Chapter 27

21 5 0
                                    

I love you




Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ko rin alam kung bakit. Wala akong tulog kagabi, iniisip ang mga problema. Hindi ko pa natatanong kay mama kung kamusta na si papa kasi maaga pa at alam kong natutulog pa sila.

Bumaba ako at pumuntang kitchen para uminom ng gatas. Kumpleto naman ang needs ko sa kwarto ko pero hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa kusina. Pagkapasok ko, naglakad ako ng diretso patungo sa fridge.

Kumuha ako ng isang fresh milk at tumungo sa 'di kalayuan para kumuha ng baso. Naglakad ako papunta sa isang stool sabay upo. Nagsalin ako ng gatas pero hindi ko napansing hindi pala naka sentro iyon. Kaya ayun, nakalat sa table.

Napatalon ako nang may nagsalita malapit sa akin. Nang lingonin ko ito, nakita ko si SIR Zazdrick. Naka upo siya sa tabi ko.

"Ano bang gumugulo sa isip mo? Ba't parang ang lutang mo?"

Hindi ako sumagot sa halip tumayo ako at hahakbang na sana nang hawakan niya ang braso ko. Hinawi ko ito pero sadiyang napakalakas niya. Sa iritasyon ko, umupo ako sa tapat niya.

"Ano ba kasi 'yong problema mo? C'mon, you can share with me. I'm willing to listen."

I sighed. "Wala po, may iniisip lang."

"Kilala ki— ko ang isang tao kung nagsasabi ito ng totoo o hindi. But base on your expression right now, you're lying."

"Fine, yong papa ko... naaksidente."

Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kaniya iyon pero alam ko namang seryoso siyang nakikinig sa akin.

Yumuko siya. "Sorry to heard that."

"No... it's okay. Kailangan ko rin naman tong ilabas para gumaan ang loob ko."

Tinignan niya ako sa mata. "Anong gusto mo? Uuwi tayo—ka? Sasamahan kita."

Ngumiti ako sa kaniya. "'Wag na po sir, nakakahiya."

Ngumiti siya sa 'kin. "I insist."

Matapos kaming mag-usap ni sir Zazdrick, bumalik ako sa silid ko. Sinabi ni sir Zazdrick sa 'kin na uuwi kaming pilipinas bukas. Ayoko nga sana kasi marami pa akong gagawin dito sa mansion pero nagpumilit siya kaya tinaggap ko na lang.

Sumikat ang araw pero ako'y nakahiga pa rin. Ang aga ko kasing nagising kanina. Kaya ito ako ngayon, naantok pa. Napa bangon ako nang may kumatok sa pinto. Humikab ako at naglakad papunta sa pinto sabay bukas.

"Hi, Amasia," sabay pa nilang sabi.

Nasa harap ko ngayon sina sir Zazdrick at sir Stanford na parehong topless. May dala silang bento box na may lamang mga ulam at iba pa.

"Ano po ang atin mga sir?"

"Have you breakfast already?" sabay nilang tanong.

"Tsk." Umiwas ng tingin si sir Zazdrick.

"Amasia, kung hindi ka pa nagbreakfast. Ito oh." Pinakita niya ang dala niya sa akin.

May binulong-bulong si sir Zazdrick pero 'di ko narinig. Pa'no ba naman, magka-away kasi sila ng kuya niya. I wonder kung kailan sila mag-aayos.

"'Wag 'yan, ito Amasia oh. It's less carbohydrates and it can makes you fit but healthy."

"Ano 'yan? Bread and milk? Tsk."

Tinignan ni sir Zazdrick si sir Stanford. "Eh kaysa naman sa dala mo, it can makes her fat and I don't fricking like it."

"Palibhasa, hindi ka nag ge-gym kaya ganiyan ang kinakain mo."

Mukhang may balak silang magtatag ng world war three ah. Huminga ako ng malalim saka hinarap silang dalawa na 'di nagtitinginan.

"Mga sir, salamat po sa pag-aalala, pero busog pa kasi ako eh. Uminom kasi ako ng gatas kanina sa baba."

