Chapter 7

40 7 0
                                    

Leaving






Makalipas ang isang gabing puno ng kalungkutan. Nandito ako naka-upo sa couch, hinihintay si Stella. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya sasama sa 'kin.

Maya-maya, may narinig akong kotseng dumating. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at iniluwa nito si Stella na naka suot ng white coat na bagay naman sa kaniya.

"Hi, Zazdrick," sabi niya sabay ngiti.

Huminga ako ng malalim. "Bakit ba ang tagal mo? Akala ko pa naman 'di ka sasama,"

Lumapit siya sa 'kin. "Zazdrick, 'wag ka ng magtampo."

Hinawakan niya ang kamay ko. Kinunotan ko siya ng noo. Bakit parang feeling ko ang clingy niya ngayon or I'm just thinking too much.

"Whatever. Halika na, baka maiwan pa tayo ng eroplano." Nauna akong naglakad palabas ng bahay.

Siya na lang kasi ang hinihintay namin. Ngayong alas nuwebe pa naman ang flight namin ni Stella kaya kailangan naming makarating doon ng eight para ready na kami for boarding.

Nauna akong pumasok sa loob ng van, sumunod naman si Stella. Pagkapasok niya, bigla siyang nag retouch. Ang arte talaga nitong babaeng 'to. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ni Daken 'to.

Naka alis na kami at tinatahak na namin ang daan ngayon patungo sa airport. Hindi ko mapigilang 'di malungkot. Lalo na't maiiwan ko si Amasia dito. May rason naman ang pag-alis ko eh.

'Di naglaon, nakarating na rin kami sa erodromo. Madaming tao lalo na't disyembre ngayon at oras ng mga mahal sa buhay. Ito na siguro ang pinaka malungkot na paskong mararanasan ko.

Bumaba kami ni Stella sa van at pumasok sa loob ng airport. Sakto namang pagdating namin, boarding na.

"Napaka sakto naman talaga ng dating natin Zazdrick ano. Dapat magpasalamat ka pa sa 'kin," sabi niya sabay ngiti.

"Whatever, Stella." Nauna akong naglakad sa kaniya.

Dumiretso na kami sa eroplano ngayon, kasi boarding na namin. May punto rin naman si Stella eh. Ayoko rin naman kasing maghintay, lalo na't napakaraming tao ngayon.

Pagkapasok namin sa eroplano, sinalubong kami ng ngiti ng flight attendant. Nginitian rin namin siya saka naglakad papunta sa seat namin.

Nasa gitna ang airline seat ko habang si Stella naman ay nasa may bandang tabi ng bintana ang airline seat niya. May kasama kaming isang foreigner na katabi ko naman.

"Bungiorno giovane, signora," sabi niya sabay ngit sa 'min.
(Good morning young man, miss.)

Sasagot pa sana ako nang biglang sumingit si Stella. Palasingit talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan.

"Bungiorno signore. Di bell'aspetto," sabi ni Stella.
(Good morning sir. You're good-looking.)

Ngumiti naman ang foreigner sa sinabi niya. Tama naman si Stella eh. May itsura naman talaga 'tong lalaking 'to.

"Grazie bella dona," sagot ng lalaki.
(Thank you pretty woman.)

Sa tingin ko nasa mid-30's na siya. Pero ang tikas pa rin ng tindig nito. No wonder maraming nagkakagusto sa lalaking 'to.

"A proposito, dove voi due andando?" tanong niya.
(By the way, where you two going?)

"Italia," sagot ni Stella.
(Italy.)

Nasabi rin ni mommy sa 'kin na marunong daw mag italian si Stella and now, I witness it.

Tumango ang lalaki. May-maya, bumaling siya sa 'kin. Naka suot siya ng black shades na bagay rin naman sa kaniya.

"Sei bello," sabi niya sabay ngiti.
(You are handsome.)

Ngumiti ako. "Grazie signore,"
(Thank you sir.)

Tinignan niya ulit ako. "Mi sembri familiare." (You look familiar with me.)
"Ci siamo già incontrati?"
(Do we meet before?)

"Non credo," sagot ko.
(I don't think so.)

"Capisco," (I see.)

'Di nag yaon, nag take off na kami at ito ang pinaka ayaw kong part. Para ka kasing nilagay sa dugayan tapos pina ikot-ikot hanggang mahilo. Napansin kong busy si sir Lauronio sa ka text niya. Narinig kong may nagsalita sa speaker.

"For safety protocols, please switch your phone into airplane mode. Thank you. Per i protocollo di sicurezza, si prega di passare il telefono in mondalita aereo. Grazie.

Napansin ko namang in airplane mode ni sir Lauronio 'yong phone niya kaya kinuha ko na ang phone ko sabay airplane mode. Mahaba-habang biyahe 'to kasi base sa nalaman ko, 12 hours ang biyahe papunta ng Italy.

"Zazdrick," pagtawag ni Stella sa 'kin.

Lumingon ako sa kaniya. "Ano?"

"Makikita mo na muli ang dad mo," sabi niya sabay ngiti.

Miss ko na rin si dad. Ilang taon na rin akong 'di nakabalik ng Italy because of someone, Amasia. Papunta na ako no'n ng Italy nang dumaan ako sa isang coffee shop and I saw her. At first, akala ko wala lang 'tong nararamdaman ko pero afterwards I realize I love her.

"Yeah, I miss dad, Stella." Sumandal ako sa airline seat ko.

"He'll be happy if he will see you there," sabi niya.

Mahirap talagang gawin ang mga bagay na alam mong hindi madaling gawin pero kailangan para sa kapakanan mo, at sa babaeng mahal mo. Alam ko namang maiintindihan rin ako ni Amasia balang araw.

Tinignan ko si Stella. Nakatulog na ang prinsesa. Si sir Lauronio naman, busy sa ka-lalaro sa cellphone niya. Kinuha ko ang telepono ko at binuksan ito. Bumungad sa 'kin ang wallpaper namin ni Amasia. Ti amo, ngit. Sana maalala mo rin ako.

Bumaling si sir Lauronio sa akin. "Puoi aiutarmi?" (Can you help me?)

"Certo signore," sagot ko.
(Sure sir.)

"Hum... come completare questo livello?" (Uhm... how to complete this level?)

Binigay niya sa 'kin ang telepono. Kinuha ko naman ito. Naglalaro siya ng candy crush. Sinwipe ko ang pulang candy sa pulang candy at nakabuo ito ng combo. 'Di nagtagal, natapos ko na rin ang pinapagawa niya.

Binigay ko ulit sa kaniya ang telepono. "Qui signore, ho già finito il livello." (Here sir, I already finish the level.)

Ngumiti siya sa akin. "Gratzie, giovanotto. Tu sei il mio angelo," (Thank you, young man. You are my angel.)

"Siete i benvenuti signore," (You're welcome sir.)

Ilang oras ang nakalipas. Nakatulog na ang mga pasahero. Pati si sir Lauronio, nakatulog na rin. Ako rin, naaantok na rin ako. Magpapahinga muna ako kasi mahaba-haba pa ang biyahe.

Ilang sandali lang, dinapuan ako ng antok. Nakakapagod, at kailangan kong magpahinga para 'di ako mukhang haggard sa harapan ni papa. Sa 'di naglaon, unti-unting sumara ang mga mata ko. Buon giorno mondo. (Good night world.)






— —

ShineInNight

Uno AmoreWhere stories live. Discover now