Chapter 20

30 7 0
                                    

Passport






Lumipas ang ilang buwan ay napag-isipan kong mag abroad kasi kulang ang sahod ko dito. Naiintindihan rin naman ni Herrick ang desisyon ko. Sabi naman niya sa 'kin, susunod siya do'n. I will miss all of them including that malditang Sabrina.

Nakakuha na ako ngayon ng passport at next week na ang alis ko. Ayaw ko man pero ito ang makakabuti para sa amin. Si kuya naman, siya daw ang papalit sa akin doon sa kompanya ni Herrick.

Natigilan ako nang may kumatok. Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan sabay bukas. Bumungad sa 'kin si mama na alalang-alala sa akin.

"Okay ka lang ba, anak?"

Tumango ako. "Opo ma, at saka para rin naman ito sa 'tin."

Ngumiti siya ng pilit. "Kung 'yan ang gusto mo anak, nandito lang kami susuporta sa 'yo.

Pagkatapos naming mag-usap ni mama. Nagbihis ako kasi kukunin ko na ang mga gamit ko. Nagpa farewell party na naman sila sa 'kin kahapon eh. At saka nag sorry na rin nama si Sabrina sa 'kin. Inamin niyang nagseselos siya sa akin. Pero okay lang 'yon. It wasn't big deal for me.

Pagkatapos kong magbihis, bumaba ako at naglakad patungo sa gate. Pagkalabas ko, nagulat ako nang makita ko si Herrick na cool na naka sandal sa sasakyan niya. Naka suot siya ng brine V-neck at brown na shortpants na bagay na bagay sa kaniya.

"Herrick."

Kinandatan niya ako. "Get inside, I'll drive you."

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Ngmuti ako sabay pasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob, nagulat ako nang may isang kahon akong nakita. Ano 'to? Sa isip ko.

Narinig kong pumasok si Herrick sa driver seat. Ngumiti siya sa 'kin pagkapasok. Nasa back seat kasi niya ako pina-upo.

"Herrick, ano 'to?" tanong ko sabay turo sa kahon.

"Open it later."

Tumango lang ako. Ngumiti siya sa 'kin sabay baling sa harap. Inis-start niya ang sasakyan niya at tumakbo kami ng mabilis.

Lumingon siya sa 'kin. "Okay ka lang ba diyan? Final na ba talaga ang desisyon mo? Hindi ko na ba talaga 'yan mababago?"

Ngumiti ako. "Herrick the hunky bunny, 'wag ka ng mag-alala sa akin do'n. Hindi naman ako kakagatin ng mga tao do'n. At saka kasama ko naman si Astrid. Wala kang dapat ika-bahala—"

"Meron."

Kumunot ang noo ko. "Sino naman?"

"Mga lalaki do'n. Malay ko ba pagbalik mo dito, kasal ka na."

Napaka advance talaga niyang mag-isip. Kasal agad? Hindi puwedeng fiancee muna? Pero isa pa, hindi pa naman ako magpapakasal eh. Unless bumalik 'yong memorya ko.

"Mga lalaki? My gosh Herrick, I didn't go there for fun. I go there for work, okay?"

He sighed. "Whatever, basta kung magka boyfriend ka do'n. Pakilala mo sa 'kin ha? Sabihin mo, mag invest siya sa company ko."

Tumawa ang moko. What's funny with he say? But to be honest, I will miss Herrick. He's my boss at the same time buddy. Mama, kuya, and so more. Ma mi-miss ko sila. I will miss Philippines. The culture, traditions, and folklores.

Tinignan ako ni Herrick. "Anong iniisip mo?"

I smiled. "Ikaw, sila mama, at higit sa lahat ang pilipinas."

Ngumiti siya. "You will miss me? I will miss you too. Don't worry, I'll go after you, then."

Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Seriously? You're not joking, right? Are you?"

"Of course. Bakit naman ako magbibiro. Susunod ako do'n. Pupunta tayong Velona."

Tumawa ako ng mahina. "Velona? Aba, bago 'yon, ah. Where did you found that place?"

Kumunot ang noo niya. "In... google. Tsk."

Tumawa ulit ako. May lugar bang Velona? Sa kaniya ko lang narinig 'yon, ah. Aba, ang tindi naman talaga ng familiarization niya. Superb. Sa isip ko.

"Can you stop laughing? I'm pissed with you."

Ngumiwi ako. "Akala ko pa naman, 'di ka na pikonin. Duh, whatver."

Tumikhim siya. "Ano ba kasing nakakatawa?"

Hinarap ko siya. "Can't you imagine the word you were saying? Is there a place named Velona on the map?"

Ngumiwi siya. "Okay, correct my gal."

I sighed. "It's Verona not Velona. Verona is a place where Juliet grown. It's also a province and historic town of Veneto. O, may trivia ka na, ha."

"Whatever."

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Hindi ko maiwasang tignan ang kahon. Ano kayang laman nito? 'Wag niyang sabihing... panty 'to. Sa isip ko.

"Hindi panty 'yan."

Naririnig niya ba ang iniisip ko? Napaka galing naman niya kung gano'n. Hininto niya ang sasakyan sa parking. Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako. Napaka gentleman talaga.

Hinarap ko siya pagkababa ko. "Hoi. Pa'no mo nalaman ang iniisip ko?"

Hinarap niya ako. "Unang una, hindi po 'Hoi' ang pangalan ko. Pangalawa, sadiyang alam ko na ang iniisip mo."

Nauna siyang naglakad. Napaka mean talaga ng lalaking 'yon. Ganiyan talaga kami ni Herrick simula high school hanggang ngayon. 'Yan lang kasi ang lambingan namin eh.

Nag pout ako. "Hindi mo ba ako hihintayin?"

Ngumiwi ako saka tumalikod pero nagulat ako nang may biglang bumuhat sa 'kin. Binuhat ako ni Herrick nang pang bride. Tinignan ko siya, napaka ganda talaga ng mga mata niya. Napaka tangos ng ilong at higit sa lahat napaka amo ng mukha.

"Why are you looking at?"

Umiwas ako ng tingin. "I'm not."

"Tsk."

Nakita kong papasok na kami ng building at laking gulat ko na lang nang pagpasok namin nang biglang may pumutok na confetti sa entrance ng building. Ibinaba ako ni Herrick sabay halik sa noo ko.

Hinarap ko siya, naguguluhan. "Ano 'to?"

"Surprise party. 'Di ba, aalis ka na next week papuntang Italy 'tas aalis ka na ngayon sa kompanya. So we prepared a mini program for you."

Lumapit si Astrid sa akin. Pareho kaming aalis ng kompanya. Sasama kasi siya sa 'kin sa Italy. Hindi lang para magtrabaho  kundi ang maghanap ng jowa. Napaka landi talaga ng babaeng ito.

"Hoi bes, ready ka na ba sa flight natin? Next week na. Monday, right?"

Ngumiti ako. "Not so..."

"Why?"

"Ma mi-miss ko sila mama at kuya Astrid. Lalong-lalo na si papa. Sabi ni mama uuwi daw si papa next week and guess when? It's monday the same day we're about to leave."

She sighed. "Ako rin naman eh, by the way tinago mo ba 'yong passport mo? 'Wag mong wa-walain 'yon. Mahalaga 'yon."

I smiled. "'Wag ka ng mag-alala. Natago ko na. That's include one of my important things that shouldn't need to lost."





— —

ShineInNightt

Uno AmoreWhere stories live. Discover now