Chapter 14

28 5 0
                                    

Visitor






Lumipas ang tatlong araw mag-isa na ako dito sa bahay ni papa. Umuwi na kasi si Stella kinuha ni Daken. Hindi ko man gusto pero wala akong magagawa kasi sabik na sabik na si Daken na umuwi sila ni Stella.

"Zazdrick," tawag ni papa sa akin.

"Si papà?" sagot ko.

Umupo siya sa tabi ko. Napansin ko si papa na palagi siyang nagsusuot ng fitting shirt. Pansin ko rin, nagkaka muscle na siya. Si papa talaga, feeling teenager.

"I'll go to the gym. You wanna join, figlio?"

I shook my head. "It's okay papà, I'm fine here."

"If you say so, son. But if you wanna join with me. Just call me." He patted my back.

Ngumiti ako. "I'm fine here papà. Just bought me some ice cream,"

Tumayo si papa sabay lakad patungo sa pintuan pero nagulat ako nang huminto siya at lumingon sa akin.

"Arrivederci, son," sabi niya sabay labas ng bahay.

Huminga ako ng malalim pagka-alis ni papa. Tumayo ako at pumunta sa kitchen. Tanging ako at sila manang Risa at Fario lang ang kasama ko.

Pagkabukas ko ng pintuan, tumambad sa 'kin si manang na nagluluto ng ulam. Sa pintuan pa lang alam na alam ko na amoy nito.

Pumunta ako sa gawi ni manang. "Ang bango naman, is that adobo, manang?"

Tumango si manang. "Opo sir. Gusto niyo pong tikman?"

Tumango ako. "Sige po."

Kumuha siya ng konti sa niluto niya at inilahad sa akin. Kinuha ko naman ito saka tinikman.

"Ang sarap manang,"

Ngumiti si manang. "Nagustuhan niyo po ba?"

Tumango ako. "Opo manang. Kakain na nga po ako eh. Napaka sarap kasi."

Hinawakan niya ang buhok ko. "Sige, ipaghahain kita ng kanin."

Umupo ako sa isang stool at naghintay kay manang. Matagal na rin si manang Risa dito sa 'min pero 'di na siya naka-uwi sa pilipinas. Na sanay na siya sa kultura at paniniwala ng mga tao dito.

Maya-maya, inilapag ni manang ang plato na may kanin. Umalis ulit si manang dahil ti-timplahan niya daw ako ng juice. Napaka sweet talaga ni manang.

Bumalik ulit si manang, dala-dala ang baso na may lamang juice. Manang Risa was one of our maids here. Noong nabubuhay pa si manang Fanche, siya talaga 'yong close ko. Close rin naman kami ni manang Risa pero iba si manang Fanche. Kambal kasi si manang Risa at manang Fanche pero may pagkakaiba sa mukha nila.

"Ito po 'yong juice niyo sir." Nilapag ni manang sa mesa 'yong juice na tinimpla niya.

Naiisip ko pa rin si manang Fanche. Sana masaya na siya sa langit. Sana bantayan niya ako dito. Huminga ako ng malalim saka uminom ng juice.

Inilapag ni manang ang niluto niyang adobo sa mesa. Ang bango talaga ng niluto niya. Na miss ko tuloy ang pilipinas. I miss eating palabok and so more. Kumuha ako ng isang pirasong manok nilagay sa plato ko.

Uno AmoreWhere stories live. Discover now