Epilogue

98 11 2
                                    


Vice's PoV

Narating na nga namin ni Jaki ang dulo ng relasyon namin at hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay kung hindi siya kasama

It was my decision para wakasan na nga ang relasyon namin ni Jaki. Siguro kung kami pa din, 4 years na kami ngayon. Uwu




Flashback...

"Vice, ano bang ginagawa natin dito? Anong meron?" tanong ni Jaki

"I have something to tell you" sagot ko

"Hmm, dito talaga ah. Sige, ano ba yun?" sambit niya

I clear my throat first bago ako nagsalita. Hindi ko alam kung paano sisimulan ito

"Jaki, alam mo naman kung gaano kita kamahal diba. Pero alam mo, itigil na natin ito, itigil na natin" sabi ko

"H-Ha? A-Anong ibig mong sa-sabihin? Te-Teka" naguguluhang sabi ni Jaki

"I'm sorry Jaki, pero itigil na natin ito" sabi ko

"H-Huy, huwag mo naman akong biruin ng ganito. Akala ko ba, mahal mo ako?" sambit niya

Bumuntong hininga muna ako saglit saka ako muling nagsalita

"What I mean is, itigil na natin ito kasi gusto kong magsimula tayo ulit" sabi ko

"H-Ha? Hindi kita maintindihan Vice. Umayos ka, seryoso" sambit ni Jaki

"Sabi ko, itigil na natin ito at magsimula tayo ulit. Magsimula tayo ulit sa umpisa but this time, not just a magjowa" saad ko

Umiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko naman siya kaya I take that chance at lumuhod sa harap niya

"Jaki, we've been throughout our relationship, ups and downs. Sobra akong nagpapasalamat sa iyo. This is what I mean" sabi ko and then I pause

"V-Vice?! Ano ito? Akala ko ba?" gulat na sabi niya

"No, this is what I mean. Oo narating na natin ang dulo ng relasyon natin as magjowa but this time, gusto ko magsimula tayong muli, nang magkasama. I'm ready for this, kaya tatanungin kita, will you marry me? Ay teka, mukhang mali yun. Take 2, marry me or marry me, Jaki?" sambit ko

Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko. Yung naiyak na siya tapos napatawa ko at the same time. So cute!

"Siraulo ka" sambit niya

"Jaki naman ee, seryoso kasi" sabi ko

"Ano pa bang choice ko? Yes na Yes po Mr. Viceral" nakangiting sagot niya

Napapikit ako dahil sa kilig, saka ko sinuot ang singsing sa daliri niya. Nag-ayos ako saglit ng sarili saka ako muling nagsalita

"I love you" sabi ko sabay yakap sa kanya

"I love you too, my future" sabi niya

Napabitaw ako sa yakap na yun at tumitig lang sa kanya

"Akala ko kung anong ibig mong sabihin, may pa-surprise ka pala" sambit niya

"We've been through hanggang sa mga oras na ito Jaki, iiwan pa ba kita? Syempre hindi na, so I decided na gawin ito, ready ka na rin pala" sabi ko

"Awww! Ready ka na talaga ah" saad niya

"Of course. Tsaka I promise myself noon na, kung sino yung magiging first girlfriend ko, gusto ko siya na rin yung makasama ko, habangbuhay. Kahit na takot ako, I try pa din" sabi ko

Niyakap naman niya ako at gumanti naman ako sa yakap na yun

"Thank you kasi naniwala at nagtiwala ka. Thank you for loving me Vice" she said between our hugs

"Welcome" sabi ko

After ng ganap na yun ay hinatid ko muna siya sa kanila saka ako dumiretso sa bahay para magpahinga

End of Flashback...






Oo. Naabot na namin ni Jaki ang dulo ng relasyon namin as magjowa along with 4 years at gusto kong magsimulang muli na kasama pa rin siya but this time as long time couple este--asawa. Charr. Hahaha

At ngayong araw, winakasan ko na nga ang relasyon namin as magjowa because today ay naikasal na kami at nandito kami ngayon sa reception ng kasal namin. Hindi ganun karami ang aming bisita, yung iba malalapit sa amin

As usual, sa shop ko galing ang lahat ng mga flowers. Hahaha and then sin Kid din ang nag-ayos dito sa reception. Wow naman. Hahaha

Ako na ata ang luckiest man ngayong araw, sobrang saya ko. Waaa, naiiyak na naman tuloy ako

Sa mga oras na ito, andito kami sa gitna, having a sweet dance kasabay ng instrumental song. Nag-iingay na naman ang mga bisita namin

"Once again, congratulations Vice and Jaki" sabi ng MC naming si Billy

Wala, siya na talaga ang nagrepresent sa sarili niya. Hahaha I love my cousin

Nagpalakpakan naman ang lahat saka ako humarap dito kay Jaki na noo'y ang lawak-lawak ng ngiti

"Are you happy?" tanong ko sa kanya

"Sobra! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya at ka-thankful ngayong araw. Thank you for bringing so much love nad happiness hanggang sa nga oras na ito" sagot niya

"Aww! Deserve na deserve mo naman yun Love. Your welcome" sambit ko saka humalik sa noo niya

"Yiiee. Ang sweet oh. Isang kiss daw Vice" rinig kong sabi ni Billy, pasaway talaga kahit kailan

Ganun na rin ang sinigaw ng iba. Kakainis talaga itong si Billy. Hahaha

"Dali na, ayiiee"sabi pa nito

So inayos ko ang sarili ko saka tumitig kay Jaki at dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. She close her eyes and I do it also hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng labi ko sa labi niya

Ilang sandali pa ay minulat ko ang mga mata ko kasabay nito ng pagmulat rin ng mata niya at ang hiyawan ng mga bisita namin

"Sweet naman nun" sabi pa ni Billy

Nginitian lang naman ako ni Jaki, so ngumiti na lang din ako

"Yey! Palakpakan naman natin ang ating Newly Wed. Congrats ulit cousin and Jaki" sabi pa ni Billy

This would be the best day of our lives. So much love and happiness ang naramdaman ko ngayong araw

Nagwakas man ang relasyon namin as magjowa, this is the start of new beginning ng buhay namin as... alam niyo na. Hahaha. I know, haharap pa kami at dadaan sa maraming pagsubok but walang mahirap basta magkasama kami. Sabay naming haharapin lahat kahit yang chismosa niyo pang kapitbahay yan. Hahaha



















Special Part lang ito kasi monthsary. Wow naman! Hahaha

Author's Note:

Yey! Another story, done! Thank you mga moots sa mga nagbabasa nitong story na ito. Maraming maraming salamat po kasi napaglaanan niyo ng konting oras ito para basahin. Thank you po talaga, hindi ko rin naman po siguro matatapos ito, kung hindi dahil sa inyo

Sorry din pala kasi maaga kong tinapos ito, it's because of my personal reason, sana po maintindihan niyo. Thank you po! Continue to vote and comment na rin

Unexpected ito ah. Natapos ko ito ngayong monthsary tapos sobrang bongga ng part na ito, Wedding nila. Hahaha naol. Hopia na naman. Anyway mga moots, Happy Monthsary sa atin and especially to my silent parents. Stay safe guys 🎉💙

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloWhere stories live. Discover now