Chapter 8

43 8 0
                                    

Italy






Lumipas ang labing-dalawang oras. Nakarating na rin kami sa Italia. Sobrang convenient ko sa lugar na ito. Siguro, dahil dito ako pinanganak. Naunang naglakad si Stella habang hila-hila niya ang holdall niya. Nakakainis talaga 'tong babaeng 'to.

"Hoi, Stella hintayin mo naman ako," sigaw ko.

Pero ang kinainis ko, naglakad siya ng mabilis palabas ng airport. Napa buntong hininga na lang ako sa ginawa ng babaeng 'yon.

"Benvenutto Italia," rinig ko sa speaker. (Welcome to Italy.)

Nakalabas na kami ni Stella sa loob ng airport at nandito na kami sa labas, hinihintay namin ang magsusundo sa amin.

"Matagal pa ba 'yong magsusundo sa atin Zazdrick?" naiinip niyang tanong.

Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung sino ang magsusundo sa amin basta ang sabi ni papa sa akin kanina pagkababa namin. May magsusundo sa 'min.

Maya-maya, may nakita akong puting volkswagen na huminto sa tapat namin. Bumaba ang isang mid-40's na lalaki at pumunta sa gawi namin.

"Are you Zazdrick? The son of Don. Favino?" tanong ng lalaki sa akin.

Tumango ako. " tu veramente."

Ngumisi ang lalaki. "Get inside signore. I'll bring you to your father,"

Pumasok ako sa loob ng kotse. Kinuha naman ng lalaki ang holdall ni Stella at inilagay sa baggage. Nakita ko si Stella na todo sa kaka-selfie. Kahit kailan napaka laki ng pagkaiba ni Stella kay Amasia. Pumasok na rin siya nang matalim ko siyang tinitigan.

Tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa mansion ni papa. Hindi nagtagal huminto ang kotse sa tapat ng isang napakalaking gate. Automatiko itong bumukas. Umandar ulit ang kotse at huminto sa isang napakalaking bahay.

"We're here signore," sabi niya.

Tumango ako. Bumaba kami ni Stella sa sasakyan. Kinuha naman niya ang holdall niya sa baggage. Iniwan ko siya at naglakad papasok sa loob ng manor ni papa.

Pagkabukas ko sa pintuan, bumungad si dad sa 'kin. I miss my dad. Ngayon na lang ulit ako nakabalik.

"Mio figlio." Niyakap ako ni papa.
(My son.)

Niyakap ko rin siya. "Mi manchi, papà."
(I miss you, papa.)

Bumitaw siya sabay tingin sa akin. "Mi manchi così tanto, figlio."
(I miss you so much, son.)

Ngumiti ako. "Mi anche papà,"
(Me too papa.)

Hinawakan ni papa ang mukha ko. "Sei cosi bello, figlio. Sembri maturo ora." (You're so handsome, son. You look mature now.)

Ngumiti ako. "Gratzie papà. Anche tu. Sembri ancora un papà ventina," (Thank you papa. You too. You still look 20's papa.)

Tumawa ng mahina si papa. Matagal-tagal ko na ring 'di nakikitang tuamatawa si papa ng ganito. I love my father the way he loves me with all his heart.

Matapos kaming magyakapan ni papa, dinala niya ako sa kwarto no'ng bata pa lang ako. I saw my portraits since when I'm infant until when I become matured and handsome. Nakaka miss ang mga panahon na naglalaro lang ako sa labas ng bahay habang hinahabol ako ni manang Fanche.

"Ti recordi qualcosa?" si papa.
(You remember something?)

Ngumiti ako sabay tango. "Si papà. Ricordo la nostra cameriera, Fanche. A proposito, è lei adesso?" (Yes papa. I remember our housemaid, Fanche. By the way, where is she now?)

Uno AmoreDove le storie prendono vita. Scoprilo ora