Chapter 1

306 9 3
                                    



Jaki's PoV

Maagang pumasok sa trabaho ko dahil baka sa susunod na araw, matanggal na ako kasi nga sunod-sunod yung pagpasok ko ng late. Eh yung Boss ko, sobrang masungit pa naman, parang hindi pinapakain ng tatlong beses sa isang araw

Buti na lang, mababait ang mga ka-trabaho ko at ang Assistant Boss namin

Nakapasok na nga ako sa trabaho ko at natagpuan ko si Ate Madc at si Kid, yung dalawa kong kasama na ang aga-aga lagi pumapasok

"Oh akala namin, male-late ka na naman eh" sabi ni Ate Madc

"Oo nga Jaki, ano naman ang inspirasyon para maging maaga sa pagpasok?" tanong naman ni Kid

"Wala. Ayaw ko rin namang matanggal sa trabaho" sagot ko naman

Ilang sandali pa ay nagsimula na nga kaming mag-arrange ng mga Bulaklak. Baka kasi biglang dumating yung Boss namin

"Magandang umaga po Ma'am, ano pong order nila?" tanong ni Kid

"Ah meron ba kayong Carnations?" tanong ng unang customer namin ngayong araw

"Ah Ma'am pumasok po kayo para makapili kayo ng Bulaklak na gagawin namin" sabi ko naman

Nagkibit-balikat naman ang customer namin bago siya pumasok

Ilang sandali pa ay nakapili na siya ng ilang pirasong Carnations para i-arrange namin

"That flower is for my Mom's death anniversary. Pa-ayos na lang at lagyan ng name niya" sabi ng customer namin

"Okay po Ma'am. Ma'am palagay na lang po dito yung name ng Mom mo" sabi naman ni Madc

Ilang sandali pa ay habang nagsusulat ang customer namin ay kami naman ni Kid ang nag-aarrange ng Carnations

"Ah.. Magandang umaga Sir" biglang bati ni Kid sa Boss namin

"Magandang umaga Sir" sabi naman ni Ate Madc

Hindi naman sila pinansin nito kaya hindi na lang din ako bumati. Masyadong snobbero ang Boss namin, akala mo laging may buwanang dalaw

"Hindi man lang ngumiti. Mamalasin tayo nito eh" sabi ko

"Yaan mo na. Hindi ka pa ba sanay kay Boss?" sabi naman ni Kid

"Immune na ako dun Kid, sana man lang ngumiti kahit papaano" sabi ko

"Ma'am ito na po yung Carnations. Ingat po kayo" sabi naman ni Kid sa customer namin

Ilang sandali pa at umalis na nga ang customer namin at sinimulan ulit ang kwentuhan

"Hay. Himala na lang siguro kapag ngumiti si Sir" sabi naman ni Kid

"Tama. Yaan niyo na Sir. Baka pinanganak talagang ganun" sabi naman ni Ate Madc

Nagkibit-balikat na lang ako sa kanila at ilang sandali pa ay siyang sunod-sunod na dating ng customer

After mag-order ng mga customer namin ay nagpahinga kami at kumain ng merienda, it's our break time

"Sir merienda tayo" pag-alok na sabi ni Kid

Ngumiti lang naman siya sa amin saka umalis. Parang peke naman yung ngiti, nakakainis

"Huwag mo ng inaalok yan, ayaw namang maki-join sa atin" saad ko

"Ay grabe si Jaki oh. Yaan mo na si Sir" sambit naman ni Ate Madc

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now