Chapter 17

94 10 3
                                    




Jaki's PoV


Mahirap magmove on sa pangyayaring hindi mo inaasahan. Should I consider that a beautiful memory or a nightmare? Nakakagulat lang kasi at nakakapagtaka ang mga kinikilos niya. Pinagsisisihan ko na, na tinanggap ko pa yung offer niyang Bouquet of Tulips kahapon

'Haba nga ng hair mo ghorl. Sana all nabibigyan ng flowers diba'

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko, the moment he said na gusto niyang patawarin ko siya sa nangyari, 3 days ago. Pero at the other side of it, mas lalong gumulo itong pakiramdam na ito. Tama pa ba ito?


"Hoy Jaki, kinakausap kita, hindi ka naman nakikinig. Ayos ka lang ba?" saad ni Ate Madc na nagpabalik sa akin sa reyalidad


Napahilamos pa ako sa mukha bago ko inayos ang sarili ko saka nagsalita


"Ayos lang naman ako Ate, siguro puyat lang ito" sagot ko naman

"Aysus, pinagsisisihan ko na, na pinasahan tayo ni Kid ng Kdrama ee, yan ang naging resulta. Pero seryoso, ayos ka lang ba talaga? Magsabi ka lang if you're not okay" sabi naman ni Ate Madc


"Ayos lang ako talaga Ate, promise. Kausapin na lang kita ulit mamaya" sabi ko naman

Tumango na lang siya sa akin saka niya inayos ang ibang mga flowers. I look at my wrist watch and it's already 10 AM in the morning pero pansin kong wala pa si Sir Viceral

Dahil hindi pa ako nakuntento, agad akong nagtungo sa office niya para i-check kung nandito na nga talaga siya pero naka-lock pa ito. Ano naman kayang nangyari dun?


Ganun ba yun? Nagbigay ka lang ng bouquet kahapon hindi ka na makakapasok kinabukasan? Aish!


"Oh Jaki, sinong hinahanap mo? May kailangan ka ba?" biglang tanong ni Sir Billy. Hindi ko siya napansin ah


"W-Wala naman po pero chineck ko lang po kung nandito na si Sir Viceral pero mukhang wala pa siya rito" sagot ko naman


"I see. Actually, nagtext siya sa akin, sabi niya medyo male-late siya ng konti kasi napuyat daw siya kagabi, hindi siya nakatulog ng maayos" pag-explain na sabi ni Sir Billy


Tumango-tango na lang ako at ilang sandali pa ay nagpaalam na ako kay Sir Billy saka bumalik sa pwesto ko


Ganun pala ang epekto noh, hindi ka makakatulog ng maayos if you give something. Ma-try nga minsan. Hahaha


"Halla si Jaki, ngiting-ngiti Bebe?" rinig kong sabi ni Ate Madc

Napasapo na lang ako ng mukha nang marealize kong nakita niya ang ngiting yun. Hindi ko namalayan ang sarili ko na ganun ang ginawa


"Sorry. Bakit? Masama na bang ngumiti ngayon?" sagot ko naman


"Oo masama lalo na kung iba ang dahilan nito. Pero bakit nga? Anong ngingiti-ngiti mo dyan?" saad pa nito


"Eh kasi nga, male-late yung Boss natin, kay Sir Billy ko nalaman. Dapat huwag na lang siyang pumasok" sagot ko


"Ganun ba? Pero ang chismosa mo sa part na yun" birong sabi ni Ate Madc


"Aray ah! Pero dapat lang din nating malaman ano. Eh paano kung biglang may dumating na customer tapos hinahanap siya, ano na lang sasabihin natin" sagot ko

"Oo na, oo na! Hindi ka na chismosa pero informer. Hahaha charr lang" sambit ni Ate Madc


"Sira ka talaga!" sabi ko naman

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon