Chapter 15

103 9 9
                                    


Jaki's PoV


'Wala kang karapatan para saktan siya'
'Wala kang karapatan para saktan siya'


Tila umuulit ito sa aking isipan. Hindi ko man mahanap ang dahilan pero bakit niya kaya nagawang gawin yun? Hindi ko alam kung concern lang ba talaga siya sa akin o may mas malalim pa na kahulugan yun

How can it be? Yung sinusungitan ko at sinusungitan din ako ang nagsangga ng kamay niya for me. Hindi ko alam kung dapat ko bang bigyan ng meaning yun o hindi ee

Hindi ko din alam kung ano na itong nararamdaman ko. Yung tipong lagi kaming nagsusungitan tapos 'pag hindi namin ginawa ng isang araw yun, nami-miss ko. And by that, yung sungit-sungit, I found it cute. Hahaha ewan

Kanina ko pa din iniisip ang mga nangyari kagabi habang nakatitig lang ako sa mga bulaklak na nasa mesa ko

"Hoy Jaki, magpapasko na hindi mo pa rin inaayos yan. Ayos ka lang ba talaga o ano?" biglang sabi ni Ate Madc

Hindi ako agad nakasagot sa kanya kasi nakatitig pa rin ako sa mga bulaklak. Ang daming pumapasok sa isip ko

"Hay naku Jaki. Maabutan ka ni Sir Viceral na ganyan, lagot ka talaga" dagdag na sabi pa niya

"Eto na, aayusin na. Ayos lang ako Ate Madc" sagot ko naman


Agad kong inayos ang sarili ko saka inayos na itong mga bulaklak na kanina ko pa tinititigan

"Naku, sinabi ko lang na lagot ka, umayos ka na. Yang tataa?" pambibirong sabi ni Ate Madc

"Halla siya! Ayan ka na naman ee, tigilan mo na nga ako Ate" sabi ko at nagfocus sa mga bulaklak

Hindi ko naman na narinig na nagsalita siya at siya namang dating ni Sir Viceral


Hindi ko ma-trace at mahulaan kung anong klaseng mukhaan siya ngayon. Masungit na naman ata, ni hindi man lang kami pinansin. Sabagay, sasabihin na naman nun, bakit niya kami papansin. Aish!


"Himala ata, hindi ka pinatawag sa office niya" malokong sabi ni Ate Madc


"Haha, oo nga ee. Yaan mo na siya" sagot ko na lang


Ilang sandali pa ay may dumating na ilang customer at matapos nun ay wala na naman. Kaya habang naghihintay ng customer ay naupo ako saglit sa pwesto ko

Naalala ko naman yung photo na inabot sa akin ng hindi naman ganun katanda na babae, kama-kailan


Agad ko itong kinuha sa bag ko at marahang tinitigan. Sabi pa nung babae sa'kin, iabot ko daw ito kay Sir Viceral pero hindi pa ako makakuha ng tyempo para iabot ito sa kanya


Tinitigan ko pa ito lalo at tine-trace baka hindi magkalayong si Sir Viceral nga ito. Siya kaya ito nung bata siya?


Dami namang kung ano ang pumasok sa isip ko na mga tanong. Aish! Iaabot ko lang naman ito sa kanya pero parang ang hirap sa'kin na gawin yun. Hahaha


Habang tinitignan ko ang photo na'to ay pansin ko naman ang pagdating ni Sir Billy kaya agad kong binalik sa bag ko ang photo, para na rin batiin si Sir

"Good morning Sir" bati ni Ate Madc

Babati pa sana ako kaya lang nagulat ako kasi may kasama siya. Siya yung babae na nagbigay ng photo sa akin kama-kailan. Anong ginagawa niya dito? Customer kaya siya rito?
At bakit niya kasama si Sir Billy? Teka, hindi kaya si Sir Billy yung nasa photo? Pero hindi ee

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now