Kapitulo 1

240 25 24
                                    

Amasia

Marahan kong Inilapag ang tasa ko sa gilid. My boyfriend, Zazdrick, is busy sipping on his coffee while barely blowing. Naisipan niya kasing huminto na muna kami rito to unwind. Matapos ba naman ako lamunin ng trabaho ko ay marahil naisip niyang deserve ko ito.

"Ngit, can I ask you for a date this coming Saturday? Free ako," sabay kindat niya.

In case uncommon to your ear, we used 'ngit' as an endearment because he finds it cute. Pinaikli lang ang word na 'pangit' kaya 'di masyadong halata.

"Puwede naman, pero baka may lakad kami with the fam, eh..." mahina kong sagot.

He gets my hand and stares at me as if he is schooling my face for a quiz.

"Okay lang. I know it's important for you."

Gusto ko talagang lumabas kami. Kasi these past few weeks nawawalan na kami ng time para sa isa't isa. Pareho kasi kaming workaholic, pero hindi rin naman kami nawawalan ng communication sa isa't isa.

"Tatanungin ko muna sila papa kung matutuloy ba."

He leans on my shoulder, and I pat his cheek. Gumapang ang kamay niya sa buhok ko at pinaglalaruan ito gamit ang mga daliri niya. He's always like that—that's why some of our friends would tease us every time we were with them.

"I like your hair," and he then sniffs my hair. "Smells like well-care..."

Ngumiti ako sabay palo sa braso niya. Ngumisi lang ang loko.

Many of our acquaintances in college would always say when we will get married, and some of them did even claim themselves to be as our guest sponsors. May plano naman talaga kaming magpakasal, pero hindi pa sa ngayon. Kaya natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Hopefully, if we turned thirty kasi twenty-five na naman kaming dalawa ngayon. So, malapit na.

"If ever hindi kayo matuloy, labas tayo, ngit. Punta tayong Duka Bay."

I smile. It's been a while since no'ng last beach gateway namin. Pero may kasama naman kami no'n, maganda 'yong kaming dalawa lang. Pero kung sakaling 'di matuloy ang lakad namin, sisiguraduhin kong matutuloy ang amin.

Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang telepono ko. Dinungaw ko kung sino ang tumatawag, sabay sagot.

"Hello, ma," panimula ko.

Umayos si Zazdrick nang upo. Pinatitigan ako.

"Anak, wala ang papa mo rito. Umalis siyang Cebu. Matatagalan pa bago siya makabalik," she replies.

Mukhang 'di nga matutuloy ang lakad namin ngayong sabado. I frown. Nakakalungkot. Pero ayos lang, alam ko namang importante ang pinunta ni papa ro'n, eh.

"Gano'n ba, ma? Sige, ayos lang. Basta... kung tatawag si papa sa 'yo, sabihin mong ingat siya palagi, ah."

"Masusunod, anak."

After we talk, I slid the phone in my bag. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kawalan. Napansin iyon ni Zazdrick. Siya kasi 'yong tipo ng tao na 'pag may problema ako, parang pasan na rin niya.

"What happened?" he asks.

I sigh. "Umalis si papa. Pumuntang Cebu."

He sips on his cup. "Kailan daw ang balik?"

I shrug. "Hindi ko alam."

He nods.

Ilang minuto ang nakalipas, bigla kaming binalot ng katahimikan. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga oras na gusto mong mangyari pero hindi naman ito ipagkakaloob sa 'yo. Tapos 'pag 'di mo naman gustong mangyari ay kusa naman itong darating sa 'yo.

Uno AmoreWhere stories live. Discover now