalaki kaming responsable, at may respeto parin kahit papaano, at higit sa lahat tinuruan kaming maging nakakatakot na tao, tinuruan din kamig maging halimaw. Ayaw ko mang maging halimaw ay wala akong magagawa dahil  kailangan. Dahil kung di ako maging halimaw ay ako din ang unang malilibing.


Ng marinig ko ang bell ay bumalik ang kaba ko. Lunch time na. Ng tumayo ako ay halos madapa na ang mga kaklase ko sa pag-uunahang makalabas ganoon din si ma'am, napangiwi nalang ako dahil sa mga nangyayari. I admit it, may kasalanan ako dahi di ako nakinig sa kaniya, pero di rin naman sapat na dahilan iyon para insultuhin niya ang myembro ng pamilya ko.

"Grabe, pareho talaga silang tatlo ah nu??"

"Oo nga eh, nakakatakot pero ang gagandang lahi.."

"Kapag nakatingin ako sa kanila parang may nakapalibot na dark awra sa kanila at sumigaw ng danger! Ang cool diba?"

"Ang hot niya kanina dude!"

"May baril sya diba? Tinutukan niya ang kapatid niya kanina... ang sabi sabi ay naglalaro lang sila.. grabe kakaibang laro iyon ha?"

"Oo nga eh.."

"Si ma'am estrikta ay napasiklop niya kanina, grabe nakakatakot pero ang hot at cool niyang tingnan, ang ganda pa."

"She's really cool.."


Kaniya-kaniyang commento ng mga taong nadadaanan ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba nilang magsalita patungkol sa akin dahil sa alam nilang dadaan ako o ano? Masyado kasing malakas ang mga boses nila. Nadagdagan pa ang kaba ko kanina ng marinig ang patungkol sa baril ko kanina, pero inaamin kong may mga narinig akong nasiyahan ako, pero kunti lang, dahil ang mas inaalala ko ay ang iniisip ni kuya rogue..

Bumuntong hininga ako at umiling saka tuluyang umakyat sa hagdan papuntang rooftop. Sa bawat hakbang ko sa bawat baitang ay mas kinakabahan ako. Ano ba beauty! Akala ko ba matapang ka? You even talk back to your teacher! Tapos pagdating kah rogue, tiklop ka? Weak.

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now