Chapter 24

74 8 0
                                    


Jaki's PoV

Ito ang araw ng pagbalik namin sa Manila ng parents ko from Batanes, diba nga naka-leave ako, so I decided na ilaan na lang ang oras na yun na kasama ang parents ko kaya kami nagpunta ng Batanes

We're here on airport pabalik ng Manila. Nasulit ko sobra ang ilang days leave ko. First time ko din kasing makapunta ng Batanes tapos with my parents pa, I pray na makabalik pa rito

"Ma, Pa nag-enjoy po ba kayo? Sorry po ah, wala akong ibang maisip na pangbawi sa inyo" sabi ko

"It's okay Anak, dapat nga kami ang babawi sa iyo. Next time, kami naman mag-aya sa iyo" sagot naman ni Papa

"Thank you po Pa" sabi ko saka ko niyakap si Papa at yumakap din naman si Mama

At ilang sandali pa ay ready na ang lahat and then, lumipad na ang eroplanong sinasakyan namin. Oo nga pala, bago kami nagpunta ng Batanes, nakalipat na kami sa bahay na sinasabi ni Papa at sobrang ganda ng bahay. SKL hahaha






















Vice's PoV

Kahapon ko lang nalaman na naka-leave pala si Jaki at wala akong idea kung nasaan siya sa mga oras na ito. Hay, kakamiss din pala yung babaeng yun

Sana kung maagang nasabi sa akin ni Billy na nasa leave pala si Jaki, edi sana napigilan ko yun pero ayaw ko din, baka kailangan niya talaga ng break sa trabaho

"Cousin, hindi ka man lang ba kikilos? Nami-miss mo yung tao pero nakaupo ka lang dyan" sabi ni Billy

"Anong ibig mong sabihin cousin? Wala nga akong idea kung nasaan siya" sagot ko naman

"Kung puntahan mo kaya siya sa apartment na tinutuluyan niya, malay mo naman andun siya" saad ni Billy

Napaisip naman ako sinabi niya. Pero tama siya, nami-miss ko nga si Jaki

"Sige na, pumunta ka na, ako na muna ang bahala dito" pagtulakang sabi niya sa akin

Kaya naman agad akong lumabas ng office ko at nagtungo sa sasakyan ko saka nagtungo sa apartment na tinutuluyan niya

Nang makarating ako dito ay agad akong nagtawag kung may tao ba dito, nakasara kasi

"Oh hijo, anong kailangan mo?" sabi ng isang babae, pero base sa napansin ko sa kanya mukhang siya ang landlady ng apartment na ito

"Ah si Jaki po, nandito po ba siya? Yung babaeng tumutuloy dito?" sabi ko pa

"Ay naku, pasensya ka na hijo, nahuli ka na, mga dalawang araw ang nakalipas nang magpaalam siya sa akin na lilipat na siya ng bahay. Pasensya ka na" sabi nito

"Ganun po ba? Pero nasabi niya naman po kung saan ang bago niyang nilipatan?" tanong ko

Saglit pa siyang nag-isip at nasabi niya sa akin kung saan ang bagong nilipatan ni Jaki, kaya agad akong nagtungo rito

Sobrang ganda naman pala ng bagong bahay na nilipatan ni Jaki, nasabi din sa akin na nagka-ayos na sila ng parents niya, mabuti naman

"Oh hijo, sino ang hanap nila? Sino sila?" sabi ng isang babae, pero nagbabantay ata ng bahay nila ito

"Andito po ba si Jaki? Ah, ako po ang may-ari ng Floral Shop na pinagtatrabahuhan ni Jaki, Mr. Vice po" sambit ko

"Ay naku, pasensya ka na. Wala siya ee, nagbakasyon siya sa Batanes kasama ang magulang niya. Ngayon ang balik na rito, pero di ko alam kung anong oras sila makakarating" sabi nito sa akin

Talagang sinulit niya pala ang leave niya with her parents. Masaya ako para sa kanya

"Ganun po? Sige ho, maraming salamat" sabi ko naman

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now