Chapter 9

34 8 0
                                    

Verona






Maaga akong nagising. May pupuntahan kasi akong lugar na gustong-gusto kong pinupuntahan no'ng nandito pa po ako. I love that place like even half of me still craving for it.

Bumangon ako sa kama ko sabay punta sa salamin. Mukhang tumatanda na talaga ako. Pero alam ko namang 'yang matandang mukha na 'yan ang hahanap-hanapin ni Amasia in the near future.

Pagkatapos kong manalamin, lumabas ako ng silid. Bumaba ako sa hagdan pero may takteng gumulat sa 'kin, si Stella.

"Magugulatin ka pala Zazdrick? Now, I know," tumawa siya.

Hindi ko siya pinansin bagkus linagpasan ko siya at naglakad palabas ng bahay nang bigla siyang nagsalita.

"Where you going?" tanong niya.

"Somewhere where I couldn't see your existence." Binuksan ko ang pinto sabay labas.

Pagkalabas ko, naglakad ako palabas ng villagio de Faciano. Maglalakad na lang ako kaysa sasakay ako ng kotse. Gusto ko kasing makapag exercise. Pagkalabas ko ng village, naglakad ulit ako papunta sa daungan ng yate.

Sa paglalakad ko, may nakita akong isang naka upo sa isang bench na umiiyak. Linapitan ko siya sabay upo sa tabi niya.

"Hey, dude."

Humarap siya sa 'kin. Nagulat ako nang makita ko siya dito. Paano siya nakapunta dito? Sa isip ko.

Nagulat ako. "Daken? What are you doing here?"

"Chilling," tipid niyang sagot.

Chilling? In Italy? Parang imposible naman iyon. Parang alam ko na tuloy kung bakit siya nandito. It is because of Stella.

"Stop that alibi dude," saway ko.

Yumuko siya. Alam kong nasasaktan siya sa nangyari pero alam ko namang magiging maayos rin sila. At 'yong sinabi ni Stella na magpapakasal kami next year, hindi totoo iyon. Alam ko namang nagbibiro lang siya.

"The truth is... I still love her dude. Hindi ko naman ginusto 'yong nangyari eh. Someone ensnared me at may duda na ako kung sino. We hadn't sex or any physical contact."

I patted his back. "It's okay dude. You can visit Stella or better I would surprise Stella about you. Is that okay with you?"

Bigla siyang nabuhayan sa sinabi ko. I saw him smiled widely and I'm sure he'll gonna assume with this after. Bakit ko kasi sinabing dadalhin ko si Stella sa kaniya. Mag a-assume 'to for sure.

"Talaga bro? You're not kidding, right?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo naman, I promise. I'll bring Stella for you."

Matapos kaming mag-usap ni Daken, iniwan ko na siya kasi may pupuntahan pa ako. Sinabi rin niya naman sa 'kin na tumutuloy siya sa uncle niya.

Maya-maya, nakarating na ako sa daungan ng mga yate at sa totoo lang sobrang daming tao. Nagbayad ako para sa yateng gagamitin ko. Pagkatapos magbayad, sumakay na ako sa yate.

May isang operator sa yate bale siya ang nagmamaneho nito. Naka-upo ako ngayon sa isang mini bench dito na kulay puti. Tinignan ko ang kabuuan ng siyudad. Napaka ganda.


— — —


'Di nag yaon, ligtas akong nakarating sa Verona. Naalala ko tuloy ang nobela ni shakespeare na 'Romeo and Juliet'. Dito kasi sa Verona naganap ang istorya nila. The tragic love story of Romeo and Juliet.

Naglakad ako patungo sa bahay ni Juliet na kung saan naganap ang pag-iibigan nila sa veranda. Napaka laki at napaka antigo nito. Dumaan na ang ilang taon pero nakatayo pa rin ang bahay na kung saan nilakihan ni Juliet.

Sa 'di inaasahan may nabunggo akong isang babae. Babaeng kialalang-kilala ko. Imposibleng nandito siya.

"Lishia? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba patay ka na?"

"Kuya." Niyakap niya ako.

Sinuklian ko ang yakap niya. My sister... is alive. She's not dead. Papa needs to know about this. Everyone thought she's died already but look what I've seen now.

"Lishia. Mi manchi, sorella."
(I miss you, sister.)

Bumitaw siya sabay tingin sa akin. "Mi manchi, fratello."
(I miss you, brother.)

Niyakap niya ulit ako. I miss her hugs at sobrang tagal ko ng gustong maramdaman ulit ang yakap niya.

"I hate you," sabi ko.

Bumitaw ako sa mga yakap niya. Tinignan niya naman ako sa mata. Ngumiti siya, ngiting kay tamis tignan.

"Kuya, 'wag ka ng magtampo. Naka survive ako and... papa knows it already."

Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ni papa na buhay si Lishia? Pero bakit 'di niya sinabi sa akin? Sa isip ko.

"Alam ni papa na buhay ka? Nag lihim kayo sa akin? Ah!" Ginulo ko ang buhok ko dulot ng iritasyon.

Tumawa naman siya. "Kuya, don't mess up your hair. You look handsome pa naman,"

Ngumiwi ako. "You're fooling me Lishia. All of a sudden nandito ka lang pala. Alam mo ba na sinisisi ko 'yong sarili ko sa pagkamatay mo? Hindi ako makatulog buong gabi dahil sa 'yo tapos kung hindi ako pumunta dito hindi ko malalaman na buhay ka,"

Hinawakan niya ang kamay ko pero hindi ko siya tinignan. She fool me, linoko nila ako. Ginawa nila akong tanga.

"Kuya, 'wag ka ng magtampo sa amin nila daddy. We hid this clandestine so just we coudn't bothered you. Mom told me, you're busy in your work and to your first love. But... sadly she had an amnesia, right?"

Sinabi na pala ni mommy sa kaniya 'yong tungkol kay Amasia? Magaling. Linoko nila ako, ginawa nila akong tanga.

"Whatever, the bottom line here is... you fooled me. Dad, mom, and you fooled me. Now, I'll ask you. Are you happy now? Seeing your brother demented?" I asked in spleen.

Yumuko siya saglit sabay tingin ulit sa akin. "We never fooled you and I'm not happy on your situation. I want to tell you but it's not the right time. Hope you understand me, kuya."

Understand? How could I trust her words if she fooled me in the first place. Hindi niya alam kung anong pinagdaanan ko matapos malaman na namatay siya because of fricking car accident and now she's pushing her words to mine to believe on it? How ironic.

"It's okay if you say, you got sick or something hindi 'yong nabalitaan ko kay daddy na patay ka. Na ang totoo'y buhay ka naman pala. Congrats sorella. You succeed of fooling your brother." Naglakad ako palayo sa kaniya.

Napaka sakit. Sa kaniya ko pa mismo nalaman ang totoo. I may be an hotheaded brother but still I do care for her because she's my sister. I do care for her because I love her. I don't want to lose her. But she shattered my heart into pieces. She lied on me.






— —

ShineInNightt

Uno AmoreOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz