Chapter 38

21 4 0
                                    

Scoundrel






Sinundan ko si Astrid sa restroom. Alam kong hindi niya matanggap ang sinabi ni Herrick. Ito naman kasing si Herrick oh. Ang lakas magbigay ng motibo pero paaasahin niya rin naman pala.

Pagkapasok ko, nakita ko si Astrid na naka tayo sa salamin. In-lock ko ang pinto para walang makapasok. Lumapit ako sa kaniya.

"Hoi... okay ka lang ba? Are you crying?"

She wiped her tears. "Wala 'to, napuwing lang."

"Alam kong nasaktan ka sa sinabi ni Herrick. Pero 'wag kang mag-alala akong bahala sa 'yo. Ipaglalaban kita sa lalaking 'yon. Ano gusto mong gawin ko sa kaniya?"

Tumawa siya. "Sira, eh mas malaki pa nga 'yong loko na 'yon sa 'yo eh."

I'm glad that she's reviving now. Hindi ko kaya kung magtagal pa 'tong ganito siya. Matagal kaming magkaibigan ni Herrick pero hindi ko maatim ang ginawa niya kay Astrid.

Oo, alam kong normal lang sa kaniya 'yong mga ginagawa niya pero for heavens sake, pumapaasa siya ng tao.

"Just kidding, pinapatawa lang talaga kita. Kasi tignan mo ang sarili mo oh. Halatang nasaktan ka sa sinabi no'ng hinayupak na 'yon."

Ngumiti siya pero alam kong pilit iyon. Kahit 'di niya aminin, alam ko na kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

"Trust me. You'll be okay."

Matapos ang nakakainis na tagpo kanina do'n sa isang fastfood chain. Naka-uwi na ako sa mansion. Pagkapasok ko sa loob naabutan kong naghahalikan si Zazdrick at 'yong hindi kagandahan niyang fianceè.

Natigilan si Zazdrick sa ginagawa nila. Tumingin naman sa 'kin 'yong babae. Ano bang nakita ni Zazdrick dito? Eh 'di hamak na mas maganda naman ako dito. Sa loob-loob ko.

"Pasensiya po sa abala." Nag bow ako at naglakad papunta sa kwarto ko.

Sa lahat ba naman ng makikita ko ngayon, 'yon pa. Napasabunot ako sa aking mala alon na buhok nang sumagi sa isipan ko 'yong nakita ko kanina. Erase-Erase.

Hahakbang na sana ako papasok sa kwarto ko nang may humawak sa braso ko. Tinignan ko ang kamay nito hanggang sa unti-untimg umangat ang tingin ko at nakita ko ang mala adonis na mukha ni sir Stanford.

"Can we talk?" tinaasan niya ako ng isang kilay sabay ngiti.

Tumango ako. "S-Sure sir."

Ngumiti siya sa akin. "Thank you."

Ngumiti ako sa kaniya. "Sige po, magbibihis lang po muna ako."

Hahakbang sana ako papasok sa loob ng aking silid nang hinila niya ako at nagulat ako sa susunod na nangyari. Our lips collide at hindi ko alam kung bakit niya 'to ginawa. Mulat na mulat ang mga mata ko habang tinignan siyang naka pikit.

Sa 'di inaasahan, nagulat ako nang may sumuntok kay sir Stanford. Nang tingnan ko ito, nakita ko si Zazdrick na nag-aalab na sa galit. Ano bang ginagawa niya sa kapatid niya? Sa isip ko.

Bumangon si sir Stanford at hinarap ang kapatid. "Sa tingin mo ba, may magbabago kahit sinuntok mo ako?"

Hindi sumagot si Zazdrick sa halip umiwas ito ng tingin. Na realize niya siguro ang ginawa niya.

"I'm asking you, FRATELLO."

Hinarap ni Zazdrick ang kapatid at nakipagtaasan ng tingin. Palagi na lang talaga silang nag-aaway. Wala sigurong buwan na 'di sila nag-aaway.

"Wala kang karapatang halikan siya."

"Ikaw ba, may karapatan sa kaniya?"

"Puwede ba kuya, tigilan mo na 'to. 'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Stop this, okay? Wala ka rin namang mapapala 'pag pintuloy mo 'to."

