Chapter 4

124 15 6
                                    



Jaki's PoV

Gaya ng sinabi ng masungit kong Boss, Day-off ko today. Kakainis talaga yun kahit kailan

At dahil nga day-off ko ngayon, andito lang ako sa tinutuluyan kong apartment at binabalak kong pumunta ng Mall at sa wakas makakagala na ulit

Ilang sandali pa ay nag-ayos na ako para makapunta ng mall

Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na ako ng apartment at nagcommute papuntang mall






At the Mall...

Salamat talaga sa Boss namin kasi nabigyan niya ako ng Day-off and coming from him na ayaw niyang makita ang pagmumukha ko. Eh siya kaya, gusto ko rin ba makita yang masungit niyang mukha?

Kakainis na talaga yun. Buti na lang at nasagot ko siya kahapon. Minsan kasi, dapat sinasagot yun para hindi kami nagmumukhang kawawa sa harap niya ano

Anyways, nagtungo ako sa mga Hoodies kasi gustong-gusto ko ng mga Hoodies tapos faded pa yung kulay, sobrang angas lang kasi

"Salamat po,balik po kayo Ma'am" saad ng tindera ng Hoodies

"Salamat din po" sabi ko naman

"Okay po. Pero Ma'am sa Viceral's Floral Shop po ba kayo nagtatrabaho?" saad ng tindera

"Doon nga po, bakit niyo po natanong?" sabi ko

"Wala naman po Ma'am. Sobrang fan kasi ako ng shop na pinagtatrabahuhan mo. Sobrang ganda ng arrangement at ang bango pa ng mga Bulaklak" sabi ni Ateng tindera

"Ay salamat po ah at dun po kayo bumibili" sabi ko

"Wala po yun Ma'am tsaka nakikita po kasi yung post ng shop niyo sa IG with you kaya namukhaan kita" sabi naman niya

"Hehe salamat po ulit Ate" saad ko

"Sige po Ma'am. Salamat din" sambit niya

After naming mag-usap ni Ateng tindera ay naglibot pa ako sa Mall nang may mapansin akong familiar na familiar na tao

Bakit kaya andito ito? Sabi niya ayaw niyang makita ang pagmumukha ko, pero bakit andito din siya sa Mall ngayon?

"Ayaw mo pala ang pagmumukha ko ngayon ah" sabi ko pa sa sarili ko

Buti na lang at di niya ako napansin kaya naman agad akong tumawag kay Ate Madc

Ate Madc on the phone...

"Hello Ate Madc" sabi ko

"Oh bakit Jaki?" tanong nito

"Ah nakita ko kasi si Sir Viceral dito" sambit ko

"Saan naman?" tanong niya

"Ah sa Mall. Andito ako sa Mall at nakita ko siya. May nasabi ba siya sa inyo kung bakit andito din siya ngayon? Curious lang kasi ako" mahabang sabi ko

"Oy si Jaki curious, halatang concern pa" pang-aasar ni Ate Madc

"Sira ka talaga. Bakit nga?" tanong ko ulit

"Ah bibili at naghahanap kasi siya ng Scent for his office, nasabi niya sa amin kanina yun" sagot ni Ate Madc

"Ganun? Bakit daw? Mabaho ba yung office niya? Nung last time na pumasok ako dun, hindi naman ah. Mabango nga eh, amoy ng kasungitan niya" sagot ko

"Ay grabe siya oh. Sumbong kita eh, gusto mo?" saad ni Ate Madc

"Go, gusto mo ako na ang magsabi ng isusumbong mo. Tanaw ko siya dito oh" matapang na sabi ko

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloDonde viven las historias. Descúbrelo ahora