Chapter 16

94 9 5
                                    



Jaki's PoV

2 days after mangyari ang hindi dapat mangyari, charr lang. Pero yun na nga, kinabukasan nun hindi ako pumasok kasi nahihiya ako tsaka hindi ko siya kayang harapin at kahapon, pinilit kong pumasok, ayun wala kaming kibuang dalawa. Kahit na magkasalubong kami, talagang hindi ko siya kinikibo

At hanggang sa mga oras na ito, hindi ko pa din siya kinikibo, kinakausap. Nagtataka lang kasi ako ee, para saan yung kiss na yun? Aish! Yun ang nakakainis sa lahat ee. Hindi ko alam kung may ibig sabihin ba sa kanya o wala ang kiss na yun

'Bakit sa'yo? Meron bang ibig sabihin ang kiss na yun?'

Siguro, wala, ewan! Hindi ko alam! Basta, nung moment na yun, parang nagskip ng beat ang puso ko tapos parang nagslow-mo, bumagal ang lahat. Send help naman! Hahaha charr

"Bebe, nagtataka na ako, bakit hindi kayo nag-uusap ni Sir Viceral?" tanong ni Ate Madc

Yan na nga ba ang sinasabi ko. Lahat na lang, napapansin nito. Hahaha

"Ewan! Hayaan mo na siya, nagpapalamig lang yun" walang ganang sagot ko

"Ayses, bakit may ginawa ka ba at nasabi mong nagpapalamig lang?" sabi pa nito

"Ate, walang ginagawa sa kanya ano" sagot ko. 'Siya nga itong may ginawa sa akin ee'

"Sus, umamin ka nga, may namamagitan sa inyo ni Sir Viceral ano?" sabi pa ni Ate Madc na ikinagulat ko

Agad ko naman siyang nabato ng isang pirasong bulaklak na hawak ko. Natawa lang naman siya

"Alam mo ikaw, hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita o ano. Bintang ka dyan, walang namamagitan sa amin. Grabe ito, bakit naman magkakaroon?" sambit ko

"Aba, malay ko sa'yo. Eh ikaw itong lagi niyang kasama. Kahit na lagi kayong nagtatalo, nagpapakita pa rin siya ng mabuti sa iyo. Hindi mo ba napapansin yun?" saad ni Ate Madc

Natahimik naman ako sa sinabi niyang yun. Gaya nga ng sabi ko, yung moment na lagi kaming nagtatalo kahit wala namang kwenta yung bagay na yun, after nun, napapangiti ako sa 'di mawaring dahilan

"Mamaya ang hindi mo alam, nagkakagusto na pala sa yung tao. Hay naku Jaki" sabi ni Ate Madc

"Imposible naman yang sinasabi mo ee Ate. Malay mo, infatuation lang, gusto agad? Wow" sabi ko

"Hindi natin alam Jaki. Pwedeng possible or impossible. Basta!" saad niya

Ang gulo rin nito ee. Mamaya ko na lang siya kausapin ulit about this feeling of mine

Ilang sandali pa ay may dumating na rin si Kid kasunod si Sir Billy at ilang customer. At yun nga, nung nakaraan hindi pumasok, ayun nanoood lang ako nung pinasa ni Kid na Kdrama, tama nga siya, magaganda ang Drama ng Korea, skl

"Good morning Sir" sabay na bati namin ni Ate Madc

"Good morning din. Ah Jaki pwede bang matawag ang Sir Viceral mo? Siya kasi ang hinahanap nitong customer natin. May gagawin pa kasi ako, okay?" saad nito

Napanganga na lang din ako sa sinabi ni Sir Billy. Aish! Napatingin na lang sa akin si Ate Madc, na noo'y nakangiti. Loko din ee. Sila naman ni Kid ang nag-asikaso sa ibang customer

"Lagot ka. Hahaha sige na, tawagin mo na para makausap mo. Joke lang" saad niya

Inirapan ko na lang siya saka nagtungo na ako sa office ni Sir Viceral. Bukas naman na ito pero kumatok pa rin ako, napa-angat naman siya ng tingin ngunit muli niyang binalik yun sa ginagawa niya

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now