Jaki's PoV
Hindi ko rin natiis ngayong araw na hindi pumasok. Sayang rin kasi yung araw na kikitain namin eh
Pagtiisan ko na lang muna yung pagmumukha ng Boss namin kahit na nakakasawa na lalo yung ugali niya
Maaga ako ulit pumasok ngayong araw at naabutan ko si Kid na nag-aayos na ng mga Bulaklak
"Oh Jaki ang aga mo ulit ah. Akala ko hindi ka papasok?" sabi niya
"Hindi ko natiis na hindi pumasok eh" sagot ko na lang sabay lapag ng gamit ko sa table ko
Pumunta ako sa dako niya para tulungan siya. Ilang sandali pa ay dumating na yung Boss namin
"Magandang umaga po Sir" sabi naman ni Kid
Binalingan niya kami ng tingin at dumako rin ang tingin niya sa akin ngunit inirapan ko lang siya. Bahala siya dyan at ilang sandali pa ay nakapasok na siya sa office niya
"Grabe ka, di mo man lang binati Si Sir" saad ni Kid
"Bakit ba? Hayaan mo siya" sagot ko
Umiling-iling naman si Kid kaya natawa lang ako at ilang saglit pa ay dumating na rin si Ate Madc kasunod ang isang customer
"Ah Sir, pili na lang po kayo ng PostCard dito para sa girlfriend mo" sabi ni Ate Madc
Agad namang tinanggap ito ng customer namin at sinabi na niya rin sa amin ang Bulaklak na aayusin namin
"Sir pahintay na lang po, mga 10 minutes lang po ito" saad ko
Tumango lang naman siya sa akin at agad ko namang tinulungan si Kid
"Ang bango talaga nito" sabi ni Kid referring to Pink Roses
"Oo nga eh" sabi ko naman
At ilang sandali pa ay natapos na namin ang pag-arrange ng Pink and White Roses at inabot ito sa customer namin
"Thank you din po Sir! Balik po kayo" sabi ko
Ilang sandali pa ay naupo ako sa pwesto ko habang kaharap ang mga Bulaklak
"Buti naman at pumasok ka" sabi ni Ate Madc
"Oo eh, wala rin naman akong gagawin sa bahay tsaka hindi ko matiis na hindi pumasok" sagot ko
"Aysus, hindi raw matiis. Ano yung hindi mo matiis? Yung hindi pumasok o yung hindi makita ang pagmumukha ng Boss natin?" nakakalokong saad ni Ate Madc
"Ano? Magdahan-dahan ka nga sa sinasabi mo Ate. Yung hindi pumasok malamang" sagot ko sabay irap sa kanya
Kaunti na lang talaga, mababato ko na siya ng Bulaklak. Kainis ito
"Ay grabe oh, nagtatanong lang naman ako" sabi pa niya
"Oo na. Kung anu-ano sinasabi mo, mamaya marinig ka nun, ma-misinterpret niya pa yang sinabi mo" saad ko naman
"Oy concern" nakangiting sabi ni Ate Madc
"Halla ka nagsasabi lang naman ako. Tss!" inis na sabi ko
Nagkibit-balikat naman siya sa akin at nagtapos na lang sa ginagawa niya. Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Billy kasabay nito ang paglabas naman ng Boss namin
"Kid, may pupuntahan lang ako saglit and then if ever na may maghanap sa akin, pakisabi umalis ako saglit" sabi ni Sir Viceral
"Yes po Sir" sagot naman nitong si Kid
![](https://img.wattpad.com/cover/232291069-288-k843828.jpg)
YOU ARE READING
Malay Mo, Tayo Hanggang Dulo
FanfictionSabi nila, kapag mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat. Pero paano kung ang taong gusto mo ay matigas ang puso at ayaw aminin ang totoong nararamdaman para sa iyo? Ano ang gagawin mo? Mamahalin mo pa rin ba siya? And what if you try, bak...