Chapter 8

106 10 7
                                    

Vice's PoV

It's the wedding day. Oh, hindi ako yung ikakasal ah, yung customer namin kaya naman we're on the shop pa to packed our stuffs. Syempre hindi lang basta flowers ang service namin, we offer extra services like if you order flowers to my shop, pwede kami yung mag-arrange nito for the special ocassion at yun ang kinuha ng customer namin, si Mr. and Mrs. Viradelo

At dahil nga kasal ang pupuntahan namin today, for the mean time, sarado muna ang shop ko at si Manong na lang muna ang pinagsabihan ko na magtingin dito sa shop

"Sir we're done na po" sabi ni Kid at katatapos nga lang nila mag-ayos ng mga gamit na kakailanganan namin

Tumango ako at nagtungo sa Van na gagamitin namin ni Jaki and speaking of that amazona, huwag niyang sabihin na hindi pa siya tapos sa pag-aayos ng mga flowers

"Huwag kayong magulo habang nasa byahe tayo okay? Ayaw naming mapahiya sa customer namin kasi kasal yun kaya makisama kayo at sana makisama rin yang amo niyo" pangungusap niya sa mga bulaklak

Napatawa naman ako ng mahina ngunit agad ko ring binawi. Ang ganda ng sinabi niya ng umpisa tapos ang ending, mapangit ang kinalabasan

"Ano? Kailan ka pa matatapos dyan? Anong oras na oh?" biglang tanong ko sa kanya

She look a gaze at me pero inarapan lang din ako ng babaitang ito. She didn't say any word at bigla na lang sumakay sa loob ng Van

"Hoy babae, dun ka sa front seat. Anong akala mo sa akin? Driver mo? Lumipat ka dun" utos ko sa kanya

Padabog siyang bumaba ng Van at lumipat ng upuan. Masunurin! Buti naman

Napakamot na lang ako ng ulo saka sumakay na rin sa Van

"Akala ko, buong oras na lang kayong magtatalo dyan eh" rinig kong sabi ni Billy mula sa kabilang Van

"Che! Ang dami mong napupuna. So, mauuna kami, follow us na lang guys" sabi ko

Tumango naman ang loko kasi siya ang magda-drive ng Van niya. Actually itong gamit kong Van, is Van talaga na nilaan ko for the shop. SKL

"Suit your seatbelt" sabi ko pa kay Jaki. Napakamasunurin talaga. Hay thank you talaga

Ayos naman na ang lahat kaya naman we're ready to go tsaka kailangan maaga kaming makarating sa venue. I look at my wrist watch, it's already 5:30 in the morning pero maliwanag na










•••






Timecheck, its 7:00 AM. Sakto lang ang dating namin kasi 9 AM ang start ng wedding. Sobrang peaceful and calm nitong venue

We're here at Villa De Amore, isang resort outside Manila. Sobrang ganda lang. Though dagat na ang tanaw mo dito, bago ka pa makarating sa dagat ay may swimming pool na bubungad sa iyo. Dito ang napiling venue ng customer namin kasi, bukod sa resort ng lalaki ito, ni Mr. Viradelo, maganda naman kasi talaga ang lugar, walang tapon

Kaya nga nung nalaman kong kanila itong resort, sabi ko bakit sa shop ko pa siya umorder ng flowers, kasi may flower shop din malapit dito and lalayo pa ba ako, may garden din ang resort na ito, sagot nito ay why not daw, sobrang dami daw kasi ang nag-oorder sa shop ko and sobrang ganda ng mga reviews

Nilibot muna naming 5 ang kabuuan ng lugar at ilang sandali pa ay nilapitan na kami ng customer namin na ikakasal later

"You're here Mr. Viceral with your Team" sabi ni Mr. Viradelo

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz