Chapter 15

35 7 0
                                    

Pictures






Nagulat ako ng makita ko si Lishia. Hindi ko in expect na makikita ko siyang muli. Oo, inaamin ko may tampo pa rin ako sa kaniya. Pero no'ng pinaliwanag ni papa sa 'kin lahat kahapon, parang may na realize ako.

"Hindi mo ba ako e ha-hug?" nag pout siya.

Pumunta ako sa gawi niya sabay yakap sa kaniya. I miss my sister so much. Naging insensitive man ako no'ng nagkita kami sa Verona, pero no'ng narinig ko ang explanation ni papa kahapon, natauhan ako.

"I miss you so much sorella."

"I miss you too fratello," sabi niya.

Bumitaw siya sabay gulo sa buhok ko. Hilig niya talagang guluhin ang buhok since before. Pinisil ko ang pisngi niya.

"Bakit ngayon ka lang umuwi dito?"

"Kasi kuya... binigyan ako ni papà ng bahay malapit sa Verona. Hindi naman gaano ka laki, sakto lang," sagot niya.

Tinignan ko si papa. "Is it true papà?"

Tumango si papa. "Si figliolo." (Yes son.)

Tinignan ko ulit si Lishia. "Gano'n ba...? Pero umuuwi ka naman dito?"

Tumango siya. "Oo, once a week."

"Uhm... guys I think you need some time on each other. May I leave you here." Naglakad si papa palayo sa amin.

Pagka-alis ni papa hinarap ko si Lishia. "Paano mo nalamang na amnesia 'yong girlfriend ko? Sinabi ba ni mommy?"

Umupo siya sa sofa kaya umupo na rin ako. Nagtataka talaga ako kung pa'no niya nalamang na amnesia si Amasia.

"Hindi si mommy ang nagsabi sa 'kin."

Nagulat ako sa sinabi niya. Kung hini si mama, sino? May dapat ba akong malaman? May kailangan ba siyang aminin sa akin? Sa isip ko.

"Kung hindi si mommy, eh sino?" I asked eagerly.

She sighed. "Si kuya,"

Hindi... hindi puwede. Akala ko ba nasa Chicago siya ngayon dahil sa business niya. 'Wag niyang sabihing pinopormahan niya si Amasia behind my back.

"Paano niya naman nalamang na amnesia si Amasia?" seryoso kong tanong.

She sighed again. "I don't know, 'di naman niya sanabi,"

"Kuya, He's heading back here. Sana 'di kayo mag-away. We're siblings for pete's sake," si Lishia.

"I'll promise," sagot ko.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya bumalik ng pilipinas. Kung alam ko lang na bumalik siya, baka 'di na lang ako pumunta dito. Kung alam ko lang talaga.

Nagpahinga na si Lishia sa room niya habang ako nandito sa sala, nanonood ng palabas. Iniisip ko pa rin si Amasia. Paano kung mahawakan ni Stanford 'yong kamay ng girlfriend ko. Sa isip ko. Umiling ako sa naisip ko.

Tumayo ako at naglakad palabas ng mansion. Pagkalabas ko, nakita ko si manong Fario na busy sa pagdidilig ng halaman. Malaki kasi itong space ng mansion. Bali may quadrangle siya sa laki.

Pumunta ako sa isang mini kubo na pinagawa talaga ni papa para sa amin nila Lishia at Stanford. Si Stanford ang panganay kong kapatid pero hindi kami close. Ang yabang kasi no'n.

Pagkapasok ko sa loob ng kubo, manghang-mangha ako kasi nando'n ang mga pictures namin ni Amasia. Teka, paano nakuha ni papa 'tong mga litrato na 'to? Sa isip ko.

"Kung nandito ka lang sana, ngit," bulong ko sa sarili.

Hindi rin ako nagtagal sa kubo, lumabas ako at pumunta sa isag gazebo. Malaki ang pinagawang gazebo ni papa. Pagkapasok ko, bumungad sa 'kin ang mga pictures namin ng mga kapatid ko.

