Chapter 20

88 7 7
                                    

Jaki's PoV

Maaga akong pumasok today sa shop dahil marami kaming aasikasuhin, bukas kasi may pupuntahan kaming event pero di ko pa sure kung kaming lahat ang pupunta dun or dalawa lang na naman kami. Aish!

2 days after nung magpunta ako sa bahay niya at yung mga nangyari dun na hindi ko inaasahan, fresh pa din sa isip ko. Kaya kinabukasan nun, hindi dapat ako papasok kasi nga nahihiya na naman akong harapin siya pero pumasok pa rin ako

Ewan ko ba, I can't help myself na! Hahaha wow!

"Aga mo ah. Napagalitan ka na naman ni Sir Viceral no'?" sabi ni Ate Madc

"Sira! Mas maaga ka kaya" sagot ko sa kanya

Nagtungo muna ako sa pwesto ko saka ako nagtungo sa kanya para tulungan siya sa ginagawa niya

"Umamin ka nga, pansin kong nagiging mas close na kayo ni Sir Vice ah. Yang tataa?" sambit naman ni Ate Madc

"Baliw ka talaga 'Te. Ewan ko dun, biglang bumait. Sabi nga nila, open yourself for changes" sagot ko

"Sus! Baka naman bumabait dahil sa iyo" pang-aasar na sabi pa nito

"Ayan ka na naman ee, ang issue mo ah" tugon ko

"Bakit? Anong masama sa sinabi ko? Baka kasi ang hindi mo alam, nagbabago pala siya dahil sa iyo kasi gusto ka niya" sabi ni Ate Madc

Ganun ba yun? Madalas na lang kasi magsungit yun ee, si Sir Viceral. Siguro nga, hindi ko alam

"Oh ano, natahimik ka. Hindi naman sa ma-issue ako pero yun kasi yung napapansin ko" dagdag na sabi pa niya

Ang aga-aga ako topic neto. Kakainis na ito ah. Hahaha

"Tsaka ngayon ko lang nakitang ganyan si Sir. Yung papasok siya na nakangiti tapos, papansin tayo, hindi na siya yung Boss natin na papasok na hindi mapinta ang mukha" sabi naman ni Ate Madc

Napasapo na lang ako ng ulo kasi dumating na si Sir Vice nang hindi niya namalayan. Malamang narinig lahat ni Sir ang sinabi nito

Magsasalita pa sana si Ate Madc nang mapansin niyang nasa tapat ko si Sir Viceral

"Magandang umaga po Sir. Pasensya na po" nakayukong sabi ni Ate Madc

"It's okay. Sige, punta na ako ng office ko, Jaki see you later" nakangiting sabi nito

Ngumiti lang naman ako sa kanya at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa office niya

Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko

"Ayan ang sinasabi ko. Wala na Jaki rupok ka ghorl?" saad niya kaya naman nakatos ko siya pero mahina lang

"Ayan kung anu-ano nasasabi mo Ate, hindi mo na namalayan ang pagdating niya. Buti na lang hindi, imbyerna yun" sabi ko sa kanya

"Nagsorry naman ako ee. Pero paanong magiging imbyerna yun ee, nagbago dahil sa iyo. Yiiee" pang-aasar na naman niya

"Ewan ko sa iyo, ayusin na lang natin itong mga bulaklak. Huwag ako ang i-topic mo" sabi ko naman

Nagkibit-balikat naman siya sa akin saka namin inayos at in-arrange yung mga bulaklak

Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Billy kasama ang girlfriend niya ata. Ano kayang meron?

"Hello guys. Siya nga pala kasama ko ang girlfriend ko si Coleen. Sinama ko siya para makapili siya ng flowers kasi birthday ng Mommy niya" sabi ni Sir Billy

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now