"Ah, okay. Take a rest, don't irk yourself."

Huminga ng malalim si sir Zazdrick. "Busog ka pa ba talaga? Dahil ba do'n sa gatas ko?"

Biglang namilog ang mata ni sir Stanford sa gulat. Ano bang ibig sabihin niya sa sinabi ni sir Zazdrick?

Humarap siya sa kapatid. "W-What do you mean?"

Tinignan ako ni sir Zazdrick. "He drank my milk."

Umiwas ako ng tingin. Ano bang issue do'n kung ininom ko ang gatas niya? Nasa kitchen kasi kami kaninang madaling araw tapos nag-usap kami pero 'di ko namalayan naubos ko na pala ang gatas niya.

"What's with the milk sir Stanford?" tanong ko.

"What type of milk?" naguguluhan niyang tanong.

Ngumisi si sir Zazdrick. "Gatas ko, ano pa ba?"

Mas lalong namilog ang mata ni sir Stanford sa gulat. Hindi ko nga alam kung may lahi ba siyang tarsier.

"G-Gatas mo? What the F—"

"What he mean is 'yong gatas niya ininom ko kasi 'di ko naman kasi namalayang sa kaniya 'yon, dahil marami akong iniisip," sabad ko.

Tumango si sir Stanford. "Ah, akala ko kung ano na. Alright, take some rest honey."

Kinindatan ako ni sir Stanford sabay talikod at naglakad palayo sa amin ni sir Zazdrick.

"Kahit kailan napaka, panira niya," reklamo ni sir Zazdrick.

Huminga ako ng malalim. "Sir, gusto ko lang magpasalamat sa nga sinabi mo sa akin. Thank you, kasi gumaan 'yong loob ko. At saka 'yong sinabi mo... seryoso ka ba do'n?"

Tumango siya. "Oo naman, why? You're not trusting me?"

Umiling ako. "Hindi naman po, pero kasi... sobra na po kasi 'yon eh. At saka hindi pa tapos ang kontrata ko—"

"'Wag mo nang alalahanin 'yon. We will back to the Philippines."

Sa sobrang saya ko, nayakap ko siya. Nagulat siya pero unti-unti kong naramdaman ang mga kamay niyang gumanti sa yakap ko. Maya-maya, himigpit ang yakap niya. Nang matauhan ako, bumitaw ako sa kaniya.

"Pasensiya na po, sadiyang masaya lang po talaga ako."

Tinignan niya ako sa mata. "Anything for you, ngit."

Kumunot ang noo ko. "Po?"

"I mean, Amasia. A-Anything for you. Basta kung may kailangan ka, don't scruple to tell me. I will help you."

Ngumiti ako. "Salamat po ulit."

Isasara ko na sana ang pinto nang pinigilan niya ito. Pumasok siya sa loob ng silid ko at isinandal ako sa pader. Naaamoy ko ang mabangong hininga niya.

"Bakit ka lumalapit sa kapatid ko?"

"P-Po? Bawal po ba?"

Hindi ako makahinga nang dahil sa mga bisig niyang naka kulomg sa akin. Seryoso ang mga titig niya at alam kong seryoso rin ang mga sinasabi niya.

"Ayokong lumalapit ka sa kapatid ko. Hindi mo ba napapansin? May gusto siya sa 'yo? Dati pa."

Nagulat ako sa narinig ko. Si sir Stanford? May gusto sa akin? Parang imposible naman iyon. Sa gwapo niyang iyon, magkakagusto sa akin? Big miracle.

"Ano pong pinagsasabi niyo? Wala po siyang gusto sa akin. Magkaibigan lang po kami."

"Friends? Huh?"

"Bakit po ba? Ano bang problema kung lumalapit ako sa kaniya? Eh wala naman kaming ginagawang masama ah. At isa pa, hindi naman tayo para mag selo—"

"May karapatan ako, dahil mahal kita."






— —

ShineInNightt

Uno AmoreWhere stories live. Discover now