Chapter 24

26 6 0
                                    

Red Box





Kinaumagahan, nandito ako ngayon sa El Dariso para bumili ng ice cream. Kasama ko ngayon sina Herrick at Astrid na nagtatawanan pa. Buti pa sila, masaya. Eh ako dito, na mi-miss na ang pilipinas.

"Hoi, alam mo may kanta si Amasia do'n. Gusto mong marinig?" si Astrid.

Tumingin si Herrick sa akin saglit sabay balik ng paningin kay Astrid "Sige ba."

Siniko ako ng mahina ni Astrid. "Bes, kantahin mo nga 'yong kinakanta mo t'wing umuulan."

I sighed. "Bakit ako na-damay dito? Eh kayo naman ang magka-uusap."

Ngumiwi siya. "Ang kj mo naman, 'wag mo na nga lang 'yang kausapin Herrick. So 'yon na nga..."

Nag-usap sila habang ako dito, nakatingin sa kawalan. Pa'no ba naman, nakaka buwiset 'yong Zazdrick na 'yon. Pumasok ba naman sa kwarto ko at tinuloy 'yong binabalak niya. Buti na lang marunong akong sumipa.

Lumipas ang ilang minuto, napansin ni Herrick ang pagiging tahimik ko. Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Naaamoy ko na naman ang pabango niya.

"Hey, are you okay?"

I sighed. "I'm fine."

Ayokong mag-alala sila sa akin. Pumunta ako dito para magtrabaho, at alam kong 'pag nalaman ni Herrick na nalulungkot ako dito. Tiyak, isasama niya ako sa pilipinas at 'di na pababalikin dito.

"Sigurado ka? Don't lie with me. I'm your bestfriend for pete's sake, Amasia."

Huminga ako ng malalim. "I'm fine, you don't need to worry about me, Herrick."

Hindi rin naman siya tumutol sa sinabi ko. Masayang kumakain ang dalawa ng ice cream. Habang ako, tulala na naman. Tumawag kasi si mama sa 'kin kanina lang. kailangan daw naming bayaran ang utang namin kay aleng Nina.

Naka-uwi na ako, hinatid ako ni Herrick. Nakita ko pa nga pagpasok ko si SIR Zazdrick na nakadungaw sa hagdan. Kinindatan niya ako pero 'di ko siya pinansin.

Napa buntong hininga akong umupo sa kama ko. Hindi alam kung ano ang gagawin. Paano ko babayaran 'yong halaga na 'yon? Eh 'di hamak na domestic helper lang naman ako dito. Three-hundred-thousand is not a joke, malaking halaga 'yon lalong-lalo na sa kagaya naming mahirap.

Napa-takip ako sa mukha ko nang mapagtantong napaka laki ng utang namin kay aleng Nina. Kung hindi lang sana nawalan ng trabaho si nanay baka hindi pa 'yon tumubo ng gano'n ka-laking halaga.

Tumayo ako at naglakad papuntang pinto. Nang buksan ko ito, napa-talon ako nang makita ko si SIR Zazdrick. Ano na naman ang ginagawa niya dito? Sa isip ko.

Tinignan niya ako. "Hi."

Hindi ko siya sinagot sa halip isasara ko na sana ang pinto nang pigilan niya ito. Hindi ko kaya ang lakas niya. Dulot ng iritasyon, umupo na lang ako sa kama sabay halukipkip.

Pumasok naman ang walang hiya na naka ngisi pa. Hindi ko ikakaila na gwapo talaga siya pero... kahit na mala adonis pa ang mukha niya hindi ko pa rin siya gusto.

Naglakad siya papunta sa gawi ko sabay pamulsa. "Bakit ayaw mo akong kauspin?"

Hindi ako sumagot, sa halip ibinaling ko ang paningin sa may bintana. Manigas ka diyan. Sa loob-loob ko.

Umupo siya sa tabi ko sabay akbay sa akin. Sa pagdampi ng braso niya sa likod ko, parang may naramdaman akong kuryente. Bakit ko naramdaman 'yon? Sa isip ko.