Nakita ko pa si Lishia na sobrang cute. Si Stanford naman, naka akbay sa akin. Ito 'yong litrato no'ng pumunta kaming New York.
No'ng mga bata pa lang kami, close talaga kami ni Stanford pero ngayon hindi na. Kasi nagbago na siya.

"Ang saya natin diyan 'no," rinig kong may nagsalita sa likod ko.

Lumingon ako. Nakita ko siyang nakatingin sa mga litrato namin. Sobrang close talaga namin no'ng mga bata pa lang kami.

"Kung maibalik lang ang panahon no'ng ang saya lang natin, walang iniisip na problema."

Lumapit siya sa akin. "Kuya, patawarin mo na kasi siya. Nagsisisi naman siya sa ginawa niya eh."

Noon ko pa pinag-iisipan na patawarin siya pero napaka sakit kasi 'yong ginawa niya sa 'kin eh. Inagaw niya sa 'kin ang kompanya. Ako 'yong nagpatayo at nagpatakbo tapos bigla na lang siyang dumating at kunin ito.

"Napag-isipan ko na rin 'yan Lishia pero hindi pa ako handang patawarin siya. Sobrang mahal ko ang kompanya kong 'yon,"

"I know, but he deserves second chance kuya. Sinabi niya sa 'kin ang totoo, kuya. Hindi naman talaga niya inagaw ang kompanya sa 'yo eh. Ibabalik rin naman niya ito sa 'yo when you turn thirty," sabi niya.

Thirty? Ang tagal naman. Hindi... hindi niya talaga ibabalik 'yong kompanya, lalong lalo na nasa pilipinad na siya. Sa isip ko.

Hinarap ko siya. "How can you so sure na ibabalik niya ulit sa 'kin ang kompanya?"

"Uhm... not really, pero sabi naman niya eh. Kilala mo naman siya eh. 'Pag sinabi niya, gagawin niya talaga," sagot niya.

Alam ko namang gano'n siya pero malay ko ba kung nagbago na siya. Nagbabago ang lahat ng tao at hindi natin iyon mapipigilan kasi gano'n naman talaga eh. Hindi mawawala ang pagbabago like: from dictatorial country turn to democratic, from beast turn to angel, from poor to rich.

"Whatever, 'wag na nga muna natin siyang pag-usapan. A proposito, free ka ba ngayon?" tanong ko.

Tumango siya. "Yes, why?"

Umiling ako. "Wala naman."

Ngumiwi siya. "Akala ko pa naman yayayain mo ako sa El Dariso,"

Naalala ko tuloy sila Stella at Daken. Doon ko kasi dinala si Stella. Kamusta na kaya ang dalawang 'yon? Sabi pa naman ni Daken sa 'kin, papakasalan daw niya si Stella pag-uwi nila.

"Kuya," pagtawag n Lishia sa akin.

Bumalik 'yong diwa ko sa pagtawag niya. Sana masaya si Amasia ngayon. Ayokong maging malungkot siya.

Tinignan ko siya. "Ano?"

"Ice cream tayo?" pag-aaya niya.

"Saan?" walang gana kong tanong.

She rolled her eyes. "Saan pa ba, eh 'di sa kitchen,"

Paborito kasi naming magkakapatid ang ice cream. Lalong-lalo na 'yong cookies and cream na flavor.

Sa totoo lang, miss na miss ko na 'yong loko na 'yon. Kahit magka-away kami. Hindi rin naman nawawala ang pag-aalala, dahil kapatid mo ito eh.

"Tara," sabi ko sabay ngiti.

Ngumiti naman siya. Masaya ako dahil bumalik na ulit ang kapatid kong sobrang tagal ng nawalay sa akin. Thank you lord, tatanawin ko po itong utang na loob.





— —

ShineInNightt

Uno AmoreWhere stories live. Discover now