Chapter 25

85 8 0
                                    

Fast Forward tayo mga moots...






Jaki's PoV

It was a wonderful today dahil 4th Anniversary ng Floral Shop ni Sir Vice, kaya sobrang busy namin kahapon pa hanggang ngayon. Kapag ganitong anniversary talaga, may freebies na binibigay si Sir Vice sa mga customer, hindi ko alam kung ano naman ang freebies niya ngayon

Sobrang saya ko din ngayon kasi, kasabay ng Anniversary ng shop ang 2nd Anniversary ni Vice. Bongga diba. Hahaha. Pero, sobrang laking pinagbago ni Vice simula nung maging kami and then eventually, yung tinatago namin, nalaman din nila Ate Madc which is our relationship. Wala talagang maitago sa Ate kong yun

"Kid, abot mo nga yun oh" sabi ko sa kanya

Nagde-decorate kasi kami. Hahaha syempre, para presentable sa mga customer

"Ako na kaya dyan" sabi pa ni Kid

Tumango ako at siya na ang gumawa nung ginagawa ko, mas matangkad naman kasi si Kid sa akin

"Ang ganda, panalo" sabi pa ni Ate Madc

"Syempre, tayo ang nag-ayos" sagot ko

After naming mag-ayos ay siya namang dating ng ilang mga customer. Nalaman ko na may free na isang bouquet ang mga customer, dahil nga anniversary

After naming maasikaso ang mga customers ay nagtungo ako sa labas ng shop. Wala lang, gusto ko lang tignan yung kabuuan ng shop

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ng isang pamilyar na boses

I look at him and then I smile. Shuta! Bakit ang gwapo niya today? Omoo

"Wala naman, nagpapahangin lang" sagot ko

"Halika na, pumasok na tayo sa shop" ayang sabi pa nito

Nagkibit-balikat lang naman ako sa kanya saka ako sumunod papasok sa shop

Magtutungo na sana ako sa pwesto ko nang bigla na lang ako hilain ni Vice hanggang sa makarating kami sa office niya. Ano na naman kayang problema nito?

"Ano bang ginagawa mo?" sabi ko pa sa kanya

Nang makapasok kami sa loob ay sinara niya pa ang pinto nito. Ano kayang problema nito?

"Huy, ano ka ba? Anong ginagawa ko rito?" tanong ko sa kanya

"Wala naman. Happy Anniversary! Gusto ko sanang magbonding tayo today kaya lang, anniversary din pala ng shop. So what's your plan?" sambit nito

"Anong plan ka dyan? Alam mo, kahit saan mo ako dalhin mamaya, sasama ako sa iyo, di mo naman ako ipapahamak diba" sagot ko

"Oo naman, pero ganito na lang, maaga tayong mag-out today. Sure akong papayag naman yung mga kasama natin" sabi pa niya

Tumango lang naman ako sa kanya at ilang sandali pa ay pinagpilitan ko sa kanya na lumabas na ako ng office niya, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, baka mamaya ma-rape ko na siya. Wow! Hahaha










Nang lunch time, ay nag-order si Vice ng pagkain. Sobrang daming pagkain. Nagmukha tuloy fiesta dito sa shop

"Happy Anniv sa shop mo cousin" sabi ni Sir Billy

"Happy Anniv" sabay-sabay na sabi namin nila Ate Madc

"Thank you. Thank you din sa inyo, sa hardwork niyong lahat" sabi naman ni Vice

"Thank you din sa iyo kasi ikaw talaga ang ano dito, Boss dito ee. Awwiiiee and syempre, Happy Anniv din sa inyo nitong si Jaki" sabi pa ni Sir Billy

"Yiiee, Happy Anniv Sir Vice and Jaki" sabi naman ni Ate Madc at Kid

"Thank you" sagot ko

"Thank you. Oh siya kumain na nga lang tayo. Oo nga pala guys, maaga kaming mag-a-out nitong si Jaki, syempre, may sarili kaming ganap later" sambit ni Vice

"Oo na, kami ng bahala dito. Basta, ingatan mo lang itong si Jaki" sagot naman ni Sir Billy

