Chapter 12

93 8 0
                                    


Jaki's PoV

"Bakit ngayon ka lang?" bungad na tanong ni Ate Madc

Talagang hinihintay ako sa labas. Ang galing talaga

Bago ako sumagot sa kanya ay binalingan ko muna ng tingin ang wrist watch, late na nga ako

"Sorry na, hindi ko nga namalayan yung oras tsaka hindi ako nakatulog kagabi" sagot ko

"At bakit hindi ka nakatulog? Aber?" tanong pa ni Ate Madc

"Kasi nga diba, malakas yung kulog at kidlat kagabi, alam mo namang takot ako dun" sagot ko

Nagkibit-balikat naman siya at hindi na muling nagtanong pa sa akin. Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa makarating ako sa pwesto ko

"Hmm, hindi daw po siya nakatulog ng maayos kagabi kaya na-late" sabi ni Ate Madc

Ngayon ko lang napansin na lahat pala sila, hinihintay ako. Ano bang meron ngayon? Saturday lang naman ngayon

Nakakahiya pa tuloy kasi andito si Sir Billy at Sir Vice

"Fine! Let's go back to work. Mamaya, pumunta ka sa office ko Jaki" rinig ko pang sabi ni Sir Viceral

Aish! Pang-ilang beses na nga ba akong pinapatawag sa office niya? Hindi ko na mabilang. Loko ka talaga Jaki

"Ate Madc hindi mo man lang sinabi sa akin na lahat pala kayo, hinihintay ako" sabi ko

"Nakalimutan ko, sorry" sagot ni Ate Madc sabay peace sign sa'kin

Hindi na ako muling umimik pa sa kanya at ilang sandali pa ay siyang dating ng mga customer

"J-Jaki hindi lang ordinaryong customer yan. Hindi mo na siya naalala?" bulong na sabi sa akin ni Ate Madc

Matagal kong tinitigan ang customer namin at yun nga, naalala ko na siya. One of our customer na talagang kina-iinisan ni Sir Viceral

"One bouquet of Roses please" sabi nito

Tumango naman ako sa kanya saka hinanda ang mga roses at siya naman ay nagtungo sa customer's area

Kina-iinisan siya ni Sir Viceral kasi natapunan niya noon ng coffee din si Sir Viceral. May dala kasi siyang plastic cup of coffee nun dito sa loob ng shop and then nagka-bungguan sila ni Sir. That time pa naman, aalis si Sir kasi kinuha siyang Ninong ng isa sa regular customer namin

Tuloy ko na lang mamaya ang kwento ah. Hahaha

Natapos ko na ang Bouquet na order niya nang makita ko si Sir Viceral na papunta dito sa pwesto namin

"Sir ito na po yung Bouquet" sabi ko sabay abot sa kanya

"Thank you" saad nito saka siya umalis

Bago pa man nakarating sa pwesto ito si Sir Viceral ay naka-alis na ang customer na yun

"Sino yung customer na yun Jaki?" walang ganang tanong nito sa akin

Paano ko sasagutin yung tanong niya, ee yung way ng pagtatanong niya, ang lamya-lamya. Hay naku

"Ah Sir, yun po yung customer na nakatapon po ng coffee sa damit mo. Sayang Sir hindi mo naabutan" sagot ko

Gulat man siya sa sinagot ko ay napasapo na lang siya ng ulo niya. Balak niya pa atang bawian

"Bakit hindi mo sinabi agad? Aish! 'pag nagkita kami ulit nun, hindi na makakapunta yan dito" sabi naman niya

Malay Mo, Tayo Hanggang DuloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon