Chapter 13

29 6 0
                                    

Surprise







Zazdrick's P.O.V.






Nagulat ako nang biglang pumasok si Stella sa kawarto ko. Bumangon akos sa gulat. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Sa isip ko.

"What are you doing here?"

She rolled her eyes and then she sit on my bed. "Hay nako, 'di ba sabi mo mag a-ice cream tayo ngayon?"

Napahawak ako sa sentido ko. "Oo nga pala, sorry nakalimutan ko."

"So pa'no? Tara?" pag-aaya niya.

Ngumiwi ako saka bumaba sa kama ko. Naglakad ako papunta sa banyo para mag hilamos. Topless kasi ako, ayaw pa naman ni Amasia na may makakita sa katawan ko pero wala na, nakita na ni Stell ang katawan ko.

"Bilisan mo naman Zazdrick. Gosh," reklamo niya.

Kahit kailan napaka arte niya. Ngayon pala 'yong sinabi ko kay Daken na ipagkita ko sila sa isang shop. Sana 'di magalit si Stella sa akin. Iba pa naman magalit 'yang babaeng 'yan. Sabi ni Daken sa 'kin, 'di totoo 'yong nakita ni Stella.

Sinabihan ko naman siya eh na 'di 'yong totoo pero ayaw pa rin maniwala. Mas inuna pa ang instincts kaysa paniwalaan ang boyfriend niya.

Iyamot akong lumabas ng banyo. Pa'no ba naman kasi, pina madali niya ako. Hindi pa naman ako tapos maghilamos. Kainis naman 'tong babaeng 'to. Masaya pa ako kung si Amasia ang nandito.

"Tapos ka na?" naiinip niyang tanong.

Hinarap ko siya. "'Di uso maghintay, Stella?"

Mabilis akong nagbihis para 'di na siya magreklamo. Napaka mainipin talaga ng babaeng 'to. Matapos kong maisuot ang ang T-shirt ko, pumunta ako sa gawi niya.

"Tapos na po ako mahal na prinsesa," pang-aasar ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Are you teasing me?"

Hindi ko siya sinagot. Naglakad na lang ako palabas ng kwarto. Napaka suplada talaga ng babaeng 'yon. Narinig ko siyang sumigaw pero 'di ko na pinansin.

"Zazdrick, hey!" sigaw niya ulit.

Pababa na ako ng hagdan ngayon at siya naman nakasunod sa kin. Naririndi na nga ako sa ingay niya eh. Hindi magawang tumahimik kahit konting sandali man lang.

Pagkababa ko, lumabas akong bahay. Nakita ko pa si Mr. Fario pagkalabas ko. Hahakbang sana ako nang biglang bumukas ang pinto at narinig ko na lang na may sumigaw.

"Zazdrick," sigaw ni Stella.

Lumingon ako sa kaniya. "What?"

"Why you're ignoring me? Alam ko ba, nagbihis talaga ako para dito, tapos 'di mo man lang ako papansinin." Humalukipkip siya.

Pinagbihis ko kasi siya kanina kasi nga magkikita sila ni Daken. Nako, kung 'di lang dahil sa kaibigan ko baka pina-uwi ko na 'to si Stella. Okay naman si Stella, mabait naman siya kaso maarte lang talaga.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Bakit mo pa ako pinagbihis ng ganito? Are we going on a date?" tanong niya sabay ngiti.

Hinarap ko siya. "Of course not."

Kumunot ang noo niya. "Then why you want me to dressed like this?"

"Basta," kinindatan ko siya.

Uno AmoreWhere stories live. Discover now