Inalis ko ang kamay niya sa likod ko. Hindi rin naman siya nagreklamo. Anong ibig sabihin no'n? Bakit parang may boltahe sa presensiya niya na 'di ko mapaliwanag.

"Can you please... leave me alone," mahina ngunit may halong iritasyon.

He sighed. "Bakit ba ayaw mo sa 'kin? Buti pa 'yong kapatid ko kinakausap mo. Ano bang meron sa kanila na wala ako?"

Hinarap ko siya ngunit sa 'di inaasahan, dumampi ang labi ko sa labi niya. Mabilis akong umiwas ng tingin. Ah!!

Tumayo ako sabay labas ng silid. Hindi ako makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. Nagkahalikan ba talaga kami? Umiling ako. No! Hindi 'yon maaari. Erase-erase. Mabilis akong naglakad para 'di niya ako maaabutan pero too bad kasi ang laki ng hakbang niya.

"Amasia," malambing niyang tawag sa akin.

Hindi ako lumingon, nag-patuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakalabas na ako ng mansion. Pumunta ako sa isang hut sabay tago. Sakto naman ang pagpasok ko kasi 'yon rin naman ang paglabas niya.

Nakatago na ako ngayon sa isang lumang cabinet. Nakita ko siyang papunta sa gawi ko. Sinara ko ang cabinet para 'di niya ako makita. Mahirap na baka kung ano na naman ang gawin niya sa 'kin.

Bumukas ang pintuan at narinig kong pumasok si Zazdrick. Napaka-sikip ng tinataguan ko pero bahala na, kaysa naman sa walang pagtaguan.

"I love you so much, ngit. Sana naririnig mo ako ngayon."

Parang biglang nag flashback sa 'kin nang sabihin niya 'yong salitang iyon. Bakit niya alam 'yon? Sa isip ko.

"Ngit, alam mo... gusto ko talagang dalhin ka dito at ipakilala kay papà kaso may nangyari sa 'yo eh. Alam kong naririnig mo ako, ngit. Kung nasaan ka man ngayon. Nawa'y patnubayan ka ng panginoon. Mahal na mahal kita."

Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, lumbas siya at naglakad palayo. Binuksan ko ng kaunti ang cabinet at nakita ko siyang naglalakad papasok ng mansion.

Lumabas ako ng cabinet at natigilan nang maalala ko ang sinabi niya. Bakit parang pamilyar sa 'kin 'yong tawagan na 'yon? Bakit parang may naalala ako nang sinambit niya iyon? Sa isip ko.

Naglalakad ako ngayon papasok sa kwarto ko. Hindi ko pa rin makalimutan 'yong mga binitawan niyang salita saka siya lumabas ng hut. Umupo ako sa kama ko nang mapagtantong may isang pulang box sa kama ko. Ano 'yon? Sa isip ko.

Kinuha ko ito. Ano kaya ito? At sinong naglagay nito dito? Sa isip ko. Hindi ko na pinatagal ang panghuhula sa isipan ko. Binuksan ko ito at laking pagtataka ko nang may kahon na naman sa loob nito.

Binuksan ko ulit pero hayun pa rin, may kahon na naman sa loob. Pinagti-tripan ba ako ng nagbigay nito? Sa loob-loob ko. Binuksan ko ulit ito at as expected meron na namang kahon. Ano ba 'to, unwrapping? Kainis.

Nang lumiit na ang kahon. Pumikit ako at dahan-dahang binuksan ang kahon at napatalon ako sa gulat nang bumungad sa 'kin ang isang diamond ring. S-Sinong... nagbigay nito sa 'kin? Sa loob-loob ko.

Kinuha ko ang singsing pero parang may napansin akong may isang papel sa loob nito. Kinuha ko ito at binasa.

Alagaan mo 'yan, kagaya ng pag-alaga ko sa 'yo.

— Italy

Sino ka ba? Bakit mo 'to ginagawa sa akin? Sa loob-loob ko.






— —

ShineInNightt

Uno AmoreWhere stories live. Discover now