Tumawa ng peke si sir Stanford. "Ikaw ba, may mapapala ka kay Amasia? 'Di mo nga sinabi sa kaniyang may fianceè ka na pala.  Linoko mo kami Zazdrick."

"Ilang beses ko bang sabihin sa 'yo na 'di ko siya gusto? Gusto mo ba ulit-ulitin ko hanggang mapasok diyan sa maliit mong utak na hindi kami. Hindi ko siya fianceè. This is just a setup to me."

Pumalakpak si sir Stanford. "Wow, paano mo kami mapapaniwala, kung nakita ko siyang may singsing sa kamay. I'd ask her at sabi niya nag propose ka daw. Kailan ka ba titigil sa pang-iikot sa amin, ha?"

"HINDI KO NGA SIYA FIANCEÈ. Maniwala naman kayo for once. Bakit ba hindi ka naniniwala sa akin, kuya? Ganiyan na ba ka babaw ang tingin mo sa akin? Kung tutuusin, ako ang may karapatang sumumbat dito kasi inagaw mo ang pagmamay-ari ko. Gusto mo isa-isahin ko pa?"

Yumuko si sir Stanford. "Let's not talk about it. The issue here is... you. You gave motive to Amasia but later on we found out that you have a fianceè."

Pumikit si Zazdrick dulot ng iritasyon. "HINDI KO NGA FIANCÉE SI CARA. Bakit ba 'di niyo naiintindihan 'yon? Bakit ba hindi kayo naniniwala sa akin? Gano'n ba ako kasinungaling para 'di niyo paniwalaan. Naiinis na ako kasi alam kong ako ang dehado dito. Someone trapped me in this. Hindi ko ginusto 'to. Makinig naman kayo."

Naglakad ako palayo sa kanila. Tinawag ako ko sir Stanford pero 'di ko siya nilingon. Ayokong makitang gano'n sila sa isa't isa. Para silang hindi magkapatid.

Umupo ako sa isang sun lounger nang may biglang humawak sa kamay ko. Nang tignan ko ito, nakita ko na naman ang kinaiinisan ko. Ano bang kailangan niya sa akin? Sa isip ko.

"You have no right to sit here. Para lang 'to sa mga maga-ganda at hindi ka kasali do'n. You're just a poor slave here."

"Uhm... sorry ma'am. I don't talk to someone that can't reach my level. I'm not that low class." Humakbang ako nang hinila niya ang buhok ko.

Nakaramdam ako ng sakit sa ginawa niyang 'yon. Humarap ako sa kaniya sabay sampal sa mukha niya. Akala niya, susukuan ko siya? In her wet dreams!

"Anong karapatan mong sampalin ako? Walang hiya ka." Sinampal niya ako nang pagkalakas-lakas.

Hindi ako nagpatinag, sinampal ko siya ng dalawang beses sa magkabilang pisngi niya. Nakita kong pumula ang pisngi niya pero wala akong pakialam.

"How dare you slapped my gorgeous face," galit kong sabi.

Tinignan niya ako ng masama at may balak siyang sampalin ako ulit, pero nahawakan ko ang kamay niya at saka siya tinulak sa pool. She deserves that spot. Tinalikuran ko siya at naglakad  palayo nang sumigaw siya sa akin.

"Tulungan mo ako. Maawa ka naman sa 'kin. Hindi ako marunong lumangoy."

Sa ayaw at gusto ko, dinala ako ng mga paa ko pabalik sa gawi ng pool. Naka taas ang kamay niya at naghihintay ng hihila sa kaniya. Huminga ako ng malalim saka kinuha ang kamay niya.

Ngumisi siya at 'di ko inasahan ang susunod na nangyari. Hinila niya ako at nahulog ako sa pool. Habang siya naka-ahon na. Lumingon siya sa akin.

Ngumisi siya. "Uto-uto."

Tinalikuran niya ako at naglakad papasok sa loob ng mansion. Ah! Hindi pa naman ako marunong lumangoy. That scoundrel. Humanda siya sa 'kin 'pag naka ahon ako dito.

"TULONG..." sigaw ko.






— —

ShineInNightt

Uno AmoreWhere stories live. Discover now