Chapter 9

93 8 9
                                    


Jaki's PoV

3 Days had passed simula nung Wedding nina Mr. and Mrs. Viradelo at nung Sunday nga, as what our Masungit na Boss said, treat niya ang araw na yun

Nung araw na yun, gusto kong magstay na lang sa mga oras na yun kasi ibang-iba si Sir Viceral. Akala mo hindi siya yung masungit na Boss kasi sobrang aliwalas lang ng mukha niya tapos maririnig mo talaga siyang tumatawa.

Wala namang ganap nung Sunday, kain lang at unting inom. Lunch kasi yun


SKL. But it was past and memory already. Akala ko nga kahapon, ganun pa rin siya pero yun ang akala ko. Masungit na naman siya na akala niya, walang nangyari nung Sunday at hanggang ngayon, ganun pa rin, walang nagbago

"Bakit ang tahimik mo naman?" tanong ni Ate Madc

"Wala naman. Gusto ko lang" sagot ko

"Bago yan ah. Parang ngayon ko lang narinig" pagbibiro ni Ate Madc

"Sira" natatawang sagot ko

"See? Napangiti din kita. Huwag ka kasing sumimangot dyan, kakasira ka ng good vibes" sabi naman ni Ate Madc

Natatawa pa siya nang bahagya ko siyang tinignan. Ate Madc know me so well. Sa tagal ba naman naming magkakilala, alam niya na ang lahat ng sa akin

"Che! Balakajan" saad ko

Napahagikgik lang naman siya. After ng pag-uusap namin ni Ate Madc ay siya namang dating ni Sir Viceral. Si Kid at si Sir Billy ay may pinuntahan

Late ang Boss, ano kayang nangyari? Tiwtininiw. Hahaha

"Jaki, come over here at my office, now" pahabol na sabi pa niya

Nagkatinginan lang naman kami ni Ate Madc matapos sabihin ni Sir Viceral yun

"La ka Jaki! Hahaha joke lang" sabi naman ni Ate Madc

"Maiwan na nga kita dyan" sabi ko at mabilis na umalis sa pwesto at nagtungo sa office ni Mr. Sungit

Pagkapasok ko sa office niya ay natagpuan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at marahang hinahaplos ang sintido niya. Badtrip na naman ito for sure

"Sa susunod na araw na ang Debut ng customer natin, right?" saad nito

"Ah yes Sir" maikling sagot ko

Pagkasagot ko nun ay napasapo na lang siya sa mukha niya. Ano kayang nangyayari dito?


Naalala ko naman na dalawa lang kami ang pupunta dun. Aish! Bakit kasi dalawa lang kaming pupunta dun ee?

"Ah Sir, sigurado na po ba talaga kayo na.. na dalawa lang tayo ang pupunta dun?" tanong ko

Bahagya siyang tumingin sa akin saka ngumisi. Wait, may mali ba sa sinabi ko?

"Aish! Sabihin mo nga sa akin Jaki, ayaw mo ba akong kasama dun?" tanong nito

"Wala naman po akong sinasabi pero baka ikaw itong ayaw akong kasama. Oh paano?" sagot ko

"As what you said, wala akong sinasabi" sambit niya

Bahagya akong natahimik at ilang sandali pa ay nagsalita ulit siya

"Oh siya, balik ka na sa workplace mo, mamaya kausapin ulit kita" sabi nito

Tumango na lang ako saka lumabas ng office niya. Hay, nakahinga na ako ulit ng maluwag. Akala ko talaga, papagalitan na naman niya ako

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now