Chapter 21

89 10 4
                                    

Jaki's PoV

It was Thursday today at ngayong araw din yung kasal nung friend ni Sir Vice. Siya lang naman ang pupunta kasi ayaw kong pumunta dun, wala lang kahit na inimbitahan rin ako. Nakakahiya ano, hindi ko siya kilala tapos pupunta ako dun. Haha

Habang inaayos namin ni Ate Madc itong mga bulaklak ay siya namang labas na ni Sir Vice galing sa office niya

Omaygad! He looks so expensive today. Halla! Pinagsisisihan ko na, na hindi sasama sa kanya today. Eh kasi naman, ang gwapo niya with his tuxedo with his eyeglasses

"Halla si Jaki oh, crush na naman si Sir Viceral. Sama ka na kaya sa pupuntahan niya" sabi ni Ate Madc

Gusto ko nga, kaya lang wala akong ayos ee. Hahaha

"Ayoko ko pa din, wala akong kakilala dun" pag-iwas na sagot ko

Hindi na sumagot si Ate Madc sa akin at natahimik na lang nang huminto si Sir Viceral sa pwesto namin

"Maiwan ko muna kayo dito ah. This is important day, hindi pwedeng wala ako dun. Bahala na kayo dito, don't worry andito naman ang pinsan ko" sabi ni Sir Viceral

"Yes po Sir, wala pong problema" sagot ni Ate Madc

Ngumiti lang naman ako sa kanya at ngumiti din naman siya pabalik

Pero pansin ko naman ang hindi maayos na pagkaka-kabit ng tie niya kaya I take the chance saka ko inayos ito, after nun ay napatitig lang ako sa kanya

Narinig ko pa nag mahinang pagtikhim ni Ate Madc kaya umiwas ako ng tingin kay Sir Viceral

"Okay. I gotta go. Bye guys" saad niya at mabilis na lumabas dito sa office

Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa hindi ko na nga siya nakita. Nakatos pa ako ng mahina ni Ate Madc, napa-aray ako at napahawak na lang dito

"Ikaw ah, ano yung pag-ayos ayos mo ah? Ikaw ah" pagbibirong sabi nito

"Aray naman 'Te, masakit yun. Eh kasi naman, pupunta siya ng kasal nang hindi man lang maayos ang tie niya. Parang concern lang ee" sagot ko sa kanya habang hinihimas pa din ang parteng kinatos niya

"Sus, concern daw. Bahala ka nga" mapagbirong sabi niya

"Oo nga, ito naman ee" sabi ko

Tumango lang naman siya sa akin at ilang sandali pa ay tinulungan ko si Ate Madc na mag-arrange ng mga bulaklak na kadarating lang kanina, at siya namang dating ni Kid

"Saan ang punta ni Sir Vice? Bakit nakabihis yun?" bungad na tanong nito

"Ah si Sir, a-attend ng kasal ng kaibigan niya, pero mamayang hapon nandito na rin yun" sagot ni Ate Madc

"I see" maikling sagot naman ni Kid

Matapos naming ma-arrange ni Ate Madc ang mga bulaklak ay siya namang dating ng mga customers namin. Yung iba naming customer, si Sir Vice talaga ang hinahanap, at dahil wala siya, si Sir Billy muna ang nag-asikaso sa kanila

Habang naghihintay ng customers ay napapaisip ako. Bakit kaya hindi ako sumama kay Sir? Aish! Hahaha halla ka!

"Oy si Jaki, si Sir Vice na naman ang nasa isip. Bakit kasi hinayaan mong magpunta siya dun mag-isa? Hahaha" panlolokong sabi ni Ate Madc

"Baliw ka talaga Ate Madc, malaki na yun, kaya na niya ang sarili niya. Bakit ko pa sasamahan yun?" sagot ko

Sa isip ko talaga ay gusto kong sumama. Aish! Wala na Jaki, ang rupok-rupok mo. Para kang kahoy na naulanan, hahawakan palang, putol na agad. Hahaha. Aish!

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloDonde viven las historias. Descúbrelo ahora