Tumango lang naman si Vice saka kami nagpatuloy sa pagkain. Uwu! Ang daming pagkain. Iniisip ko baka kakain pa rin kami ni Vice mamaya sa plans niya






As what he said, maaga nga kaming umalis ng shop at ngayon, wala akong idea kung saan kami pupunta na dalawa. Kanina pa siya nagda-drive, aalis ba kami or maggagala lang? Wala akong idea talaga. Ayaw ko naman siyang tanungin, bahala na. So I decided na matulog muna, mahaba-haba pa naman ang byahe

Nagising na lang ako nang maramdaman kong nakahinto ang sasakyan saka ako nagkusot ng mata bago nagsalita

"Surprise! We're here in Baguio. Happy Anniversary love" bungad na sabi ni Vice saka niya ako hinalikan sa uluhan ko

"Happy Anniversary. Wow! Thank you for bringing me here" sagot ko

"Wala yun" sagot naman niya

Dun ko lang napansin na, nakacheck-in na pala kami sa isang hotel kaya pala nakahinto itong sasakyan, nasa parking lot kami actually

Ilang sandali pa ay bumaba na kami ng sasakyan saka pumasok sa loob ng hotel and then, kumain na naman kami. Hahaha busog-busog na naman and then, after naming chineck ang room namin ay lumabas kami ulit ng hotel para naman maggala dito sa Baguio

"Love, sabi nila, kapag nagdala daw ng jowa dito sa Baguio, after niyong magBaguio, magbe-break kayo" sabi niya

"Oh? Talaga? Eh bakit dinala mo ako dito?" sambit ko

"Wala, Baguio is a nice and cold place. Sobrang ganda, wala akong ibang rason kung bakit dinala kita rito" saad niya

"Hmm! Alam mo, huwag kang maniwala sa sinasabi nila. As long as you trust and love your partner, hindi kayo maghihiwalay, as long as din na nagtutulungan kayo to grow, nagtutulungan kayo para magtagal ang relasyon niyo, magtatagal talaga kayo" sabi ko sa kanya

"Thank you" sambit niya

"Mas thank you kasi you trust me and patuloy kang naniniwala sa akin, sa atin. Thank you kasi, you're here, your loving me and you conquered your fear sa pagmamahal. Thank you for taking the risk, but it's worth it. Thank you" saad ko sa kanya saka naman niya ako niyakap and then I hugged him back

Naggala pa kami and we took some photos saka kami bumalik ng hotel. Sabi niya, ipagpatuloy na lang daw namin bukas ang gala namin

"Thank you Jaki, kasi hinintay mo ako. Thank you kasi pinili mong hintayin ako hanggang sa maging ready ako to love you. Thank you" sabi pa ni Vice

"Worth it naman yung paghihintay ko. You're worth the wait. Nalaman mo na yung sagot dun sa what if mo kasi nagtry ka. Thank you naman kasi you took the risk and I promise, sabay nating haharapin lahat ng challenges na darating sa atin okay. I love you" sabi ko

"Thank you. I love you too" he said and then he kissed me passionately at tumugon naman ako sa halik na yun














Walang sigurado pagdating sa pag-ibig. Hindi mo alam kung mamahalin ka ba ng taong mahal mo o hindi. Hindi mo alam kung mahal ka rin pala ng taong mahal mo. Hindi mo alam kung aabot kayo sa dulo o hindi. Hindi mo alam kasi hindi mo naman sinubukan. But Vice, opposite of that, oo nandun yung takot niya na hindi ko siya sasaluhin, oo nandun yung takot niya na baka hindi ko rin pala siya mahal. Knowing na takot, he try kasi he trust the one he love, which is me. Nagtiwala siya sa akin na kahit alam ko din sa sarili ko na aabot kami sa ganito. But who knows, fate and destiny bring us here

Sa kwento namin, masasabi ko na worth the wait talaga si Vice at sa part niya, worth the risk. For him, ako yung risk na sinubukan niya. Kaya ikaw, oo ikaw, just give it a try kasi hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan. Kahit anuman ang maging outcome nito, pangit man o maganda, at least wala kang pagsisisihan
















T H E     E N D

Malay Mo, Tayo Hanggang Dulo
©All Rights Reserved 2020

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now