Kapitulo 5

52 9 24
                                    

Zazdrick

I walk back inside her room and close the door behind me, watching Amasia's presence. She's sleeping sweetly. I want to touch her, but I know I am prohibited. I make a few steps toward her, staring at her sleek face.

She's so gorgeous.

Yumuko ako. Hindi ko man lang siya nakausap. Napahinga ako at marahan na umupo sa wooden bench malapit sa kama ng pangit ko.

Tinignan ko siya. Bakit ba nangyayari sa akin 'to? Bakit ba sa lahat ng tao sa mundo, si Amasia pa? Napayuko ako, pilit na pinipigilan na 'di maiyak. Pero ilang sandali lang ay inangat ko rin ang ulo ko, tinitigan siya.

She's so beautiful. But her memory with me reset to blank.

Mayamaya, bumukas ang pinto. I hastily wipe my tears. Ayokong makita ako ni kuya nang ganito. Nangako ako sa kaniya na 'di ako panghihinaan ng loob.

May umupo sa tabi ko.

"Bro, may naghahanap sa 'yo."

"Sino raw siya, kuya?"

"Stella."

Biglang umangat ang ulo ko. Stella? What is she doing here? At teka, paano niya nalamang nandito ako?

"Sige kuya," sabay tayo ko at saglit siyang binalingan. "Pupuntahan ko muna 'yong naghahanap sa akin."

He nods, sheepishly. And get out of the room.

I close the door behind me, and I see a girl na may dalang envelope. Pinatitigan ko siya. She wears black strap with a diamond necklace. No wonder bakit maraming nagkakagusto sa kaniya. But Daken caged her heart already.

"What are you doing here?" I begin.

"Ganiyan ka ba bumati sa bisita mo?" She smiles.

I sigh. "Ano ba'ng ginagawa mo rito? May kailangan ka ba sa akin?"

She nods. "Yup, here."

Pinatitigan ko ang envelope na inabot niya. Kunot-noo ko siyang tinapunan nang tingin sabay abot sa envelope. Ano kayang laman nito?Binuksan ko ang envelope at may nakita akong isang passport at isang ticket.

I glare at her. "What are these for?"

She sighs. "Pupunta tayong Italy next month. Doon na muna raw tayo titira sabi ni tita. Ayaw niyang nakikita kang nahihirapan."

My brow creases. "What!"

Bakit ba ginagawa 'to ni mommy sa 'kin? Oo, alam kong nag-aalala lang siya sa 'kin. Pero for pete's sake bakit niya ako pinapalayo kay Amasia?

"Ayoko!" I scold.

"Wala ka nang magagawa," she replies.

"No! I won't leave my pangit here—alone!"

Lalakad na sana ako palayo nang bigla siyang magsalita. I didn't expect what she says to me.

"Doon daw tayo magpakasal sabi ni Tita."

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.

"Anong sabi mo?"

She smirks. "Bingi ka na pala ngayon? I said doon daw tayo magpapakasal."

I glare. "Anong karapatan mong pangunahan ako?"

"Pero 'di pa naman ngayong taon tayo magpakasal. Maybe, next year," sabat kindat niya.

Medyo nabunotan ako nang tinik sa sinabi niya. But still, that marrying thing make me piss off. Agad ko siyang tinalikuran. Ayoko nang marinig ang mga pinagsasabi niya. Ayokong iwan si Amasia. I'll stay here. She's the love of my life.

Uno AmoreWhere stories live. Discover now