Chapter 10

547 16 1
                                    

|Chapter|10|Eyes|

Late na akong nakauwi sa bahay, at ang tanging nadatnan kong gising ay si Kuya na nasa kitchen counter, nagtitimpla ng gatas.

"Hey kuya.." sabi ko.

"Ginabi ka." Sabi niya habang seryosong seryoso sa pagtimpla. I know it's for mes kaya ganyan sya kaseryoso, tsk.

Tinapik ko ang balikat niya ng madaanan ko sya, kumuha ako ng baso at sinalinan ito ng malamig na tubig galing ref.

"I have to over time and stay up late to make some PowerPoint na irerepresent ko this Wednesday. Kikitain ko kasi ang bagong lawyer na kinuha ni light bukas so I wouldn't have enough time." Sabi ko pagkatapos kong ubusin ang tubig na laman ng baso.

"New lawyer? Sana magtagal sya."

Natigilan ako saglit sa paglagay ng baso sa sink dahil sa sinabi niya. I just sigh before putting the glass down at the sink and face kuya.

"Kung pwede lang na wala na tayong i-hire na lawyer, kuya. Ilang abogado na ba ang namatay dahil sa atin? Halos every week ay namamatay ang lawyer natin." Nakokonsensya kong sabi.

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni kuya at ang pag lagay niya sa kutsarang gamit niya sa ibabaw ng kitchen counter, I know what he's thinking right now. "Ty, we need a lawyer."

"Wala naman akong sinabing hindi natin kailangan-"

"But you sounded like you will not hire a lawyer anymore." Mariing sabi niya at hinarap ako. "Light needed a lawyer most of the time dahil nga sa lagi syang nasasabak sa gulo."

"Sa gulong pwede naman niyang iwasan pero di niya magawa dahil sa isang babae." Paglalabas ko ng sama ng loob.

Totoo naman kasi. Light is being stupid because of a girl! A police officer! Ilang beses ko na bang binalaan si light patungkol sa ginagawa niya, that girl can make him suffer in time! Masasaktan lang din sya pero ayaw niyang makinig.

"Ty, let Light be. Our brother is just inlove."

"Tsk." Singhal ko at napa-iling. "Inlove? He can be inlove without dragging us with his mess! Without dragging me!"

Tinitigan ako ni kuya at hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagtitig sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "I think its my fault, ty. Ako ang nagsabi kay light na gawin ang lahat para mapasakaniya ang babaeng mahal niya. And Im sorry for the trouble."

Nakagat ko ang dila ko para mapigilan ang sariling luha ko. "Im just tired so Im sorry din kuya."

Naramdaman ko ang paglapit ni kuya kaya mas di ko napigilan ang pag-iyak, lalo na ng yakapin niya ako, agad kong sinubsob ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.

"Im sorry ty..."

"Im sorry din kuya... I didn't mean to shout at you." Halos pabulong kong sabi.

"I swear if I could bring back the time, hinding hindi ko sasabihin ang totoo sa kaniya. I didn't know he would hurt you after-"

"Pagod ako kuya kaya aakyat na ako, goodnight. " diretso kong sabi at mabilis na naglakad papunta sa kwarto.

I know its rude and I just made my brother worry, but I can't help it, dahil alam ko sa sarili kong sinisisi ko parin so kuya hanggang ngayon, pero alam kong hindi dapat because he just what he think was right. And I know what he did is for my own good. Telling Kuya Rogue about us being a syndicate is right, mas mabuti pa nga at sinabi ni kuya ng mas maaga, baka kasi hanggang ngayon naniniwala parin ako sa kasinungalingan niya.

Pumasok ako sa opisina kong may suot na shades, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nagugulo nanaman ako ng mapait kong nakaraan at tinatamad din akong mag make up kaya nag-shades nalang ako. I can see how my employee reacts, lahat sila ay nagulat at nagtataka. And just like the usual day everyone are greeting me with fear, why would I even think of a miracle that someday they'll smile at me and greet me with no fear?

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now