Chapter 18

120 10 10
                                    

Jaki's PoV

Nakangiti akong pumasok ng shop at parang ganadong-ganado ako ngayon. Ewan ko ba. Hahaha change is coming. Charr

Kaya naman nang makapunta ako sa pwesto ko ay agad kong inayos ang sarili ko, sinuot ko na din ang apron saka nagpunta sa mga bulaklak na aayusin ko today

"Anong nakain mo Jaki? Bakit iba ata ang mood mo today?" rinig kong tanong ni Ate Madc

"Wala Ate, iba kasi yung dulot at epekto sa akin nung KDrama na pinasa sa atin ni Kid" sagot ko na lang

"Aysus. Pakilala mo na sa akin yan, huwag ka ng mahiya" sabi pa ni Ate Madc

Napahinto ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi ni Ate Madc

"Ate, wala akong ipapakilala sa iyo. It's about the KDrama lang talaga" sagot ko

"Oo na, naniniwala na ako sa iyo" saad naman niya

Ngumiti lang ako saka nagpatuloy sa ginagawa kong pag-aayos. Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Viceral kaya naman bahagya kong tinigil ang ginagawa ko para batiin siya

"Magandang umaga po Sir" sabay na bati namin ni Ate Madc

"Good morning" nakangiting bati nito

Wow! Nagbago ata ang ihip ng hangin ah. Wiiee, sana magtuloy-tuloy ito. Thank you Lord 🙏

Actually, mas naging close na kami ni Sir Viceral, less sungit tsaka nakita ko yung other side of him. Nagstart ito nung nagcelebrate kami kasi tumaas ang sale ng shop. Nagkwentuhan lang naman kami n'yan. Tsaka ang dami kong nalaman tungkol sa kanya na hindi ko pa nalalaman

"Oh, bakit ka natigilan dyan? Gwapo ng Boss natin noh" sabi ni Ate Madc

Sa 'di malamang dahilan ay tumango na lang din ako sa sinabi ni Ate Madc. Agree naman kasi ako talaga, gwapo talaga itong Boss namin pero mas gwapo siya kapag ganyan yung aura niya, yung hindi masungit

"Halla si Jaki, crush na naman niya si Sir Viceral. Ayusin mo na nga yang mga bulaklak" birong saad na Ate Madc

"Sinang-ayunan ko lang yung sinabi mo Ate pero hindi ibig sabihin nun, crush ko na siya" sagot ko saka ko muling pinaki-alaman yung mga bulaklak

"Joke lang Jaki, seryoso mo talagang bata ka" rinig kong sabi ni Ate Madc, kaya naman lihim akong napangiti

Ilang sandali pa ay siya namang dating ni Sir Billy at kasunod nito si Kid. Ewan ko sa dalawang ito, siguro nga coincidence lang na nagkakasabay sila

Ilang saglit pa ay natapos ko na ang first set ng mga Roses kaya naman bumalik ako sandali sa pwesto ko

"Alam ko kung bakit ka na naman late, Kid? Tinapos mo na naman ang Kdrama na pinapanood mo" sabi ko

Tumango-tango lang naman ito sa akin saka naman siya nakatikim na katos mula kay Ate Madc

"Sobra siya, ang sakit nun ah" reklamong sabi naman ni Kid

"Kayong dalawa, tama na nga yan. Mamaya makita na naman kayo ni Sir lagot kayo" saad ko pa

Huminto naman silang dalawa saka bumalik sa mga ginagawa nila

Naupo naman ako sa upuan ko saka ko kinuha ang stationery ko at tinignan ko kung anong ganap namin for this week

Wala naman kaming ganap for this weel maliban na lang kung may nakausap pang ibang customer si Sir Viceral

Ilamg sandali pa ay binalik ko ito sa bag ko saka ako nagtungo sa panibagong set ng bulaklak na aayusin ko

"Ang babango niyo naman, parang yung Boss niyo lang" sabi ko sa mga bulaklak na inaayos ko

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now