Chapter 23

84 10 1
                                    



Jaki's PoV

2 days after ang pangyayaring yun sa amin ni Sir Vice, yung nag-usap at nagka-aminan kami at hanggang ngayon tila ba, hindi na nabura sa isip ko yun. May doubt ng konti akong nararamdaman na, dapat sinabi ko na ba yun? Yun ba yung right time para umamin ako? Pero wala na, nasabi ko na, nung moment na nasabi ko yun, yun ang hindi ko pinagdududahan

Nitong nakalipas na araw, sinimulan niya din na hindi ako kausapin at umiiwas. Hinayaan ko lang naman siya. Kahit na nagtataka na ang mga kasama namin, ay sinasabi ko na lang na, hayaan niyo na siya, kakausapin din ako nyan

Tutal hindi kami nag-uusap, ngayong araw din ay balak kong file muna na ng leave kahit ilang araw lang, nagbabakasali rin ako na kausapin ang parents ko

Ilang sandali pa ay nagtungo ako sa office ni Sir Billy para nga magpasa ng Leave Form

"Oh Jaki, what brings you here?" tanong nito

"Ah Sir, balak ko po sanang magpasa ng Leave Form" sagot ko

"Oh? Anong nangyari?" muling tanong nito

"W-wala naman po Sir. Nais ko lang pong bigyan ng break ang sarili ko" sagot ko

"Hmm, personal reason, sige. Pero alam ba ni Cousin ito?" sambit ni Sir Billy

"Hindi po Sir. Gusto ko rin po kasi, na huwag niyang malaman ang tungkol dito, huwag niyo na lang pong sasabihin ito sa kanya" tugon ko

"I see. Sige sige. If you want, you can go now. Mag-iingat ka kung saan ka man pupunta okay" sabi naman ni Sir Billy

Tumango lang naman ako kay Sir Billy saka ako lumabas ng office niya saka ako bumalik sa pwesto ko at inayos ang gamit ko

"Oh Jaki, bakit ang aga mo uuwi? Saan ang punta mo?" tanong ni Ate Madc

"Wala akong pupuntahan tsaka nagpaalam naman ako kay Sir Billy" sagot ko

"Oh eh bakit nga? Don't tell me..." sabi pa niya

"Mali ka ng Iniisip Ate, nagsubmit lang ako ng leave form, I want give myself a break kahit ilang araw lang" sagot ko at agad siyang lumapit sa akin and then she hugged me

"Mami-miss kita Jaki pero pag ready ka na ulit, balik ka lang dito ah" saad niya saka siya bumitaw sa yakap

Hindi naman ako aalis na parang pupunta ng ibang bansa pero knowing na nag-aalala talaga siya akin, nahanap ko na ang reason para bumalik dito

"Oo babalik ako dito, sabay nating nahanap itong lugar na ito, bakit kita iiwan?" nakangiting sagot ko

"Aaaww, oh siya, pumunta ka na nga kung saan man ang punta mo. Text me kapag nakauwi ka na ng apartment mo" sabi pa niya

Tumango lang naman ako sa kanya saka ako lumabas ng shop. Nakita ko pa si Kid na noo'y nagtataka din

"Oh anyare? Saan ka pupunta?" May nangyari ba?" sunod-sunid na tanong niya

"Hmm, wala naman. Pero kay Ate Madc mo na lang tanungin" sagot ko

"Oh sige, ingat ka Jaki" sabi pa ni Kid

Tumango ako sa kanya saka ako nagpatuloy na naglakad hanggang Bus Stop

Nang makarating ako sa apartment na tinutuluyan ko ay nag-isip isip ako. Saan ko naman pwedeng mahanap ang parents ko? Simula din kasi nung umalis sila ay naibenta nila yung bahay namin, kaya ayun, simula din nun ay kina Ate Madc ako tumutuloy

Baka hindi rin nila mahanap itong apartment na tinutuluyan ko. Aish!




















Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now