Chapter 7

108 10 8
                                    



Vice's PoV

Inagahan ko ngayon ang pagpasok dahil may i-aannounce ako mamaya. Kaya naman last night, tinext ko ang mga kasama ko na agahan ang pagpasok

Pagkarating ko sa shop, alam kong bukas na ito dahil si Manong talaga ang nagbabantay dito

Wala pa ang mga kasama ko kaya naman pumasok muna ako ng office ko at nilapag ang gamit ko saka lumabas dito

Dito na lang kami sa receiving area mag-uusap, saglit naman yun tsaka may unti lang akong sasabihin

Ilang sandali pa ay dumating na si Billy. Alam ko namang, mang-aasar na naman ito

"Aga mo ah. This time, ano naman ang nakain mo, bakit ang aga mo?" bungad na tanong niya sa akin

"Wala ka ng pakialam dun. Buti naman sinunod mo yung sinabi ko" sabi ko habang inaayos ang minis sofa dito sa receiving area

"Syempre, ayaw ko naman yung papagalitan mo ako ano. Pero kapag pinagalitan mo ako, lalaban talaga ako sa iyo. Dyan ka muna, ayusin ko lang itong gamit ko" saad niya sabay alis

"Aba't loko ka talagang Billy ka ah" sabi ko sa sarili ko na lang. Wala naman na si Billy 'ee

"Magandang umaga po Sir" rinig kong bati ni Kid

"Good morning. Ah mamayang lunch pala, treat ko. After nating mag-usap dito, tawagan mo yung lagi nating pinag-oorderan ng food" mahabang sabi ko

"Sige po Sir. Salamat na po agad" sabi naman nito

Tumango na lang ako kay Kid at ilang sandali pa ay bumalik na nga rito si Billy

"Ano bang pag-uusapan natin dito?" tanong niya

"Basta! Mahalaga ito" maikling sagot ko

Nagkibit-balikat lang ang loko. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Madc at ang hinihintay na lang namin para makapag-umpisa na kami ay si Jaki na lang

"Ang tagal naman nung babaitang yun. Huwag niyang sabihing male-late siya ngayon. Aish!" bulong na sabi ko

( Uy si Jaki hinihintay niya. Kalma lang kasi, darating din yun )

Malamang hinihintay ko kasi hindi ako magsisimulang magsalita dito hangga't wala ang babaeng yun

Agad ko namang kinuha ang phone ko para i-check na talagang na-receive niya ang text ko

Nagreply pa nga siya na aagahan niya daw today. Bahagya ko pang tinignan ang oras at 8:30 na ng umaga

"Aish! Bwiset ka talagang babaita ka" bulong kong muli


"Pwede na siguro tayong magstart Viceral kahit wala si Jaki. Andyan naman si Madc para magsabi kay Jaki kung ano yung mga pag-uusapan natin" sabi ni Billy


"No! Hindi pwede. Gusto ko, lahat kayo makarinig nito. Dyan lang kayo, hihintayin ko lang sa labas yung babaitang yun" saad ko sabay labas sa shop


Luminga-linga pa ako baka sakaling binabagalan lang maglakad ng babaeng yun ngunit wala akony nakita ni kahit anino ng babaitang yun


"Aish! Tutuktukan talaga kita Jaki pagdating mo" sabi ko

Ilang minuto pa akong nasa pero wala pa rin siya. Ilang sandali pa ay may narinig akong nagtatawawan, bahagya kong inangat ang ulo ko at natagpuan si Jaki at kasama na naman niya yung lalaking yun pero this time, tatlo na sila. Dalawang girl at isang lalaki


Malay Mo, Tayo Hanggang DuloUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum