Chapter 16

31 6 0
                                    

Chapter 16
Danger







Amasia's P.O.V.






Nasa office ako ngayon at mag gagabi na. Hindi pa kasi ako tapos sa pinapagawa ni Sabrina sa akin. Pasalamat talaga siya dahil mataas 'yong posisyon niya kaysa sa 'kin.

"Bes, mauna na ako sa 'yo ha," si Astrid.

"'Wag mo naman akong iwan dito oh. Please... Astrid, dito ka muna oh," I begged.

"Pasensiya ka na talaga bes, birthday kasi ng kapatid ko eh. 'Di bale, babawi ako sa 'yo bukas." Nagbeso siya sa akin.

Pagkatapos, tumakbo siya palabas ng building. Ano ba yan, mag-isa na naman ako. Tinapos ko ang mga pinapagawa ni Sabrina. Kainis talaga 'yong babaeng yon, hindi ko alam kung galit ba siya sa 'kin o sadiyang iniinis niya lang talaga ako.

Pagkatapos kong magawa lahat ng pinapagawa ng Sabrina na 'yon. Kinuha ko 'yong bag ko sabay labas ng building. Si Herick, nandoon sa office niya. Alangan namang iistorbohin ko siya, baka busy 'yon.

Pagkalabas ko ng building may napansin akong itim na motor pero walang sakay. Naka park lang ito sa gilid ng building. Nagsimula na akong magduda.

Nakatayo ako ngayon sa 'di kalayuan ng building, naghihintay ng taxi. Ilang saglit lang may dumating taxi. Pinara ko ito sabay pumunta sa gawi nito. Pagkahinto ng taxi, mabilis akong pumasok sa loob.

"Manong sa Guillermo Residence po."

Hindi ito sumagot bagkus tumango lang ito. Hindi ko na lang siya pinansin. Tumingin ako sa rear mirror at nakita kong wala na 'yong motor.

Habang tumatakbo ang sasakyan napansin ko kay manong tumitingin siya sa 'kin. Hindi naman sa nanghuhusga ako pero para kasing may itim na balak siya sa akin eh.

Maya-maya, nagulat ako dahil iniliko niya ito sa masukal na daan. Hindi naman dito 'yong daan ah. Sa isip ko.

"Manong, hindi po dito 'yong daan," sabi ko.

Ang kinakagulat ko lang ay hindi ito sumagot bagkus nagsuot ito ng mask. Maya-maya, may kinuha siyang bottle spray. Inispray niya ito sa aircon.

Pinagtataka ko ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Nang mapansin kong nahihilo na ako, tinakpan ko ang ilong ko ng panyo. Buti may panyo ako.

"Bakit ka tumatakip miss?" tanong ni manong.

Sa tansiya ko nasa mid 30's pa lang siya. May tattoo siya sa kanan niyang braso at may hikaw siya sa kanang tenga niya. Maya-maya, hininto niya ang sasakyan sa gilid ng daan.

Tumingin siya sa akin. Hinubad niya 'yong mask niya. Sa totoo lang, 'di naman siya mukhang rapist eh kasi gwapo ito. Nagawa ko pa talagang puriin 'yong tao.

"Miss, puwede bang malaman ang pangalan mo?"

Hindi ako sumagot. Pero hindi ko inasahan ang susunod niyang ginawa. Hinubad niya 'yong upper clothes niya. Kung haliparot ako baka kung ano nang ginawa ko sa kaniya pero dahil hindi ako gano'n. Umiwas ako ng tingin.

Oo na, may abs na siya. Makisig ang pangangatawan nito at ang tangos ng ilong pero mas matangos pa rin 'yong sa lalaking palaging naghahanap sa akin.

"Look at me miss," otas niya.

Hindi ko pa rin siya tinignan. Ayokong tumingin sa isang kagaya niyang manyak. Sayang 'yong mukha niya.

Hinawakan niya ang mukha ko. "Napaka ganda mo talaga miss. Maaari ba kitang halikan?"

Hinawi ko ang kamay niya. "Ano ba kuya!"

Bubuksan ko sana ang pinto nang pinigilan niya ako. Nakita kong unti-unti niyang tinanggal ang sinturon niya. Shit, ayokong magahasa.

"Miss, hindi mo ba gusto 'to? Hindi mo ba gustong tikman 'yong akin? 'Yong katawan ko?" Kinagat niya 'yong ibabang labi niya.

Hinawi ko ulit ang kamay niya. "Kuya, wala po akong oras para dito. Naghihintay po 'yong mga mga magulang ko sa 'kin. Kaya please... parang awa mo na, pauwiin mo na ako."

Hindi siya sumagot bagkus nagulat ako nang inakbayan niya ako. Naaamoy ko ang pabango niya. Bakit parang siya lang 'yong rapist na ma hi-hypnotize ka sa mga titig niya.

"Miss, alam ko namang mag-eenjoy ka rin pagkatapos dito."

Umiwas ako ng tingin. Tumingin ako sa labas ng bintana. Paano ako makakatakas nito? Ayoko pang ma rape. Naisip kong buksan 'yong windshield. Pagkabukas ng windshield, sumigaw ako.

"TULONG... TULONG."

Narinig kong tumawa siya. Anong nakakatawa? Gumagamit ba 'to ng drugs? Hindi naman imposible 'yon. Sa isip ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa sa batok ko.

"Miss, walang makakarinig sa 'tin dito. 'Wag kang mag-alala, 'di rin naman kita papatayin eh. Basta pagkatapos nito, sa akin ka na. Boyfriend mo na ako. Pero kung ayaw mo, eh 'di goodbye world ka na lang." Hinalikan niya ang batok ko sabay tawa.

Hinarap ko siya. "Bakit mo ba ginagawa 'to kuya? Oo, alam kong gumagamit ka ng drugs pero kuya naman. Magbago ka na habang maaga pa. 'Wag mong hahayaang maging bula ang mga pangarap mo. Kuya, nararamdaman kong mabait kang tao. Alam kong magiging maganda ehemplo ka sa kanila kaya please... ihatid mo na ako oh."

Tumawa ulit siya. "Miss naman, alam ko namang mabait ka pero 'wag mo naman akong igaya. Good influence ka masyado eh. Ano naman kung ito ang gusto ko? May magagawa ka?"

Hindi ako sumagot.

"At saka miss, ito ang gusto ko eh. Gusto ko ang mang tira eh, anong magagawa mo? Ito lang ang kasiyahan ko," dagdag niya.

I sighed. "Kuya, lust is not a solution for your problem nor for fun. Hindi kasiyahan ang nang ri-rape ng mga walang kalaban-labang tao. Hindi nila deserve ang mga pinaggagawa mo,"

Natahimik siya sa mga sinabi ko. Mukhang natauhan. Totoo naman kasi 'yong sinabi ko. Hindi naman talaga kasiyahan ang mang gahasa ng tao.

"Try to think your mother. Your mother is a female creature at alam kong mahal na mahal mo siya. If you're doing this just for fun then you didn't reapect or even love your mother," dagdag ko.

Natulala siya sa mga sinabi ko. Na realize niya sigurong mali siya. Kialan may hindi naging tama ang mali. Napasabunot siya sa buhok niya.

"Tama na! Ayoko ng marinig ang mga sinasabi mo. Oo, na! Wala na akong respeto pero may magagawa ka ba? Ito ang gusto ko at walang makakapigil sa 'kin dito." Hinalikan niya ang leeg ko.

Palihim kong binuksan ang pintuan. Pagkabukas ko, siniko ko siya sabay sipa sa sa kaniya. Mabilis akong lumabas ng taxi. Pagkalabas ko, tatakbo na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso. Hinubad niya na ang jeans niya, tanging boxer brief na lang ang natitira sa kaniya.

Hahalikan niya sana ako nang may biglang motor na dumating at huminto sa tapat namin. Mabilis na bumaba ang rider sabay suntok sa lalaki.

"Hindi mo gugustuhing mamatay ngayon."

May inalabas ang lalaki na nakapag laki ng mata ng lalaki. Mabilis na pumasok sa taxi ang lalaki sabay harurot nito. Pagka-alis no'ng lalaki, hinarap niya ako.

"Okay ka lang?"







— —

ShineInNightt

Uno AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon