Chapter 11

102 8 6
                                    


Jaki's PoV


It was Saturday today at balak kong hindi pumasok ngayon sa shop dahil alam kong matatalakan ako ng Boss ko dahil sa pag-iwan ko sa kanya

Pero iniisip ko rin na hindi ko din kasalanan yun kasi sinunod ko lang yung sinabi niya. Hindi ako nagpahatid sa kanya pero iniwan ko naman siya


Aish! Ano na naman ang nagawa mo Jaki? Napasapo na lang ako ng mukha. Kakaloka naman

"Oh Jaki ayos ka lang?" tanong ni Kid

Umayos ako saka tumango sa kanya. Itong dalawa naman na ito, hindi na ako tinigilan, tanong lang din ng tanong kung ano ang nangyari kahapon sa Debut


"Jaki kwentuhan mo na kasi kami nitong si Kid about sa Debut na pinuntahan niyo kahapon" pangungulit na sabi ni Ate Madc

"Ayaw ko nga! Wala namang nangyari kahapon ee, huwag ka ngang mag-expect dyan" sagot ko

"Wala daw. Hindi man lang kayo nagtalo ni Sir?" singit na sabi pa ni Kid sabay tawa


"Bonus na yun, siguro yun lang ang ginawa nila maghapon" pagsang-ayon pa ni Ate Madc


Kaya naman nagtawanan ang dalawa pdro hindi ko na lang sila pinansin saka nagfocus sa mga flowers na kaka-deliver lang today kaya sobrang fresh nila


"Oy si Jaki umiiwas" rinig kong sabi pa ni Ate Madc


Aish! Kailan ba ako titigilan ng mga ito? Baka mamaya marinig ito ni Sir Viceral, mas lalo akong pinagalitan nun. Sabihin niya, pinag-uusapan namin siya during work time


[ Eee bakit kay concern sa kanya ngayon? Nakaaa, nakaa ]


Syempre, papagalitan na naman ako. Kung anu-ano na naman sasabihin nun


"Magtatrabaho ba kayo o magtatawanan na lang?" rinig kong sabi ni Sir Viceral


Sa way ng pagkakasabi niya nun parang mangangain ng tao. Cold ang pagkakasabi niya


Pansin ko naman yung dalawa na natahimik at saka bumalik sa kanilang mga pwesto


Gusto kong tumawa dahil sa mga itsura nilang dalawa pero nandito si Sir Viceral. Itabi ko na lang itong tawa ko


Nanatili akong tahimik hanggang sa dumaan sa tapat ng table ko si Sir Viceral. Hindi man lang ito tumingin sa dako ko ngunit may pinatong lang siyang note sa harap ko bago siya nagtungo sa office niya


"Oh ano? Nanahimik kayo? Mga loko kasi kayo" mapanlokong saad ko


"Syempre ayaw naming mapagalitan" sagot naman ni Kid


Nagkibit-balikat na lang ako saka ko binasa ang note na indirect na binigay ni Sir Viceral



'Come to my office. Mag-uusap tayo' pagbasa ko rito. Nung binasa ko yun feeling ko andito lang siya sa likod ko habang sinasabi ito, coldy


Bakit kailangan niya pa akong papuntahin dun? For his privacy? Aish!


Agad naman akong nagtungo sa office niya at naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya, nakatalikod ito sa akin


Naramdaman niya ata ang pagdating ko kaya umikot ito saka ako tinignan


"About what happen last night, talagang iniwan mo ako ah. Hindi mo man lang ako tinulungang magbaba ng mga stuff. Tss!" sabi nito sabay irap sa akin


Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now